Epilogue

61.1K 1.3K 47
                                    

Mula sa canteen, tanaw ni Isaac si Kai. That girl really is something. With her bright red hair, imposibleng hindi ito mapansin. Naalis lang ang tingin niya sa dalaga nang tapikin siya ni Calix.

"Dude, hanggang kailan mo ba sisingilin si Miss Dimaano?"

Napangisi siya nang maalala ang utang nito sakanya. Pakealam niya kung hindi ito ang nakabangga sa kotse niya, but he's damn happy that she's stuck with him.

"Kawawa naman yung babae, kuya. Hindi naman niya kasalanan eh." katwiran ng kapatid niyang si Michelle.

"She still let her friend crashed my car." kibit-balikat niyang sagot.

"Yeah, but bro, eighty thousand? Really? Wala ka namang ginastos sa kotse mo. You're letting that girl suffer for nothing." suway sakanya ng kakambal niyang si Dami.

Natawa siya ng mahina sa sinabi nito. Yup! He just made that up. Sa totoo lang, he doesn't care about the car. Nang masira ito, agad na iponadispose niya na at bumili ng bago. But, he just can't let Kai get away with that. Besides, he's enjoying this.

"I will get that date with her, and afterwards, I will make her fall hard for me." determinadong saad niya.

Narinig niyang tumawa ang mga kaibigan niya. "Goodluck, man! Hindi ata marunong magmahal iyang sinisinta mo." buska sakanya ni Adam.

Napangiti siya nang makitang tumawa si Kai. "I'll teach her how to love me, then."

"Please welcome, Mr. and Mrs. Johannes Isaac Ford!"

Malalakas na palakpakan ang sumalubong sa bagong kasal na sina Isaac at Kai. Nang mag-propose si Isaac sa harapan ni Kai, kaagad na nagplano sila para sa kasal. Gusto ni Kai sana na simpleng kasalan lang ang maganap pero kaagad na tumutol ang mga kuya niya pati narin si Isaac.

"I want you to have the grandest wedding, Kai. You deserve to be treated like a queen because you're always worth it."

Iyan ang sagot ni Isaac sakanya nang sabihin niyang simplehan lang ang kasalan. Wala siyang nagawa, gusto rin kasi ng mga kuya niya na bonggahan ang wedding. Naisip niya rin kasi na kilala ang pamilya niya at ni Isaac. Malaking balita nga naman iyon sa mundo ng business.

Pero hindi iyon ipinaramdam sakanya ni Isaac. He would always say to her na gawin niya lang ang gusto niya para sa wedding dahil araw daw niya iyon. From the motif to what type of flowers ay siya ang namili. Minsan ay sinasamahan siya ng Mommy ni Isaac o 'di kaya'y mga kaibigan nitong mga babae na napalapit narin sakanya. Pero kadalasan, si Isaac ang kasama niya kapag nakikipagmeet siya sa wedding planner nila at sa mga engagements ba kakailanganin sa wedding. Kaya lang, mahirap kasama ni Isaac dahil hindi ito opinionated katulad na lamang ng mga kaibigan at mommy nito.

"Ano mas maganda sa mga ito?" tanong niya kay Isaac na nasa tabi niya at tahimik lang na nakamasid sakanya.

Inilatag niya sa harap nito ang dalawang tela na pagpipilian para sa isusuot ng mga bridesmaid.

"Hmm, ikaw? Ano nga ba mas maganda?" balik tanong sakanya ni Isaac habang sinusuklay nito ang kanyang buhok gamit ang daliri nito.

"Hmm, mas gusto ko 'tong royal blue kesa sa aqua blue, eh. Pero, ikaw? Ano ba mas gusto mo?"

Ngumiti sakanya si Isaac at mabilis na hinalikan siya sa labi. "Royal blue, it is."

Napanganga siya sa sinabi nito. Nalito siya nito. She was asking for his opinion but they ended choosing what she likes.

Tell Me How To Love [Fin]Where stories live. Discover now