Twenty-six

35.5K 1.1K 83
                                    

Super tagal. I know. Anyway, I'm here na. Pero hindi madalas update ko ah? Alam niyo na. Graduating ako mga friends! Hahaha. Kailangan ko grumaduate dahil nakakapagod mag-aral. Tinambakan na kami ng tatlong projects at thesis pa.

Suggest nga po kayo ng Thesis proposal na program na nag halong Math. Wala ako maisip eh. Salamat sa tutulong!! Love you guys!

---------------

Tahimik lang si Kai habang lulan siya ng sasakyan nina Mr. Reynolds. Ewan ba niya, pero hindi siya natatakot rito. Marahil siguro'y alam niyang mabuti itong tao. Pero basta, wala siyang nararamdamang pagaalinlangan na sumama rito. Actually, bukod kay Isaac, nararamdaman niyang ligtas siya rito.

Tumigil ang isang sasakyan sa isang malaking building na may isang malaking karatula na may magkahawak-kamay na may pusong may korona sa gitna tapos sa ibaba noon ay nakalagay ang "The Three Royal Musketeers Foundation."

Biglang may naalala siya sa nabasa.

"Ang tawag sa'tin ay ninja turtles!"

"Ang pangit naman 'nun, hindi naman tayo mukhang pagong! Powerpuff girls nalang!"

"Babae ka ba?! Ikaw, bunso, ano suggestion mo?"


"Hmm...Three musketeers?"

"Royal musketeers! Three Royal Musketeers!"

Nabalik siya sa kasalukuyan nang tawagin siya ni Mr. Reynolds para pumasok. Tumango siya at sumunod sa mga ito pumasok. Sumalubong sakanya ang mga batang naglalaro, ang iba ay pabalik-balik ang pasok sa isang kwarto. Mukhang charity house din ito.

"Nandito na kayo!"

Napalingon siya sa nagsalita. Isang pari ang ngayo'y papunta na sa gawi nila. Naunang lumakad ang isa pa nilang kasamang lalaki at nagmano sa pari, sumunod si Mr. Reynolds rito at siya naman ay tahimik na nakatayo lang sa may likuran ng mga ito.


"Hindi niyo man lang sinabi na nakauwi na kayo ng Pilipinas. Sana ay nagpahanda ako kahit papaano." natutuwang sabi ng pari.


"Biglaan din po kasi, father. Siya nga po pala may kasama kami.. Kai?" tawag sakanya ni Mr. Reynolds.

Nahihiyang lumapit siya sa mga ito tapos ay nagmano rin sa pari. "Magandang araw po." bati niya sa pari.

Hinaplos naman siya sa ulo ng pari at ginantihan ang bati niya. Hindi ito nagtanong pa kung ano ang ugnayan niya kay Mr. Reynolds, basta ba'y tila may alam ito.


Sandali lang naman sila doon sa charity house. Napag-alaman niyang pagmamay-ari iyon ng pamilya ni Mr. Reynolds. At iyong lalaking kasama pala nila ay kapatid nito na kanina lang din niya nalaman. Kaya pala kamukha ni Mr. Reynolds ang lalaki. Iyon lang, hindi pa niya alam ang pangalan nito. Medyo tahimik kasi ito at laging may kausap sa phone, hindi katulad ni Mr. Reynolds na laging may ngiti sa labi kapag kinakausap siya. Hindi mo aakalaing halos sampung taon ang tanda nito sakanya. Iyon lang naman ang hula niya. Ayaw niya naman kasi mag-usisa pa.


Madami pa siyang nalaman sa magkapatid. Tatay pala nila ay isang Amerikanong businessman. Kaya siguro Reynolds ang apelyido ng mga ito.


Dinala siya ng mga ito sa isang restaurant para kumain. Habang naghihintay ng order, mahigpit lang niyang hawak ang kwintas na binigay ni Isaac sakanya. Muntik na niya ito mawala kanina. Buti nalang talaga at tinulungan siya ng magkapatid na Reynolds.

"Mahalaga talaga sa'yo iyang kwintas na iyan?" tanong nung kapatid ni Mr. Reynolds.


"Opo. Bigay kasi 'to ng boyfriend ko." amin niya. Napangiti siya ng kusa nang maalala niya ang mukha ni Isaac.

Tell Me How To Love [Fin]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang