Sixteen

39.5K 1.1K 29
                                    

Iniikot ni Kai ang kanyang paningin sa orphanage kung saan nag-donate si Mrs. Ford ng mga damit at laruan para sa mga bata. Kasalukuyan itong kinakausap ng dalawang madre na sa tingin niya ay ang namamahala ng orphanage na ito.

Naglalakad siya sa may garden kung saan naroon ang playground ng mga bata. May mga iilang madre na nagbabantay sa mga ito. Napangiti siya nang may makita ang dalawang batang naglalaro ng bola at kitang-kita sa mga mukha ng mga ito na masaya sila kahit na wala na silang pamilya.


"Sila Joshua at Paulo ang mga iyan. Halos dalawang taon narin sila dito sa orphanage."

Nasigaw siya sa gulat nang bigla na lamang lumitaw si Isaac sa tabi niya at nagsalita. Sapo niya ang dibdib habang tinignan ng masama ang tumatawang si Isaac.

"Bakit ka ba nanggugulat? Tsaka, bakit ka ba nandito? Hindi ba't may laro kayo?" asik niya rito.

Lumaki ang ngisi ni Isaac sakanya. "Bakit mo alam na may laro kami ngayon? Uy, stalker na ba kita?"

Sinundot nito ang tagiliran niya kaya naman lumayo siya rito. "Tigilan mo nga ako. Magkaparehas tayo ng school, malamang nababalitaan ko iyon." irap niya.

Narinig niya pang tumawa si Isaac. "Ikaw naman, tinatanong ka lang ang sungit mo na kaagad. Mas lalo tuloy ako nai-inlove sa'yo."

Matalim nanaman niya itong tinignan. Halos dalawang linggo na siyang nagtatrabaho sa Mommy ni Isaac. Akala nga niya ay wala siyang sweldo dahil kakaltasin nga ang utang niya kay Isaac, pero nagulat siya ng bigyan siya kada-linggo ng sweldo. Sabi pa ni Mrs. Ford, kaltas na daw dun ang bayad niya sa utang kay Isaac. Pero, para sakanya masyadong malaki parin iyong pera, pilit niya iyong binabalik pero iniignora lang siya ni Mrs Ford. Naisip niya na kay Isaac nalang ibigay iyong pera para narin malaki na ang mabawas sa utang niya, pero ang hudyo ay nginingitian lang siya na parang loko at hindi rin tinatanggap ang bayad niya kaya tumigil narin sia sa kakapilit sa mag-ina.


"Uy, natameme siya." sabi ni Isaac at inakbayan siya para ilapit ang kaawan niya rito.

Mabilis naman siya kumalas at lumayo ng husto mula rito. "Tigilan mo nga ako, Isaac. Hindi ako nakikipagbiruan." seryosong sabi niya.

Napawi ang kapilyuhan sa mukha ni Isaac at napalitan ng kaseryosohan. Napalunok siya nung makita kung paano mabilis na nagpalit ito ng ekspresyon.


"Hindi rin ako nakikipagbiruan." seryosong sabi nito tapos ay ngumiti sakanya na walang halong kapilyuhan o kahit na ano na may bahid ng kalokohan.


Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Muli siyang napalunok. Ito nanaman si Isaac, ginugulo nanaman ang damdamin niya. Last week pa ito. Isang araw ay bigla nalang 'to lumitaw sa pinapagawang charity house ni Mrs. Ford at buong araw na sumama sakanila. Magmula noon, halos araw-araw na ito sumasama sakanila. Hindi naman nagprotesta si Mrs. Ford, dahil siguro'y masaya ito na araw-araw nakikita ang anak. Pero siya, hindi niya iyon gusto. Nagugulo ang isip niya. Nawawala ang prinsipyo niyang layuan ito. Nasisira ang pangako niya sa sarili.


Halos araw-araw, sinasabi nito na inlove daw ito sakanya o kaya'y gusto siya nito. Pero hindi siya naniniwala. Paano siya maniniwala, kung sa bawat sabi nito sakanya ng mga salitang iyon ay didugtungan nito ng tawa o kaya'y aasarin siya. Seryoso ba iyon? Siyempre, ang maiisip niya ay binibiro lang siya nito. Past time. Paboritong pag-tripan.


"Kuya Isaac! Laro tayo!"

Napalingon silang dalawa ni Isaac sa gawi nila Joshua at Paulo na ibinato ang bola sa direksyon ni Isaac. Muntik na nga siyang matamaan, pero buti nalang mabilis na nasalo iyon ni Isaac.

Tell Me How To Love [Fin]Where stories live. Discover now