Thirty-six

38.3K 960 75
                                    

"No, you stay here."

Napasimangot si Duchess Kai sa naging sagot ng kanyang Kuya Don. Umupo siya sa sofa ng bahay nila at humalukipkip. Alas-onse na ng gabi at nagsabi ito sakanya na aalis daw ito at ang Kuya King niya dahil inaya daw sila nina Calix na magpunta ng bar.

Si Calix ang nag-aya, ibig sabihin malamang ay kasama nito sina Isaac. Sabi niya sa Kuya niya na sasama siya pero mariing tumanggi ito.


"Boys only. Boy ka ba?" sabi nito na para bang bata ang kausap nito. She's twenty-four years old for fuck's sake! Yes, she's not a party girl, but she knows how to party in a bar.


Napalabi siya at nagpa-cute sa Kuya Don niya. Sana lang ay gumana ito ngayon dahil mukhang seryoso talaga ang Kuya niya.

Bumuntong-hininga ito at tumabi sakanya at inakbayan siya. "Sorry baby, pero hindi sa'kin gagana iyang pagpapa-awa mo. Pinagbibigyan naman kita sa lahat ng bagay eh, but not this. Ako malilintikan kay King kapag pinayagan kita. Isa pa, pulos lalaki ang nandoon. Maiinip ka lang."


"Nandoon naman si Isaac. I'm sure malilibang ako, Kuya." katwiran niya.

Bumuga ng hangin ang Kuya niya at ginulo ang buhok. Napapalatak ito at tumingin sakanya. "Sabi na nga ba eh. Si Isaac nanaman ang dahilan kung bakit gusto mo sumama. I understand that you want to see him pero huwag ngayon, Kai. Next time nalang. Okay?"

Bigong tumango nalang siya na ipinagpasalamat ng Kuya niya. Hinalikan siya nito sa sentido at umalis na.

Nanatili siyang nakatambay sa sala nila, palipat-lipat lang siya ng channel sa TV hanggang sa tuluyan na niya itong pinatay. Matutulog na sana siya nang biglang nag-ring ang phone niya.

Theo calling...

"Hello?" bungad niya pagkasagot ng tawag.

"Hi, Duchess! Uhm, sorry masyado na bang late?" She can imagine how Theo would scratch his nape while uttering those words.

"Hindi naman. Bakit ka nga pala napatawag?" kaswal na tanong niya.

"Gusto sana kitang ayain dito sa Hype, pupunta kasi kami nila Nelly." tukoy nito sa isa pa nitong kaibigan.

Napaisip siya kung sasama ba siya o hindi. Pwede naman siyang tumanggi at matulog nalang, pero gusto niyang lumabas dahil tiyak ay hindi rin siya makakatulog kakaisip kung ano ang ginagawa ng Kuya niya kasama si Isaac sa bar na pagmamay-ari ng pamilya ni Calix.

"Sige, sama ako." pagpayag niya dahil sa kagustuhang malibang. Kilala naman niya sila Nelly na kaibigan ni Theo.

"Yes! Sunduin na kita, what time?"


"Huwag na. Magdadala nalang ako ng kotse. Magkita nalang tayp dun. I'll be there in an hour." sagot niya tapos ay nagpaalam na kay Theo para makapaghanda.

Naglugay lang siya ng buhok at nagpalit lang ng isang long black dress na may slit sa gilid. Nag-flats nalang rin siya dahil baka mangawit lang siya kapag sumayaw na duda siyang gagawin niya. Pagkatapos maglagay ng kaunting perfume ay umalis na siya papunta sa Hype Club.

Pagkapark ng kotse ay dumiretso na siya sa entrance kung saan nakita niya si Theo na hinihintay siya. Lumapit siya rito at hinalikan ito sa pisngi bilang pagbati.

"Let's go in." nakangiting sabi ni Theo sakanya. Humawak ito sa bewang niya para maigiya siya nito papasok. Walang kaso sakanya iyon dahil gentleman lang talaga si Theo.

Wala pa naman masyadong tao sa loob marahil siguro'y mamaya pang madaling araw ang datingan ng mga tao. Kumanan sila ni Theo at sa dulo nakapwesto ang barkada nito. Bumati lang siya sa mga kaibigan ni Theo at umupo na.

Tell Me How To Love [Fin]Where stories live. Discover now