Chapter 2

108 18 0
                                    

Dedicated to FattyBabesss

Precious POV

"Ate Cin saan si papa?" Rinig kong tanong ni Jamiela

Nakaramdam ako ng kirot banda sa leeg ko kaya napadilat ako ng wala sa oras

Kadiliman ang bumungad sakin pagdilat ng mga mata ko walang liwanag sa buong paligid kaya wala akong makita

"Jal?" Tawag ko dahil boses nya ang narinig ko kanina

"Gising na si ate Cie" rinig kong bulong nya

"Ate!" Nagulat ako sa biglaang pagyakap sakin ni Jewel mula sa harapan kaya hindi ko napigilang mapadaing

"A-aray ko" mabilis naman syang humiwalay sakin at tumawa

"Nasaan ba kayo?" Tanong ko

Kinapa ko ang lamp shade na isang taon kong pinagipunan

Nang makapa ko ay agad ko itong binuksan, bumungad silang tatlo sakin na pugto ang mga mata

"Anong nangyari?" Tanong ko

Nagtinginan naman silang tatlo at umiling ng nakangiti

"Ate Cie hindi mo ba natatandaan?" Takang tanong ni Hyacinth sakin

Umiling ako bilang sagot

"Ang kulit mo kasi Ate Cie!" Sigaw naman ni Jamiela sakin

"Hoy! Sinisigawan mo ba ako!?" Sigaw kong tanong

Tinarayan lang ako ng babaita, ang maldita talaga!

"Hindi ba obvious?" Sabay irap sakin

Aba? Nakakarami na 'to ah!

"Ate Cie pangatlo mo na" sabi ni Hyacinth sakin pagkaupo nya sa tabi ko

"Im sorry" bulong ko

"Naiin–" hindi na naituloy ni Hyacinth ang sasabihin nya ng makarinig kami ng yabag ng mga paa

Lumapit at yumakap sakin ang kambal habang si Hyacinth may kinuha sa ilalim ng kama

Bigla ko tuloy naalala ang bilin ni papa, yung pulang kahon na naglalaman ng susi

"Ate sa bintana" bulong ni Hyacinth kaya napatingin ako sa bintanang nakabukas

Agad kong kinalad-kad ang kambal papuntang bintana para makatakas

"Mauna na kayo susunod ako" ngumiti ako ng matamis sa kambal at hinanap ng mata ko si Hyacinth

Nakita ko sya na may dalang kutsilyo sa kanang kamay habang may pulang kahon sa kaliwang kamay

"Hyacinth!" Tawag ko sa kanya

Lumingon naman ito sa akin ng nakangiti, nagsimula syang maglakad papunta sakin at inabot ang pulang kahon

"Take care of that key" bulong nya

Pumunta sya sa likuran ko kung nasaan naghihintay ang kambal sa labas ng bintana

"Tara na ate Cie!" Tawag nya sakin

"Malapit na sila!" Dugtong pa nya kaya sumunod na ako sa kanila

Kasalukuyan kaming nasa tapat ng gate at nakatago sa malaking halaman habang hinihintay na umalis ang tatlong lalaking naka pula at itim sa tapat ng pinto na katapat ng gate

"Nasaan na sila!?" Rinig kong tanong ng isang lalaki

"Nakatakas sila!" Sigaw ng lalaking may hawak na palakol

Shi Mansion (Home Of Devils)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora