Chapter 26

35 8 0
                                    

Dedicated to DumbE_
AlvinjayNobleza

Precious POV

Maganda sana kung lumalangoy lang sya ng parang tao talaga pero hindi eh. Daig nya pa sea lion sa ginagawa nya.

Nagpapaikot ikot silang magkapatid sa tubig na animo ay nasa paligsahan. Nakailang ikot pa sila bago naisipang umahon at uminom ng tubig. Nagtaka pa ako ng humingi sila dahil hindi ba sila nakakainom ng tubig sa pool?

"Ate Cie why don't you join with us?" Tanong ng bata.

Ngumiti ako ng matamis dito tsaka nagsalita. "Hindi ako p-pwede kasi a-ano–" biglang naputol ang sasabihin ko ng dumating si Ckierfer na masama ang mukha.

"Why don't you call me in my room?" Bumuntong hininga ako ng maalala na maling kwarto pala ang napuntahan ko kanina.

Nilapitan ko si Ckierfer at lumuhod upang magkapantay kami. Hinimas ko ang malambot at malago nitong buhok tsaka humingi ng paumanhin.

"Gomene Ckierfer sama, I forgot to tell you about this swimming because of your Oniichan." napangiti ako sa isipan dahil sa sinabi.

Aba totoo naman na kasalanan nya.

"Its ok Ate Cie." bumuntong hininga nalang ito tsaka pumunta sa gilid ng pool at ibinabad ang paa.

"Is that ok to use me?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ng Demonyong Paniki sa gilid ko.

Blangko akong tumingala dito at iniwan sya. Bakit akala ba nya sasagutin ko sya? Tsk. Manigas sya dyan.

"Hey!" rinig kong tawag pa nito pero Hindi ko pinansin.

Nakasalubong ko si Ate Jean na may pag aalala sa kanyang mukha. Hinihingal pa itong tumingin sa akin.

"Huy ayos ka lang?" Bigla akong kinabahan ng makitang tumatakbo sa direksyon namin sila Grace at ang iba pang maids.

"Nasaan ang mga Master's?" pagtutukoy nito sa magkakapatid.

"Nasa pool pero teka ano bang problema?" tinignan ako ng makahulugan nito bago nya ako talikuran.

"Cie." pagtawag ni Genny.

"Ano bang problema non?" kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Pare parehas ang ipinapakita ng kanilang mga mukha. Natatakot at nalulungkot.

"May sulat na dumating..." Hindi pa nito natatapos ang sasabihin ng biglang mag unahan sa pagtulo ang mga luha nito.

"Naguguluhan ako." at naiiyak din ako.

"C-Cie malapit na." makahulugang wika ni Mica.

"Anong sulat ang dumating?" tanong ko.

Kahit na umiiyak ay itinuloy ni Genny ang sasabihin. "Na–Nagpadala ng sulat s-sa pamamagitan ng palaso–" muli itong umiyak at dinaluhan naman ni Grace at Mica.

Unti unting nabubuo sa aking isipan ang nais sabihin ni Genny ngunit Hindi ko kayang isipin na ganon nga dahil mukang hindi maganda ang kalalabasan.

"Cie." lumapit sa akin si Zen at Nicka na parehong umiiyak.

Nanginginig ang kanilang mga kamay at hindi alam kung paano uumpisahan ang sasabihin.

"Ang sulat na pinadala ay ginamitan ng palaso at nakatarak iyon sa dibdib ni Judy." ramdam ko ang hirap sa bawat salitang binigkas ni Nicka.

Shi Mansion (Home Of Devils)Where stories live. Discover now