Thirty-four

32.5K 931 31
                                    


Abala si Duchess Kai sa kanyang sariling opisina nang biglang pumasok ang Kuya Don niya. May dala itong folder at inilapag sa kanyang mesa. Nagtataka namang tinignan niya ang kanyang kuya.

"Ano ito?" tanong niya sabay kuha sa folder na inilapag ng kuya niya sa lamesa.


"Pinapareview sa'kin iyan ni Kuya King, kaya lang marami na akong inaasikaso eh. Ikaw nalang muna ang umasikaso niyan." nakangising sagot sakanya ng kuya niya.

Nahihiwagaan naman siya sa itsura ng kanyang kuya. Parang may alam ito na hindi niya alam.

"Ano ba ito?" tanong niyang muli.


"Open it, para malaman mo."

"May iba akong pakiramdam dito ah." sabi niya habang pinagmamasdan ang mukha ng kuya Don niya.

"Just open it, sis."

Dahan-dahan niyang binuksan ang folder habang nagdududang nakatingin sa kapatid niyang may malaking ngisi sa mukha. Tinaasan niya ito ng kilay bago binasa ang nasa loob ng folder.

Nahigit niya ang kanyang hininga nang mabasa ang nasa taas ng papel.

FORD HOTELS

Nagtatakang tinignan niya ang Kuya Don niya na nakangiti ngayon na parang nakuha na nito ang gustong reaksyon mula sakanya.


"A-Ano 'to kuya?" tanong niya sa kapatod.

Umupo sa tapat niya ang kapatid at humilig sa lamesa niya. "Ford Hotels wants a partnership from us."

"P-Pero bakit?" naguguluhan niyang tanong.

Nagkibit-balikat ang kanyang kapatid. "For business."


"Pero kalaban natin sila, 'di ba?"


"Duchess, sa mundong ginagalawan na'tin, kung kaya natin mas lalo pang palakasin ang negosyo, lahat ng pwedeng paraan ay gagawin. And in fact, wala namang masama kung pumayag tayo sa alok nila. Both parties will benefit anyway."


"I-I... A-Ano..."

Apelyido palang ang nababasa niya, hindi na siya makapag-formulate ng isang buong sentence. Paano pa kaya kapag nagkaharap na sila? Huminga siya ng malalim at matalim na tinignan ang Kuya Don niya na alam niyang nagpipigil na ng tawa.

"Sindadya niyo 'to ni Kuya King." akusa niya sa kapatid.

"Ano'ng sinadya ko?"

Sabay silang napalingon ng Kuya Don niya nang marinig ang boses ng Kuya King niya. Inayos muna nito ang coat bago tumabi sa Kuya Don niya. Nagtatakang tinignan siya nito at tumaas ang dalawang kilay na nagsasabing sagutin niya ang tanong nito.

"This." sagot niya sabay bigay sa folder na hawak niya.

Hindi ito kinuha ng kuya King niya. Binalingan nito ang Kuya Don niya. "Bakit na kay Duchess iyan? Sa'yo ko binilin iyan 'di ba?" nakataas na kilay na tanong nito kay Kuya Don.

"My hands are full right now, besides, gusto naman din ata ni Duchess na siya nalang."

Gulat na napatingin siya sa Kuya Don niya. Tinaas baba nito ang kilay at para bang may ginawa itong ikinatutuwa niya. Binalingan naman niya ang Kuya King niya na seryosong nakatingin sakanya. Tinaasan ulit siya nito ng kilay na tila ba kinukumpirma ang sinabi ni Kuya Don.


"S-Sure, ako nalang ang maghandle nito, Kuya." nakangiting sagot niya.

Kumunot ang noo ng Kuya King niya. "Are you sure?"

"Sure na sure iyan." sagot ni Kuya Don para sakanya.


"Ikaw ba ang tinatanong ko, Hakim? Tumahimik ka nga diyan." inis na wika ng Kuya King niya tapos ay nilingon ulit siya. "Kai." tawag nito. Napangiti siya sa Kuya niya. Tinatawag siya nito sa pangalawang pangalan niya kapag seryoso at nag-aalala ito.


"I'm sure about this, Kuya King. Don't worry. I'd be happy to do business with the Fords." nakangiting sagot niya.

Tinitigan siya ng Kuya King niya na parang sinusuri ito. Hinihintay siguro nito na bumigay siya at iiyak nanaman. But he's wrong. She's done with that. She had overcome her fears and trauma. She's ready to face them, to face him again.


May sasabihin pa sana ang Kuya niya nang tumunog ang phone nito at kinailangan na sa opisina. Naiwan silang dalawa ng Kuya Don niya sa opisina niya.

"Ano'ng plano mo?" nakangising tanong ng kapatid niya.


"Simple. I'll get him back, for good."

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon