Chapter 16

47 10 1
                                    

Dedicated to ImCherry_143

Cosphire's POV

Naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Nakaupo ako ngayon sa terrace at pinag mamasdan ang mga kumikinang na bituin.

Kung sana nasa tabi kita ngayon. hindi sana ako makakaramdam ng lungkot at pangungulila sa pagmamahal mo. pero hindi nga pala ako ang mahal mo kaya wala ka sa tabi ko ngayon.

Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin pang gabi. Gabi gabi ko itong ginagawa dahil nakakaramdam ako ng konting kaginhawaan kapag nararamdaman ko ang hangin sa aking balat. sumandal ako sa railings nito at nakita ang maid na nakasira ng phone ko.

Pinagmasdan ko ang kabuuan nya mula dito sa terrace. napansin kong mabagal ang lakad nya at pahinto hinto kaya pinag masdan ko syang mabuti. sumasandal sya sa pader at pipikit. nagsimula syang maglakad muli ngunit mabagal parin kaya tinalon ko na pababa ang terrace para mabilis akong makapunta sa baba.

Nang makita ko sya na parang may dinaramdam sya dahil sa Diin ng pagkakapikit nya. Maya Maya lang dahan dahan syang nahuhulog kaya tumakbo ako ng mabilis upang saluhin sya. pigil ang hininga ko habang tumatakbo palapit sa kanya. nakahinga lang ako ng maluwag ng masalo ko sya gamut ang kamay at braso ko. hindi naman sya mabigat kaya hindi naging problema sakin ang saluhin sya.

"Got ya." wika ko ng masalo ko sya

Pilit nyang binubuksan ang kanyang mga mata ngunit hindi nya ito magawa marahil sa sakit na iniinda niya.

"Ba-Batman?" tanong nya pero hindi ko na sya sinagot. mainit ang buo nyang katawan kaya nagmadali akong buhatin sya. nagdadalawang isip pa ako kung dadalhin ko sya sa maids room o hindi pero sa huli dinala ko sya sa kwarto nila.

Sinipa ko ang pinto kaya nagulat ang mga kasama nyang maid sa loob pero ng makita nila ang kalagayan ni Maid agad nia akong pinapasok at itinuro ang kamang hinihigaan nya. Dahan dahan ko syang inilapag sa kama at inayos ang pagkakahiga. tinignan ko isa isa ang mga maid na nag aalalang nakatingin sa kasamahan nila.

"Take care of her or else I'll kill all of you." nagmadali silang kumilos at asikasuhin si Maid. lumabas na ako ng hindi nila napapansin. nagtungo ako sa kwarto ko at nahiga.

Precious POV

Nag mulat ako ng mga mata ng maramdaman ko ang init sa katawan ko. Dahan dahan akong tumayo at kinusot kusot ko ang mata ko at nagulantang sa nakita.

Wh-What is the meaning of this?

"Oka-san?" nanginginig ang mga tuhod ko habang lumalapit sa bangkay nya.

"Oka-san?" pag uulit ko. Nang makalapit ako sa kanya agad ko syang niyakap.

Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit hindi ako umiiyak ngunit ramdam ko sa loob ko ang sakit at paghihinagpis sa nakikita ko ngayon.

No. this can't be.

"Oka-san..." niyugyog ko ang aking ina sa kanyang balikat ngunit wala akong natanggap na tugon. paulit ulit kong ginawa iyon hanggang sa mapansin kong nandidilim ang buong paligid.

Biglang bumubos ang malakas na ulan. Binuhat ko si mama papunta sa kubo na nakita ko Hindi kalayuan sa kinaroroonan namin.

Bago ko pa maipasok si mama, nagulantang na naman ako sa aking nakit.

"D-Dad?" inilapag ko si mama at tumakbo papunta kay papa. Nagkalat ang dugo sa sahig na gawa sa kawayan. Tumingin ako sa kanan ng marinig ko ang pamilyar na iyak.

Nagulat ako ng makita ang tatlo kong kapatid. Umiiyak ang kambal habang si Hyacinth nakatulala lang sa kung saan.

"Hyacinth!" tawag ko pero hindi ito lumingon sa akin. lumapit ako sa kambal at nagulat sila ng makita ako.

Shi Mansion (Home Of Devils)Where stories live. Discover now