Chapter 14

48 10 0
                                    

Dedicated to Mariela102379

Precious POV

Dalawang araw makalipas ang nangyari sa budega naging malupit sakin ang Batman nyo. Lagi nya akong sinisigawan at sinusungitan mas lumala pa ng umalis ang kambal pati nadin si Lady Moon pero itong si Kagumi naman dikit ng dikit sakin.

Andito ako ngayon sa kusina dahil pinapaluto ako ni Batman ng something red kaya naisip kong magluto ng spaghetti. bahala sya sa buhay nya kung hindi nya magustuhan to.

"Cie ok ka lang ba?" tanong ni Zen.

"Ok lang naman, pero mas ok kung sumama nalang si Batman papunta sa Japan at wag ng bumalik!" singhal ko habang gigil na kinakayas ang keso.

"Te maawa ka naman sa keso parang inapakan ng sampung elepante ang hitsura eh." tinuloy tuloy ko lang ang pagkayas sa keso kaya sa hindi inaasahan pati daliri ko nakayas nadin.

Parati nalang ba akong masusugatan?

"Ay, pati ba keso gusto nya pula din?" takang tanong ni Grace habang sinisipat ang kesong nakayas na.

"Pero parang iba naman yata yung pagka pula?" lalong nagtaka ang hitsura nya kaya pinakita ko ang daliri kong nilalabasan ng mapulang dugo.

"Haluh Cie pati daliri mo kailangan pula din?" pakiramdam ko naubos na ang dugo ko sa tanong ni Grace.

"Grace, gusto mo pati mata mo maging pula?" tanong ko kaya umiling sya ng mabilis at kumapit sa braso ni Ate Jean.

"Hindi naman ako adik!" naguluhan ako bigla sa sinabi nya. wait, anong konek?

"Maid." napaharap ako bigla sa pinto ng kusina at nakita si Batman na masama ang tingin sakin.

Anong problema nito?

"Where is my food?" tanong nya.

"Ah hindi pa tapos-"

"WHERE.IS.MY.FOOD." Matigas nyang sabi kaya no choice ako kundi ibigay sa kanya ang spaghetti sauce na inuna kong niluto.

"What's this?" tanong nya pagka bigay ko ng sauce.

"Sauce po young master."

"Yes I know." alam mo naman pala eh!

"Ok young master -"

"WHAT.IS.THIS." Matigas nanaman nyang tanong.

"Food nyo po, Ay wait!" dali dali kong pinatay ang stove at tsaka nilagay sa tabi nya ang bagong lutong pasta na nasa tubig pa.

"Here it goes young master." binigay ko na din sa kanya ang kinayas kong keso na may kasama pang patak ng dugo ko.

Hindi ko pa nga nahuhugasan sugat ko eh.

"What should I do with this!?" singhal nya kaya pilit akong ngumiti at dinemonstrate sa kanya ang gagawin.

"First, drained the pasta and then put it in the sauce and mix it. then put some cheese here after that you go eat na." nag angat ako ng tingin at sinalubong ang matatalim nyang tingin na mas lalo pang tumalim ng ngumisi ako.

"Got it young master?" tanong ko pero matalim na tingin lang ang natanggap ko kaya inayos ko na ang mga ginamit kong pang luto.

"Tsk. Baka." napadiin ang hawak ko sa kutsilyo na hinuhugasan ko dahil sa sinabi nya.

Shi Mansion (Home Of Devils)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang