Chapter 23

23 6 0
                                    

Dedicated to z_star_princess

Tumakbo kami ng pagkabilis bilis dahil mahirap na baka maabutan kami. kumaliwa si Zen at si Nicka ako naman ay dumaan sa kanan. Batid ko ang takot sa mga kasama ko ng magpakita sa amin ang tinutukoy nila Zen na pumatay kay Giray.

"Nasaan na ba kayo?" rinig kong tanong ni Ate Jean sa earpiece.

"Ground floor sa kitchen." agad kong sagot. Nagtago ako sa likod ng malaking aparador na pinag lalagyan ng mga pinggan.

"Cie napapalibutan ka nila." nilabas ko ang salamin na dala ko tsaka itinapat malapit sa likuran ko at tama nga napapalibutan nila ako.

Napabuntong hininga nalang ako dahil kanina ay nag eensayo lang kami ng biglang may Hindi inaasahang pangyayari.

[Flashback]

"Sipa sa kanan at suntok sa kaliwa para kung sakaling dalawa sila ay mabilis mo lang mapapatumba." ginaya naman ni Zen ang ginawa ko tsaka pinaulit ulit.

"Cie paano to?" tanong ni Nicka sa hawak nyang kitchen knife na galing pa sa bahay ko.

"Sipa sa kanan suntok sa kaliwa kapag nakakuha ka ng tyempo tsaka mo isaksak yan malapit sa puso o sa leeg dahil mahihirapan ng makahinga o makagalaw ang kalaban."

"Sige!" ginawa nya ito ng paulit ulit hanggang sa makuha nya na ang tamang balanse.

"Ikaw Cie Hindi ka ba mag eensayo?" tanong ni Zen.

"Makita ko lang kayo OK na ako." isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko bago bumukas ang pinto sa likuran ni Zen at iniluwa niyon ang mga kasama ko na may masasamang tingin.

"Ganyan na kayo ngayon? Iwanan na?" Cold na tanong ni Ate Jean kaya napa atras ang dalawa.

"A-Ate Jean H-Hindi naman sa ganon–!"

"Ganon yon!" putol ni Ate Jean kay Nicka.

"Akala ko family tayo dito." dugtong naman ni Karen.

"Baka naman." nakatingin ng diretso sa akin si Mica.

Bumuntong hininga ako bago tumango. Agad namang nagbago ang timpla nila tsaka nagsimulang kumuha ng mga gamit na nakalagay sa maliit na lamesa.

"Astig! Ano to panghiwa ng gulay?"

"Pwede ko tong gamitin sa pagluluto."

"Pwedi din tong pang bukas ng de lata!"

Kanya kanya silang kuha ng patalim bago ito itapat sa ilaw at sipat sipatin ang talim.

"Sipa suntok at saksak lang ang gagawin." rinig kong sabi ni Nicka sa ate nya.

"Paano ganito?" sumipa ito sa ere at nagpakawala ng suntok tsaka itinarak sa dingding ang kutsilyo.

Masyadong napalakas ang ginawa nito kaya napahinto at napatingin sa kanya ang lahat. Nakakamangha ang galaw nya. Mabilis syang matuto.

"Ganyan nga Mica!" masayang wika ko. Ngumiti naman ito ng malapad tsaka pinag patuloy ang pag eensayo. Maya Maya ay lumapit sakin si Zen at bumulong.

"Pano to Hindi na secret?" natawa nalang ako sa kanya tsaka tinuro si Karen na Hindi alam ang gagawin sa hawak na palaso.

"Turuan mo." tumango naman ito at lumapit kay Karen.

Shi Mansion (Home Of Devils)Where stories live. Discover now