Chapter 20

41 7 0
                                    

Dedicated to mrjayyy_05

Kagumi's POV

"Maawa ka!" pakiusap nya bago ko itarak sa noo nya ang hawak kong patalim.

Hindi na dapat binubuhay ang mga kagaya nya.

"Let's go." wika ni Khea tsaka ako tinalikuran.

"Paano na yung iba?" tanong ni Owen.

"Si Cosphire na ang bahala." Inayos ko na ang mga patalim na ginamit namin. Sa mansion ko nalang ito lilinisin.

"Where is Cosphire anyway?" maarteng tanong ni Khea.

"Sa likod." turo ni Owen sa likod ng bahay.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga target namin. Medyo marami pa sila at ang sabi ni Tita Moon bago daw mag November kailangan na wiped out na silang lahat.

"Oh he's here!" turo ni Khea sa naglalakad na si Cosphire.

"Let's go?" yaya ni Owen na nakasakay na sa kotse. Tumingin muna sakin ng masama si Cosphire bago ito sumakay sa kotse. Sumunod naman si Khea kaya sumakay nadin ako.

"Next destination?" tanong nito.

"Karmisa village." sagot ni Owen tsaka pinaharurot ang kotse.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa next target. Hindi naman kami nahirapang makapasok dahil walang bantay sa labas ng village.

"Dito na tayo mag park." wika ni Khea tsaka nagpatiuna sa paglabas dala ang baby gun nito.

"Sa likod kayo Khea and Kagumi." wika ni Owen at agad kaming pumunta sa pwesto.

"Nasaan ang target?" rinig kong tanong ni Owen sa earpiece na gamit namin.

"At his room." sagot ni Cosphire.

Akala ko magkasama sila?

"Pasukin nyo na." –Owen.

Nagtanguan kami ni Khea bago namin akyatin ang bintana ng bahay. Hindi naman masyadong mataas dahil sapat lang ang taas ng puno para mapasok namin ito.

Dahan dahan kaming lumapag sa sahig at pinatay ang ilaw sa kwartong pinasukan namin.

"Wait lang Nani!" nagtago kami sa likod ng pinto ng may tumakbong bata.

"Wag kang bababa!" rinig kong sigaw ng isang babae.

"Anong meron?" tanong ni Owen.

"May mga kasama sya." sagot ni Cosphire.

Napatingin ako dulong bahagi ng bahay at nakita ang nagtatagong si Cosphire.

"Nasaan ka ba Owen?" tanong ko.

"Wag na kayong lalabas dyan. Nandito na ako sa kwarto nya." Tila nakahinga kami ng maluwag kaya umupo nalang kami ni Khea sa kama at hinihintay na magbigay ng signal si Cosphire kung pwede ng lumabas.

"Sino ka?!" rinig naming tanong ng aming target mula sa earpiece.

"I'm Owen Villasis from Gang B." pakilala nito at nakarinig kami ng nabasag na bagay.

"W-Wag kang lalapit!" sigaw ng target.

"Paano kita mapapatay kung hindi ako lalapit?" –Owen.

"Bahala ka sa buhay mo!"

"Ok sige."

Maya maya lang ay nakarinig na kami ng bumulagta kaya tapos na ang pang apat na misyon. May tatlo pa.

Shi Mansion (Home Of Devils)Where stories live. Discover now