Chapter 15

43 9 0
                                    

Dedicated to Winx_29

Precious POV

Alam nyo yung pakiramdam ng nasa langit kana pero tatanga tanga ka maglakad kaya natapilok ka tsaka impyerno binagsakan mo? alam nyo yung ganong feeling? ansakit no? ansaklap no?

"Cie."

Alam nyo ba kung bakit? kasi hindi ko alam kung bakit pumasok sa utak ko yan eh. wala lang gusto ko lang i share sa inyo para naman Hindi lang ako ng ako ang naguguluhan sa pag uugali ng mga pesteng tao dito sa bwiset na mansion na to!

Anong konek????

"Cie!"

Required ba na kapag pupunta dito ang impaktang khea na yan kailangan lagi akong kawawa? lagi akong binubuhusan ng tubig? Alam ko. Alam ko na Hindi pa ako binubuhusan ng tubig pero darating din ako dyan maya maya lang. kumukuha pa sya ng tamang tyempo na ako lang mag isa para walang makakita sa kagagahan nya. eh pano pala kung ayokong humiwalay kay Kagumi edi hindi matutuloy yung balak nya sakin. Pagbibigyan ko ba sya o hindi? pagbigyan nalang no? kasi mukang yon lang naman ang kaligayahan nya ang kawawain ako at maliitin.

"Hoy Cie!"

Ilang beses na ba ako nabuhusan ng tubig? isa? dalawa? tatlo? papaabutin ko pa ba ng sampo? hindi ba nila alam na mahirap mag trabaho? lalo pa't wala kang sweldo? paano nalang kung tatakas ako? hahayaan ko nalang ang sarili kong madedo? paano nalang ang sarili ko? hindi ba nila alam ang halaga ko sa mundong ito? Isa lang naman akong babae na humihingi ng pagmamahal. Parang isang ibon na nais makawala sa kanyang kural. Hindi ba nila alam na gusto ko pang mag aral? Ano ba itong sinasabi ko? nababaliw na ba ako?

"Anak ng Pusa naman Precious!" nabalik lang ako sa ulirat ng biglang sumigaw si Zen sa tenga ko kaya hindi ko naiwasang sumigaw sa gulat.

"Waahh!! Pusa! Santa maria paalisin ang espiritu!" pinag krus ko ang kamay ko at hinarang sa sarili.

"Hay nako, Cie mayayari ka talaga kay young master!" singhal ni ate Jean kaya inayos ko na ang sarili. "Kanina ka pa nya pinapatawag pero mukang lutang ka eh. ano bang problema?" pilit ang ngiti na pinakita ko sa kanya. hindi nya dapat malaman ang kagagahang iniisip ko.

"Sige. asan ba sya?" tanong ko. itinuro nya ang sala kung nasaan ang mga bisita nya kabilang na si impaktang Khea. nagdadalawang isip tuloy ako kung pupuntuhan ko ba si Batman o hindi na. bahala sya dyan sa buhay nya. sya naman ang may kailangan kaya kunin nya kung anong kailangan nya. yung hindi na iuutos sa iba. dapat kunin nya kung anong kailangan nya.

Ay, atichodang katulong?

"Ano, tutunganga ka nalang ba dyan?" naiiritang tanong ni ate Jean. nakanguso akong pumunta sa sala. nawala lang yon ng makita kong nakangisi sakin si Khea kaya inayos ko ang hitsura ko kahit medyo kinakabahan na ako.

"Why took you so long?" nandidilim ang paningin nyang tanong. Ito na magta transform na sya!

"Give us some tea." malamig nyang utos. nakasimangot akong tumalikod sa kanila. Tsk. pwede namang iutos nya sa iba pero mas pinili pa talagang asarin ako kaya kahit na matagalan ang pagpunta ko ay ok lang kasi gusto nyang makitang nahihirapan ako.

Padabog kong ginawa ang lahat hanggang sa pag serve sa kanila. kulang na nga lang mabasag ang lahat dahil sa pagdadabog. sinilip ko ang Batman sa gilid at halos mapatalon ako sa gulat ng makitang nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin.

T-Teka ano bang ginawa ko?

"Excuse po–"

"Give us some snack." utos nyang muli. nako! kung hindi ko lang talaga sya amo dito, sinupalpal ko na sa kanya tong tray na hawak ko. hindi pa kasi sinabay kanina. halatang halata na pinapahirapan ako.

Shi Mansion (Home Of Devils)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora