Chapter 1

206 21 5
                                    

Dedicated to yoursushie

Precious POV

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Kanina pa ako nandito sa labas ng bahay habang hinihintay si mama na Hindi ko alam kung saan pumunta

Habang nakaupo lalong lumalakas ang ihip ng hangin. Paniguradong uulan mamaya

Tumayo na ako at nagtungo sa loob para maglinis ng bahay. Baka bungangaan pa ako ni mama kapag naabutan nyang magulo ang bahay

"Ate Cie!" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko ang tumatakbo kong kapatid palapit sakin

"Bakit?" Tanong ko

"Ate Cie tulong!" Sabi nya habang hinihingal

"Anong problema?" Tanong ko ulit

"Itago mo 'ko!" Natataranta nyang sabi at nagtago sa likuran ko

"Jel!" Sigaw ni Jamiela na magkasalubong ang kilay at napadako ang tingin nya sakin na biglang umaliwalas ang mukha

"Anong muka yan?" Tanong ko at tinaasan ko sya ng kilay

Bigla nanamang nagsalubong ang mga kilay nya at luminga linga na para bang may hinahanap dahil Hindi mapakali

"Mabali leeg mo!" Sigaw ko sa kanya kaya seryoso syang timingin sakin

"Ate Cie, nakita mo ba ang kambal kong patay gutom na si Jel?" Humakbang sya palapit sakin at naramdaman ko ang pagkurot ni Jewel sa likuran ko

"Ah s-si Jewel ba? Nasa l-labas" nauutal kong wika dahil lalong dumidiin ang kurot sakin ni Jewel

"Bakit ano bang problema?" Takang tanong ko pero imbes na sagutin ako tinalikuran lang ako ng babaita

"Whew! Save by the pretty sister..." nakangiting wika nya at umalis na sa pagkakatago mula sa likuran ko "thanks a lot ate Cie" sabay tapik sa braso ko na parang mas matanda pa sakin

Tinaasan ko sya ng kilay dahil sa ginawa nya. Nag peace naman sya bilang paghingi ng sorry

"Anong ginawa mo?" Tanong ko at mas lalo ko pang tinaas ang kilay ko kung pwede nga lang umabot ng kisame ginawa ko na

"A-ano kasi..." Panimula nya at sinimulang paglaruan ang mga daliri sa kamay "Hindi ko naman alam na niluto sa kanya ni mama yung nasa lamesa kanina..."

"So ano nga ang ginawa mo?" Tumingin sya sakin na may awkward na ngiti

Mukang alam ko na...

"Ano bang ginagawa sa pagkain sa lamesa?" Mataray nyang tanong

Aba!? Nagawa pang magtaray!?

"Jel!" Sigaw ni Jamiela mula sa likod ng bahay

Bigla namang natigilan si Jewel at natatarantang hinila ako papasok sa CR

"A-ate malalagutan ako ng hininga nito eh!" Kinakabahan nyang sabi habang kinakagat ang mga kuko sa daliri ng kamay

"Ano nga kasing ginawa mo!?" Inis kong tanong

"K-kasi ki-..." Hindi nya na naituloy ang sasabihin dahil narinig namin ang mga yabag ni Jamiela palapit sa CR kung nasaan kami

Napapikit nalang kami ng sobrang lapit na ng mga yabag nya at hinihintay ang pagpihit ng door knob...

"Jal! Ayusin mo nga ang kwarto nyo!" Sigaw ni Hyacinth mula sa itaas kaya nakahinga kami ng maluwag dahil lumalayo na ang mga yabag ni Jamiela

Shi Mansion (Home Of Devils)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang