Fourteen

34.8K 926 10
                                    

Unang araw palang ni Kai sa bago niyang trabaho ay napasabak na siya sa Mommy ni Isaac. Iniwan na siya ni Isaac at sinabing may practice ito ng basketball. Sinama kaagad siya ni Mrs. Ford sa charity house na binili nito. Pagkekwento pa nito ay nalulugi na daw pala ang foundation na iyon at namromroblema kung saan ilalagi ang mga matatandang wala ng pamilya na nakatira doon.

Naantig ang kanyang puso sa ginawa ni Mrs. Ford. Tunay ngang mabuti ang puso nito at may malasakit sa kapwa. Nagulat pa siya nang may ipinapatayo pa itong bagong orphanage house para naman sa mga batang inabandona na ng kanilang pamilya. Nagtataka naman siya sa ginagawa ni Mrs. Ford, ano ba ang napapala nito sa mga charities? Ang alam niya ay hindi naman ito kumikita sa mga ganoon. Naibulalas niya ang katanungang iyon nang pauwi na sila galing sa isang meeting at hindi niya makalimutan ang isinagot nito sa kanya.

"Kapag ba tumutulong, kailangan laging may kapalit? Iyan lagi ang nakatatak sa mga isip ng tao ngayon. Iyong kung may mapapala ba sila sa isang bagay. Pero kung tutuusin, may nakukuha naman ako sa ginagawa kong ito. At iyon ang kasiyahan sa aking puso. Kapag nakikita ko ang mga ngiti at kasiyahan sa mga mukha ng mga bata o kaya ng mga lolo't lola sa charity house, sapat na iyon sa'kin. Dahil alam ko na may silbi ako sa lipunang ito, that my life has a purpose and that is to help other people in need."

"Kai, gusto mo'ng sumama kumain?"

Naputol ang pagmumuni ni Kai nang lapitan siya ng kaklaseng si Wilbert. Katatapos lang ng klase nila at lumch break na pala nila.

Hinarap niya ang kaklaseng lalaki na sinusukbit ang bag sa isang balikat nito. Tumanggi siya sa anyaya ng kaklase. Hindi naman na nagtanong at nagpumilit pa si Wilbert at nauna na itong lumabas.

Simula nung nakulong sila Lei at Bogart, na-trauma ata siya. Mas gusto niya ng mag-isa. Tulad na lamang ng nangyari kanina, kapag inaaya siya ng mga kaklase ay tumatanggi siya. Hindi na siya nage-effort na makipagkaibigan pa. Parang hirap na siyang magtiwala.

Inaamin niya, nasaktan siya ng traydurin siya nina Lei. Alam naman niyang kakaiba at medyo may pagka-pasaway ang mga kaibigan niyang iyon, pero masaya siyang kasama ang mga ito. Alam ng mga ito ang nakaraan niya, alam ng mga ito ang mga problema niya. Pero hindi niya inaakalang kaya ng mga ito gumawa ng isang krimen. Kahit isang beses ay hindi niya binisita sa kulingan ang mga ito. Pinilit niyang huwag makibalita. Gusto niya ng kalimutan ang pangyayaring iyon.

Nagpalipas muna siya ng ilang minuto bago lumabas sa room at dumiretso sa canteen para bumili ng pagkain.

Habang naglalakad, napadaan siya sa may gymnasium at rinig na rinig niya ang sigawan na nanggagaling sa loob. Pumasok siya sa loob at tinignan kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga eatudyante. Apparently, may practice game pala ang basketball team at nakita kaagad niya si Isaac na hinaharangan ang kakambal nitong si Dami na siyang may hawak ng bola.

She crossed her arms and watched the game for a while from where she's standing. Hindi pa niya nakikitang ganito kaseryoso si Isaac sa isang bagay. Kung ang mga babae ay parang laruan para rito, pwes, ang larong basketball ang sineseryoso nito.

Tumaas ang dalawang kilay niya nang maagaw ni Isaac ang bola kay Dami at mabilis na nag-three poing shoot. Malakas na sigawan ang sumunod na nangyari habang si Isaac naman ay malaki ang ngiti sa mukha at nagfla-flying kiss pa sa mga babaeng nasa mga bleachers.

Tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang game. Paalis na sana siya nang may marinig siyang malakas na sigawan galing sa teammates ni Isaac, may mga sumisipol pa nga. Nang lumapit pa siya ng kaunti, nanlaki ang mga mata niya nang makitang may babaeng nakakandong kay Isaac habang naghahalikan ang mga ito na akala mo walang tao sa paligid. Kulang na lamang ay ingudngod ng babae ang mukha ni Isaac sa malaking dibdib nito, at ito namang lalaking haliparot ay naglalakbay ang mga kamay sa hita ng babae.

Umiwas kaagad siya ng tingin sa mga ito. Bigla kasing sumama ang pakiramdam niya. Bumigat at nagngingitngit ang kalooban niya. Tama lang talaga na hindi siya naniwala kay Isaac. Sinabi nitong gusto siya nito at may pa-ligaw ligaw pang nalalaman tapos ito siya at nakikipaghalikan sa ibang babae. Napakasinungaling lang!

Pagkalabas niya ay may nabangga siyang lalaking matangkad. Nahulog ang hawak nitong bola at napahawak ito sa magkabilang balikat niya.

"Oops, sorry miss." hinging-paumanhin nito.

Lumayo siya sa lalaki. Kinuha nito ang bola na mukhang pang-soccer at tsaka siya tinignan. Kumunot ang noo nito na para bang kinikilala siya tapos mamaya-maya lang ay napangisi ito.

"I know you." saad nito.

Huminga siya ng malalim. Hindi na sakanya bago iyon. Simula nang ma-involve siya kay Isaac, medyo nakilala na siya sa SCU. May mga 'fans' kasi si Isaac na may nakakita sakanila na laging nag-uusap o kaya'y sakay siya ng kotse nito.

Hindi na niya sinagot ang lalaki at umalis na. Narinig pa nga niyang may sumigaw ng pangalang 'Calix', pero hindi na niya pinansin. Naiinis siya sa sarili dahil naiins siya sa nakita. Pumunta nalang siya sa café sa gilid ng SCU at doon nalang kumain. Pagkatapos ay bumalik na siya at pumasok na sa klase niya.

Saktong alas-tres ay tapos na ang klase niya at pupuntahan niya si Mrs. Ford sa bahay nito para sa 'trabaho' niya. Nag-aabang na siya ng jeep nang tumigil ang kotse ni Isaac sa harap niya. Nagbuga siya ng hininga ng bumukas ang bintana ng kotse nito.

"Get in." utos nito.

"May trabaho pa ako." sagot niya at naglakad. Sa ibang kanto nalang siya mag-aabang ng jeep. But Isaac being Isaac, he followed her.

"Sakay na. Kay Mommy rin ako papunta. Sumabay ka na." pilit nito.

"Huwag na." tanggi niya. Naiirita parin siya at mas lalo pa siyang naiirita dahil nakita niya nanaman si Isaac at naalala nanaman niya iyong 'almost porn' show nito sa gym.

Mabilis na sumakay siya ng jeep nang may tumigil. Nakahinga siya ng maluwag nang makatakas na siya kay Isaac...maybe jusy for a while. Sabi nga nito ay pupunta din ito sa Mommy nito kung saan ang punta niya.

Isang matalim na tingin ang sinalubong sakanya ni Isaac nang makarating siya sa bahay ng mga ito. He was leaning on his car and when he saw her walking he scowled at her.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" bulyaw nito sakanya.

Huminga siya ng malalim at tinignan rin ito ng matalim. "Bakit ba ang hirap mo'ng umintindi ng salitang hindi at ayaw?!"

"Bakit ba kasi ayaw mo'ng sumabay sa'kin?! I was doing you a favor!"

"I didn't ask for it!" sigaw niya pabalik at tsaka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Look, alam ko na sanay kang sunud-sunuran ang mga tao sa gusto mo, pwes ibahin mo ako, hindi mo ko mapapa-ikot sa palad mo katulad ng ginagawa mo sa mga babae mo." mariing sabi niya.

Nag-iba ang ekspresyon ni Isaac sa sinabi niya. Mas lalong umigting ang panga nito at lumapit sakanya lalo. Bumuka ang bibig nito at sasagot na sana nang marinig nila ang boses ng Mommy nito.

"Is there anything wrong?"

Mabilis na lumayo sila sa isa't isa at tinignan ang si Mrs. Ford na nakataas ang kilay sa anak nito.

Bumuntong-hininga si Isaac at lumapit sa Mommy nito para humalik sa pisngi. "Wala Mommy, nag-uusap lang kami ni Kai."

Inignora ni Mrs. Ford ang anak at sakanya tumingin. "May problema ba, Kai?"

Umiling siya at ngumiti ng tipid sa ginang. "Wala po."

"Sigurado ka?"

Tumango siya bilang sagot. Hindi na nagtanong pa si Mrs. Ford. Hinaplos nito ang mukha ni Isaac at yumakap at tsaka lumapit na sakanya. Hindi niya napansin na nakagayak na pala ito.

"Let's go?" aya nito sakanya.

Tumango siya at sinundan sa likod ang ginang.

"Aalis kayo?" Narinig niyang tanong ni Isaac.

"Yes, bye anak. Pakisundo pala si Michelle sa bahay ng Tita Erin mo dahil ihahatid kami ng driver." utos ni Mrs. Ford at tsaka pumasok sa kotse. Siya naman ay sandaling tinignan si Isaac na nakatingin sakanya pero mabilis rin niya iniwas ang tingin at sinamahan na si Mrs. Ford sa loob ng kotse.

-------

VOTE AND COMMENT. :)
Follow me @kendeyss
(Instagram and Twitter)

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon