This Heart Belongs To YOU - 24 (Revelations)

828 58 23
                                    

💙 24

Chloe's POV

Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig kina Mama at Papa nang maalala ko ang Boobear ni Tammy. Mula noong araw na umalis si Marvin ay sinimulan ko na ang paghahanap dito. Nagpakuha na nga ako ng private investigator pero parang napakahirap niyang hanapin. Ayoko namang magtanong tanong sa kung sino sino lang dahil kung nag-aaral si Tammy sa Drexel ay siguradong may iniingatan silang pangalan.

"Ma, Pa.." tawag ko sa atensyon nila dahilan para matigil sila sa pagbibilin ng kung ano ano. "Bago ko gawin ang ma-confine, kailangan ko po munang mahanap ang importanteng lalake sa buhay ni Tammy. I really need to find her Boobear ang give that letter to him. Baka huli na ang lahat bago ko pa magawa ang wish list niya."

"Pero anak, kailangan na nating agapan." nagaalalang sabi ni Papa.

"Give me a month, no, a week is fine." sabi ko dito.

"Chloe, no need." pukaw sa amin ni Ake dahilan para mapalingon kaming lahat sa kanya.

"What do you mean iho?" si Mama.

"I'm Tammy's Boobear. Amy for short, she's my girlfriend."

Hindi ko napigilang mapa-singhap at mapatakip sa bunganga ko ng sandaling iyon. Hinarap ako ni Ake at bakas sa mga mata nito ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Hinawakan nito ang dalawang kamay ko at pinisil iyon.

"Tell me what happened to her. Anong kinalaman niyo kay Amy. Kay Tammy."

Pumipiyok na boses ang narinig ko mula kay Ake.

"Ake, Tammy, she's gone. And her heart, it's here." turo ko sa dibdib ko. "Siya ang heart donor ko. Nakilala ko siya sa hospital sa America. She knows my condition. I was about to leave the hospital when I saw her down the street, walking. Parang wala siya sa sarili noon. May papalapit noon na sasakyan at ng makita ko iyon, dali dali akong tumakbo para sana iligtas siya pero huli na ang lahat. I was there. I saw everything." nagsimula ng tumulo ang luha ko at ganoon din si Ake. "I tried Ake. I tried! Kapos hininga ako noon na sumigaw ng tulong pero pinigilan niya ako. Sinabi niyang, okay lang siya at huwag ko na daw sayangin ang hangin na nawawala sa akin ng oras na iyon pero hindi ko siya sinunod. Mas lalo akong tumawag ng atensyon sa mga tao. Dalawa kaming nasa stretcher ng sumunod na minuto. Hawak ko ang kamay niya. She asked me that time if I wanna live, and if I wanted to take her heart but I said no." huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam na yun na pala ang huli naming pag-uusap. Sinabi nalang ni Doc Carlo na may donor na ako ng sumapit ang gabi. And it's Tammy. She requested me as her heart recipient. May iniwan siyang sulat, and a list of her wishes called bucket list. Lahat ng wish niya may kinalaman sa iyo. Tammy wants you to be happy Ake." Yumuko ako. "Ang sabi ng parents niya nakapaskil daw iyong wish list na iyon sa maliit na notebook niya at may note na, 'When I'm gone, sana may gumawa nito para sa akin..', kaya binigay nila iyon sa akin. Yung sulat daw ay sinulat na ni Tammy at balak na ipadala sa iyo pero hindi niya nga nagawa dahil noong araw na iyon ay ang araw na naaksidente siya.."

Doon bumuhos ang lahat ng luha ni Ake. Hawak ang kamay ko ay iniyuko niya ang ulo niya at umiyak ng oras na iyon. Nilapitan kami ni Mama at Papa para pakalmahin ito. Nanginginig ang kamay ni Ake ng sandaling iyon kaya naman nakaramdam ako ng awa dito. He's suffering. He's in pain. Coz that's his girlfriend.

Oh my God!

Ni hindi magawang tumingin ni Ake kahit kanino ng oras na iyon. Nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Hindi ko akalaing nasa tabi ko lang pala ang hinahanap ko. Sana pala binanggit ko na iyon ng mas maaga. Sana pala nagawa kong i-share iyon kay Ake para mas lalo ko siyang napasaya. Sana, oo, puro nalang sana. Nakakainis! Napaka-walang kwenta ko talaga! Tuloy, napaiksi ang panahon na binigay sa akin. Na mapasaya si Ake, na mapasaya ko ang nag-iisang lalaking minahal ni Tammy. Naaawa ako kay Ake ngayon, ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pagiyak nito. Pigil yun at walang tunog na mas lalong nagpapabigat sa kalooban ko. He's only the same age as me. Ni ayoko ngang nakikitang nahihirapan ang malalapit sa akin eh, si Ake pa kaya na namatayan ng isang babaeng importante sa kanya? Why is reality so cruel and twisted? It gives us hope but then, right now, it slapped me in the face, hard, and made me realize that nothing last forever. Happiness is not something you can have that easily. There's responsibilities, consequences, gamble--- I don't even have the right to dream! I never thought that this day would come so soon. I've had enough! Reality sucks!

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now