Thirty-three

33.4K 885 35
                                    


FIVE YEARS LATER...

Proud na ngumiti siya sa tapat ng camera. Kumapit siya sa magkabilang braso ng dalawa niyang kapatid at sabay-sabay silang ngumisi sa harap ng camera. Sunod na nangyari ay natawa nalang siya nang yakapin siya parehas ng dalawa niyang kapatid at kinuhanan narin iyon ng photographer.

"Okay, we're done." anunsyo ng photographer nila.

Pinalo niya parehas ang dalawang kuya niya. "Nakakainis kayo ah! Ako nanaman ang pinagdiskitahan ninyo." nagtatampo niyang sabi.

Natawa naman ang Kuya King niya sabay kurot sa pisngi niya. "We just missed our baby sister. Masama ba iyon?"

Napasimangot siya. "One week lang naman ako sa Cebu. Grabe kayo ah."

Inakbayan naman siya ng Kuya Don niya. "Kain tayo. Where do you want to eat, Duchess?"

Ngumiti siya sa mga kuya niya. She's really lucky to have them in her life. Spoiled na spoiled siya sa mga ito. When she went abroad, halos every month ay binibisita siya ng mga ito. They treated her as if she is a real princess. In fact, she really felt like one, lalo na nang bumabawi na ang mga kuya niya sa mga taong hindi sila nagkasama. They are so protective to her. And she's enjoying it.


"Magpalit muna tayo." sabi ng Kuya King niya habang may tinatype sa cellphone nito.

Nagkatinginan sila ng Kuya Don niya at sabay silang natawa. Ang Kuya King niya ang seryoso sa lahat ng bagay, habang ang Kuya Don naman niya ang masasabi mong 'chill' lang sa lahat ng bagay. Pero pagdating sakanya, parehas itong protective at istrikto.


"Duchess.."

Sabay silang natigil ng kuya Don niya sa paglalakad nang tawagin siya ni Theo. Naglalakad na ito papunta sakanila, may hawak itong bulaklak at chokolate. Sabay silang nagtinginan ng kuya niya.

"Five minutes lang tapos aalis na tayo." bulong sakanya ng kuya niya bago tinanguan si Theo at umalis na para magbihis.

Nginitian niya ng tipid si Theo. "Theo, ano'ng ginagawa mo dito?"


"Nabalitaan ko kasi na kayo pala ang nakuha for this issue kaya naman nag-volunteer na ako na ako mag-foresee ng shoot." nakangiting sabi nito. "For you." sabay abot sa bulaklak at chokolate.


"Thank you, Theo."

Nang makabalik siya sa Pilipinas four years ago, agad siyang nagtrain sa hotel ng mga kuya niya hanggang sa tumutulong na siya sa mga ito hanggang ngayon. Nang minsang maisama siya ng Kuya King niya sa isang business event last year, doon niya nakilala si Theo na representative ng D'Elite Magazine - ang kompanya ng mga Zamora. Everybody calls her 'Duchess' now, and she happily embraced it. New name. New life. New beginning.

Kaya heto, halos one year narin nanliligaw sakanya si Theo. Matagal na niyang tinatanggihan si Theo sa panliligaw niya pero napakapursigido nito. Kahit anong tanggi niya, pilit parin ito sa pagbibigay sakanya ng mga bulaklak at pagyaya sa mga dates. Minsan, mahirap itong tanggihan dahil kaibigan niya narin si Theo this past year. Gwapo naman si Theo, mabait, matipuno, successful, at mabait naman. Pero hindi niya talaga mahanap kung saan niya ilalagay si Theo sa puso niya.


It's always been him. Siya parin. Pero hindi na pwede.


"May reservations ako sa isang restaurant, I was thinking if you can join me?" hopeful na tanong ni Theo.

Nahihiyang ngumiti siya rito. "I'm sorry, Theo. But may plans na kami nila Kuya, in fact, hinihintay na nila ako."

"Oh." sambit nito. Nakita niya kung paano nabigo ito sa sagot niya pero pilit parin ito nginitian siya. "Next time, then?"



Tumango siya. "Yes, next time. Thank you again for these, Theo."

Nagpaalam na siya sa binata at nagbihis na. Paglabas niya ay saktong hinihintay na rin siya ng dalawa niyang kuya.


"Nasaan na si Theo?" tanong ng Kuya King niya.


"Umalis na kuya."


"Bakit hindi mo inaya na sumama sa'tin?" tanong ulit ng Kuya King niya.


"Family bonding nga, Kuya. Family ba si Theo? Pangalan pa nga lang, hindi na fit eh." kontra naman ng Kuya Don niya. Ayaw talaga nito kay Theo at hindi na siya nag-abala pang magtanong kung bakit dahil lahat naman ng lalaking nanligaw sakanya ay ayaw ng Kuya Don niya habang si Kuya King ay discreet lang sa opinyon nito sa mga lalaking umaaligid sakanya.


Bumuntong-hininga lang ang Kuya King niya. "Whatever, let's go?" ngiti nito sakanya.

Ngumiti siya at yumakap sa Kuya King niya habang pababa na sila sa parking lot. Silang tatlong magkakapatid ang nasa Hall Of Fame ng D'Elite Magazine, kaya kanina ay nagphotoshoot na sila for the spread. Minsan lang mangyari na sama-sama silang magkakapatid sa isang cover. Madalas kasi ang mga kuya niya lang. Siya naman ay first time na magpose sa isang magazine, madalas kasi ay pulos interview lang ang ginagawa niya.


Napunta silang tatlo sa isang mall at piniling kumain nalang sa Vikings. Pagdating kasi sa pagkain ay matatakaw silang tatlo. Doon ay nagpalipas lang sila ng oras tapos ay nag-ikot lang sila sa Mall. Naglaban pa nga sila ng Kuya Don niya sa Dance Machine sa isang arcade. Kapag kasama niya talaga ang mga kuya niya, hindi mo aakalaing mga lagpas twenty na ang mga edad nila.


Pagkauwi sa bahay nila ay agad niyang binuksan ang laptop niya at bumungad sakanya ang top news na tungkol sakanya.

The Royal's heiress, Duchess Kai Reynolds, succeeded in making the Ching Group of Companies their partners for their hotel that will open soon in Cebu.

Napangiti siya sa nabasa. Ito ang trinabaho niya sa Cebu. Graduate siya ng HRM sa States. Nagtake rin siya ng ilang subjects for Business Ad. Lahat ng oras niya ay ginugol niya sa pag-aaral. Para makalimot.

Binuksan niya ang facebook niya at tinype ang isang pangalan na hinding-hindi niya makakalimutan.

Johannes Isaac Ford.

Five years, five years na ang nakalilipas, pero hindi parin niya makalimutan si Isaac. Araw-araw nakikibalita siya kay Tita Mitch tungkol kay Isaac. Tumigil lang siya nang binalita na sakanya na nagising na si Isaac one month after umalis siya. She shut all her accounts down. She changed numbers. Once again, she shut herself down from everyone, except her brothers.

Kahit masakit, ginawa niya. She can't take the guilt. Pero nagsisisi siya. Nagsisisi siya dahil hindi naman niya akalaing hanggang ngayon mamahalin parin niya si Isaac.

Kahit masakit, tatanggapin niya. Masaya siya kahit masakit.

She smiled bitterly when she saw Isaac with another woman in one of the pictures tagged to him. Kahit masakit, tatanggapin niya.

Tell Me How To Love [Fin]Where stories live. Discover now