Fifteen

33.3K 1K 25
                                    

Nakikinig lang si Isaac sa masayang kwentuhan ng buong barkada at malakas silang nagsitawanan dahil sa pagkekwento ni Marky tungkol sa umatake ritong babae kanina sa school. Binato naman ito ng unan ng kapatid na si Ailee.

Pagkasundo niya kay Michelle sa bahay ni Tita Erin, nag-aya ito sa bahay nina Calix dahil nandoon daw ang iba nilang kaibigan. Sinabay na rin niya sina Vera at Mella dahil magkakasama ang mga ito.

"The best make-out, mga dude!" bulalas ni Marky at sumalampak sa sofa.

"I can't believe he's my brother." nandidiring sabi ni Ailee at umiling-iling pa.

Malakas naman silang nagtawanan dahil sa magkapatid. Magkaibang-magkaiba ang mga ugali ng mga ito. Kung si Marky ay mahilig sa babae at gustong-gusto ang atensyon na nakukuha mula sa mga ito, kabaligtaran naman si Ailee. Mataray at itinataboy nito ang mga lalaking nanliligaw o nagtatangka man dito.

"Speaking of make-out, kuya Isaac, nag-live show ka daw kanina sa gym?!" tanong sakanya ni Michelle na para bang hindi ito makapaniwala.

Napangisi siya nang maalala ang nangyari kanina. Umupo siya sa bench at kinuha ang bote ng tubig para inumin pero tinabig ito ng isang babae at bigla na lamang kumandong sakanya at hinila siya para halikan. Nagulat siya sa nangyari, pero aaminin niya na nagustuhan naman niya ang halik. That woman was agressive. What was her name again? Tori? Lorie? He forgot 'cause he was in daze. He didn't expected that. Hinila pa siya sa lockers room nung babae pero tumanggi siya sa gusto nitong mangyari. Ewan ba niya, he was not kind of feeling having sex with that woman. Yes, nandoon parin iyong lust but not that extreme desire. Lately, hindi na niya iyon maramdaman sa mga babae na itinatapon ang mga sarili sakanya.

"It was not my fault. That woman literally threw herself at me. I was shocked." paliwanag niya.

"Yeah, halata nga." sarkastikong sagot ng kambal na si Dami.

He just shrugged leaned back on the sofa.

"Sayang! Hindi ko napanood! May nangyari ba sainyo?" tanong ni Marky.

Umiling siya at bumuga ng hininga. "Nothing happened, okay? Huwag nga akong pag-usapan ninyo." naiinis na sabi niya.

"Why? You love the attention, right?" sabi ng kambal niya.

Huminga siya ng malalim at tinapunan ng matalim na tingin si Dami. "Fuck off, Dami. It's not my fault why Chiara left. You let her go."

In an instant, tumahimik ang buong barkada, kahit na si Marky na malakas ang tawa kanina ay tila tinakasan ng dila. He silently cursed himself for bringing up Chiara - Dami's girlfriend... well ex-girlfriend for now. Well, it's not his story to tell, anyway. He just got pissed with his twin's side comments.

Bumuntong-hininga siya nang tumayo si Dami at umalis sa living room. Tumayo naman si Adam at Michelle para sundan si Dami.

"Not cool, 'bro." sabi ni Calvin.

"Hindi ko napigilan." sagot niya.

Sandali pang natahimik ang atmosphere sakanilang lahat nang baliin iyon ni Vera. "I asked Kai na maging bartender dun sa project namin. Tinanggihan niya ako, maybe because I mentioned that I am your friend." sabi sakanya ni Vera.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Baka ayaw niya lang talaga. Besides, busy iyon. Bagong assistant siya ni Mommy." kaswal na sagot niya.

"Why does she work for your mom?" tanong ni Elisha sakanya. In-adjust nito ang salamin at matamang tinignan siya.

"May utang siya sa'kin. So, I gave her a work."

"Speaking of Kai, I think I bumped into her at the gym. Hindi nga niya ako pinansin eh, mukhang galit." sabi ni Calix tsaka nagkibit-balikat.

Hinarap niya si Calix. His eyebrows pulled together. "Si Kai? Kailan?"

"Kanina. Pagkatapos nung practice game niyo, she really looked pissed." sagot ni Calix.

"Bakit kaya?" mahinang sabi niya sa kanyang sarili.

"Maybe she saw your show with your girl?" nagtatanong na sabi ni Ailee habang nakataas ang kilay.

Nakuha ni Ailee ang atensyon niya. A grin slowly crept on his face. "Oo nga ano? Why didn't I think of that?" he said mostly to himself.

"Bakit parang masaya ka pa, kuya?" nagtatakang tanong ni Mella.

He grinned at his friend and leaned back on his seat. He rested his right foot on top of his knee and spreaded his arms on the couch. Tumawa siya at umiling-iling. Nagalit si Kai nung makita nitong may babae sa kandungan niya at hinahalikan siya? Kung ganoon, nagselos ito? Lalong lumaki ang ngisi niya sa mukha nang maisip na nagseselos si Kai. Ibig ba nitong sabihin, may nararamdaman nga ito sakanya?

Suddenly, his heart beat fast. He felt giddy and excited all of a sudden. May nararamdaman sakanya si Kai? That thought made him happier.

"He looks nuts." rinig niyang sabi ni Marky.

"I think he's already nuts." apela ni Mella.

"No, I think he's inlove." boses ni Calix ang sunod niyang narinig.

"He is inlove." pagtatama ni Elisha.

Natigilan siya sa narinig. Inlove siya? Then, a flash of Kai's face entered his thoughts. Iyong inis sa mukha nito, iyong itsura nito kapag galit, kapag tumatawa, kapag seryoso, kapag malungkot at kapag takot. Slowly, his smile showed. Not a forced one, but a genuine one. Then he spoke that made his friends...well, the girls...squeel.

"I am inlove, aren't I?" Muli niyang inisip si Kai at nang makita ang maganda nitong mukha, itinama niya ang unang sinabi. "Yeah, I'm definitely inlove."

--------------
VOTE AND COMMENT.
FOLLOW ME @kendeyss
(Instagram and Twitter)

Tell Me How To Love [Fin]Where stories live. Discover now