Epilogue

807 32 20
                                    



Sa dalampasigan ay makikita ang isang anim na taong gulang na babae at isang tatlong taong gulang na lalake. Naghahabulan ang dalawa at para bang malayang ibon na nakakawala sa hawla. Pinapanood sila ng mag-asawang sina Ces at Dos. Bakas sa mukha ng mag-asawa ang kasiyahan habang minamasdan ang dalawang bata.

"Mas kamukha ni Blake iyong babae at kay Chloe iyong lalake ano?" Tanong ni Ces sa kanyang kabiyak.

Tumango si Dos. "Hmm."

"Papa!" Sigaw ng dalawang bata nang makita nila si Blake na kararating lang.

Patakbong lumapit sa kanya ang kanyang mga anak na si Chleona at Jaycie. Lumuhod naman si Blake para salubungin ng yakap at halik ang mga ito.

"Oh, basang basa kayo ng pawis.." Natatawang sabi ni Blake sa dalawa.

"Jaycie's fault Papa," ani Chleona.

"No! It's Chleo's fault!" Nakangusong saad ni Jaycie.

"No! It's you! And it's Chleona, not Chleo!" Pagmamaktol naman ni Chleona saka siya yumakap sa leeg ng kanyang ama na si Blake na natutuwa ngayon sa inaasta ng dalawang anak niya.

"I like Chleo better than Chleona. You look like a guy anyway." Inilabas ni Jaycie ang dila niya para lang asarin si Chleona.

Chleona rolled her eyes. "Whatever. You're so stupid."

"Chleona, that's bad." Suway ni Blake sa anak na babae.

"Tss. Sorry.." Nakalabing sabi ni Chleona saka siya lumipat sa likuran ni Blake. "Piggyback ride Papa!" Masayang sabi nito.

"Me too!!" Masiglang sabi rin ni Jaycie.

Tumawa si Blake. "Okay okay.." Sagot niya sa dalawa saka niya salitan na binuhat ang kanyang mga anak.

"Napakaswerte ng mga batang 'yan sa ama nila ano Dos?" Nakangiting puna ni Ces habang nakatanaw sa mag-a-ama na naghahabulan at naggagantilan sa dalampasigan.

Tumango si Dos. "Kaya nagkaroon siya ng ganyang klase na mga anak. Napakagalang at napakabait. Idagdag pang para na rin tayong nagkaroon ng apo Ces. Nakakatuwa.." Nabakasan ni Ces ang tuwa sa boses ng asawa kaya naman niyakap niya ito saka siya sumandal sa dibdib ng kanyang kabiyak.

Hapunan. Nagsama-sama silang lahat sa iisang mesa. Nag-lead pa ng prayer si Chleona bago magsimulang kumain.

"Bless us Oh Lord, and these thy gifts, which we are about to receive, from thy bounty, through Christ, Our Lord. Amen. Oh! May idadagdag pa pala po ako Lord. Sana po ay okay lang si Mama. Huwag niyo po siyang pababayaan kung nasaan man po si Mama ngayon. Amen!" Dasal ng bata na nagpangiti kay Blake ng sandaling iyon kasabay ng pag-sa-sign of cross nila.

"Papa, babalik na po ba tayo ng US? I miss Lola Maddie and Lolo Gavin," pukaw ng batang si Jaycie. Nilingon naman siya ni Blake saka ito tumango.

"Yes. Tomorrow.." Sagot ni Blake sa anak.

"When are we going to visit Grandma Glady and Granpa Blitz Papa?" Pukaw naman ni Chleona kaya naman nilingon din siya ni Blake.

"Nandoon sila pagdating natin," nakangiting sagot ni Blake sa anak na babae.

"Yey!" Masiglang sabi ng dalawang bata saka sila nag-apir pa na nagpa-iling at nagpangiti kay Blake ng sandaling iyon kasama na rin ang mag-asawang sina Ces at Dos.

"Lola Ces, okay na po ba kayo? Masakit pa rin po ba tuhod niyo?" Pukaw ni Chleona kay Ces na nginitian naman niya at tinaguan bilang sagot.

"Okay na ako. Hindi na gaanong masakit. Magaling na doktor ang Papa niyo eh," nakangiting sagot ni Ces kay Chleona kaya naman napangiti sa Chleona saka tumango tango.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now