Chapter 7

76 18 0
                                    

Dedicated to Jiigraciuos

Precious POV

"Nakauwi na pala ang traydor" wika ni Batman

Malumanay lang na nakatingin sa kanya si kagumi na tila sanay na kay Batman

Anong meron?

Umupo na si Batman na salubong parin ang kilay

Tumingin sya sa akin na nag sasabing 'pag silbihan mo ako' kaya ako namang si katulong sunod naman

Aba syempre katulong lang ako dito!

Pinag sandukan ko na sya ng gusto nyang pagkain pero alam nyo ba kung anong ginawa nya?

Tinabig nya ang kamay ko na may hawak na sandok na puno ng afritada

Nagkalat sa sahig ang pulang sauce kaya nagmadali akong kumuha ng basahan

Napatayo sa kinauupuan si kagumi at tinulungan akong maglinis pagbalik ko

Habang ang Demonyong paniki ang sama ng tingin kay kagumi pero parang kasama narin ako

Assuming?

Nang matapos kami ay este si kagumi pala, maglinis bumalik sya sa kinauupuan nya at tinuloy ang pagkain

Ako naman pumunta sa laundry area para hugasan ang pamunas at map na ginamit namin

Pagbalik ko sa dining wala na ang kambal. Siguro tapos ng kumain

Pero ang dalawa parehong masama ang tingin sa isa't isa kaya na curious ako kung bakit magkagalit ang dalawa

Tumikhim ako sandali na nag papaalam na nandito ako. Kulang nalang kasi mag saksakan sila gamit ang mga mata

Bumalik sa dating hitsura si kagumi pero ang Demonyong paniki hindi natinag bagkus inilipat sakin ang masama nyang tingin

Sundutin ko kaya mata nito?

Umiwas nalang ako ng tingin at pumunta sa tabi ni kagumi para pagsilbihan sya pero saktong pagbalik ng kambal para sa dessert kaya hindi ko na napag silbihan si kagumi

"I want that Ate Cie!" Turo ni Ckierfer sa salad

"I want it too!" Sabi naman ni Clifford kaya pinag sandukan ko silang dalawa

Kanina ko pa napapansin ang palagiang pag sulyap ni kagumi sakin kaya nilapitan ko sya baka kasi may kailangan sya na hindi nya lang masabi dahil sa Demonyong paniki na masamang nakatingin sa kanya

Maduling ka sana!

"Kagumi..." Bulong ko

"Why?" Tanong nya

"May kailangan ka ba?" Sumulyap ako sa paniki at ganon nalang ang gulat ko ng mas lalong sumama ang tingin nya

Ako nahihirapan sa kanya eh!

Gusto ko na sana itanong kay kagumi kung anong problema pero pinigilan ko dahil baka matunaw na kami sa mga tingin ni Batman

Lumayo ako ng kaunti kay kagumi para makakain sya ng maayos. Mamaya ko nalang itatanong ang problema nilang dalawa

Tapos ng kumain ang kambal kaya tumakbo na sila palabas

Sinaway ko pa nga sila pero nginitian lang ako kaya hinayaan ko nalang

Mga bata nga naman....

"Water..." Sabi ni batman kaya agad ko syang binigyan ng tubig

Shi Mansion (Home Of Devils)Where stories live. Discover now