Twenty-five

33.5K 986 51
                                    

Kanina pa naghihintay si Isaac sa may kanto kung saan sila nagkikita ni Kai. Muli ay tinignan niya ang kanyang relo at nakitang halos tatlumpung minuto na itong huli.



Kinuha niya mula sa bulsa ang kanyang phone at dinial ang number ni Kai pero ring lang ito ng ring. Ilang messages na rin ang ipinadala niya pero walang sagot. Nag-aalala na siya. May nangyari kaya sa nobya niya?



Nakakailang palatak na siya dahil sa pagkabalisa. Hindi siya pwedeng maghintay nalang sa tagpuan nila. Baka may nangyari o kaya'y may sakit si Kai. Bumuntong-hininga siya at napagdesisyunang puntahan nalang sa bahay si Kai. Bahala na kung magalit man ito sakanya, hindi lang talaga siya mapakali dahil wala pa ito.



Pagkarating niya sa bahay nila Kai ay naabutan niya ang Auntie at Uncle nito na palabas ng bahay habang malalaki ang mga ngiti sa mga labi. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman mukhang nag-aalala ang mga ito kaya baka wala namang nangyaring masama kay Kai. Bumaba siya ng kotse at sinalubong ang Auntie at Uncle ng nobya.




"Good morning po. Nandiyan po ba si Kai?" magalang na tanong niya.



Tumaas ang kilay ni Auntie Cora at ngumisi. "Wala na, umalis na."



Nagulat siya sa sagot nito. Paanong umalis na si Kai, eh hindi nga ito sumipot sa may kanto kung saan niya ito susunduin. Kung kaaalis lang naman nito, imposibleng hindi niya ito makasalubong.



"Pero, hindi ko po siya nakita nang papunta ako dito. I also tried calling her but she won't pick up."



Nilingon niya si Uncle Miguel nang malakas itong pumalatak at umiling-iling pa. Tinignan siya nito at hinawakan sa balikat. "Naunahan ka na ng ibang lalaki."



Kumunot ang noo niya. "What?"



"May sumundong dalawang gwapo at mayamang lalaki kay Kai, sumama naman ito." sagot ni Auntie Cora.



He was shocked from what he heard. Nakanganga lang siya at ayaw lumabas ng mga salita sa bibig niya. He was lost in words. Paanong may ibang lalaking susundo kay Kai?



"Mukhang matalino talaga ang alaga namin. Ang yayaman ng nabibingwit!"



Hindi niya na pinansin pa ang komento ng Auntie ni Kai dahil mabilis na pumasok siya sa kanyang kotse at pinasibad ito paalis. Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Panay rin ang dial niya sa number ni Kai pero hindi talaga ito sumasagot. Inikot niya ang mga lugar malapit sa bahay ni Kai, nagbabakasakaling makikita niya ang nobya, ngunit bigo siya.

Tell Me How To Love [Fin]Where stories live. Discover now