This Heart Belongs To YOU - 61.1 (The Impact)

549 29 5
                                    

Owemgee! Happy 10k reads! Wow lang! ❤️ thanks much!

💙 61 Part 1 of 2

Blake's POV

Habang mataman akong nakatingin kina Eos at Faye ay naalala ko iyong mga panahon na kasama namin si Amy. Parang ganito lang, nagkukulitan. Bahagya akong napangiti.

Ngunit bahagya ring nakaramdam ng lungkot.

Amy.. I miss you so much. Alam mo ba iyon? Bakit kaya kahit sobrang kamukha mo si Faye ay hindi ko pa rin makita sa kanya ang katauhan mo? Bakit Amy?

"Riley! Dala mo kotse mo?" Si Chloe. Napalingon ako sa kanya at nakita ang pamumutla ng mukha nito. Dali dali akong lumapit dito at hinawakan ang kamay niya. Nilingon naman ako nito.

"Hey.. Are you okay?" Tanong ko.

"Yeah.. Bakit?" Walang reaksyong sagot niya na ikinabigla ko.

"Galit ka pa rin ba?!" Kunot noong tanong ko. Yumuko siya at tinitigan ang kamay kong hawak ang kamay niya. Unti unti niya iyong hinila saka niya ako muling tinignan.

"No." Sagot niya saka siya naglakad papunta kay Faye. Naiwan naman ako roon na kunot ang noo at nagtataka. "Baby babe.. May pupuntahan lang ako saglit okay?" Sabi ni Chloe kay Faye saka siya bumaling kay Eos. "Pabilin naman si Faye sa iyo Eos," lumingon siya sa akin, "Blake, maiwan ko muna kayo rito. Saglit lang ako. I'll contact you later." Ani Chloe saka ito naglakad papunta kay Riley at kinuha ang car keys nito saka siya nagpaalam sa lahat at dali daling lumabas ng Angels Cafe.

Blake? She called me Blake?!

"Anong nangyari doon?" Tanong ni Eos sa lahat.

"Something's bothering her." Ani Faye kaya napalingon kaming lahat sa kanya. "What?" Kunot noong reaksyon niya.

"What do you mean Faye?" Ani Macey.

"Ramdam ko lang.." Kibit balikat na tugon ni Faye saka siya bumaling sa akin. "Pahatid nalang din ako pauwi Blake. Hindi na babalik iyon."

"Pwede bang ipaliwanag mo Faye?" Si Riley. Naglakad ito papalapit kay Faye.

"Eh.. Kasi.. Paano ko ba ie-explain? Iyong itsura niya kanina. Hindi siya makatingin ng diretso sa lahat di ba? May iniisip na iyon kapag ganoon siya." Paliwanag ni Faye.

Nagtinginan kaming lahat ng sandaling iyon. Bakas sa mga mukha namin ang pagtataka at pagaalala.

Lalo na ako.. Anong nangyari?

"Guys.. May itatanong pala ako. Paanong kilala ni Chloe si Amy?" Si Eos. Ngayon ay napalingon naman kaming lahat sa kanya.

"What about her heart donor?" Inosenteng tanong ni Faya dahilan para matigilan si Eos.

"Wait-- what now?!" Kunot noong tanong ni Eos.

"Hindi mo alam? Sinong nakakaalam dito? Si Blake lang ba?" Ani Faye.

"No. Alam naming lahat pwera si Eos." Ani Aiden. Oo. Nasabi ko na rin ang tungkol doon kina Aiden at Logan.

"Teka teka.. Naguguluhan ako.." Sapo noong sabi ni Eos. Napaupo ito sa stool chair at nagpakawala ng buntong hininga. "What happened to Amy anyway? What happened to my Boobear?" Nagsimulang lumungkot ang mukha ni Eos.

Mukhang gaya ko ay hindi niya pa rin nakakalimutan si Amy. Lalo na ang nararamdaman niya para rito.

"Okay... Now what?! Akala ko ba si Blake ang Boobear ni Amy? Teka, dalawa kayo?" Naguguluhang tanong ni Faye.

Nagtinginan kami ni Eos saka kami parehong napabuntong hininga. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang tensyon sa pagitan namin pagdating kay Amy.

"She's my Boobear." Panimula ni Eos.

"I'm her Boobear." Salo ko sa sinabi niya.

"Wait--what?" Sabay na sabi nina Faye, Riley at Macey.

"Ipaliwanag niyo na nga! Ang gulo niyo!" Si Logan.

"Well.. Narinig ko kasing tinatawag ni Amy si Blake ng Boobear kaya ginaya ko siya. Ang kinalabasan, naging Boobear ko si Amy, at si Blake naman ang Boobear ni Amy." Paliwanag ni Eos.

"So wala kang Boobear?" Tanong sa akin ni Faye.

"Wala.." Sagot ko.

"Boo-hoo lang meron!" Tumatawang sabi ni Logan kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Relax.. Tuloy ang kwento.." Kamot ulong sabi nito.

"Hindi ko siya tinatawag na ganoon noon dahil nako-kornihan ako." Patuloy ko.

"Lakas kasi maka-angas iyan noong mga bata kami." Nakangising dagdag ni Aiden kaya naman sinamaan ko rin ito ng tingin.

"So, ikaw Blake, ikaw ang Boobear ni Amy?" Tanong ni Riley, tumango ako. Bumaling naman ito kay Eos. "Ikaw Eos, Boobear mo si Amy pero hindi ka niya Boobear?" Paglilinaw niya.

"Yeah.. It's like that.." Ani Eos.

"Ang gulo naman ninyo.." Nakangusong komento ni Macey.

"So ikaw talaga ang papasayahin ni Amy?" Tanong ni Faye sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Singit ni Eos kaya naman nilingon siya ni Faye.

"Well, may bucket list itong si Amy na nandoon nga kay Chloe ngayon. Pinaka-importanteng nakasulat doon eh, Make my Boobear happy, so she's talking about Blake?" Paliwanag ni Faye.

Nilingon ako ni Eos saka ito umiling.

"Eos.." Tawag ko sa kanya.

Gusto kong humingin ng sorry. Gusto kong itama ang lahat. Iyon ang gusto kong gawin na sana ay tanggapin niya.

"It's fine Blake." Sabi nito saka siya tumingala at pilit na ngumiti. "Maybe it's time for me to move on. Like seriously move on. Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin si Amy. Masakit pa rin pala." Nagpakawala ito ng tawa, mapaklang tawa. "And here I thought that I'm in love with Chloe.." Hinawakan niya ang batok niya saka siya bumuntong hininga. "Ang sakit sakit pa rin talaga.. Sobra.."

Nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata ni Eos ng sandaling iyon. Hindi ko siya masisisi dahil ganyan din ang naramdaman ko noong malaman ko ang tungkol kay Amy. Napayuko ako at napabuntong hininga. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko saka ako tumingin sa glass wall ng cafe. Kita doon ang mga upuan at mesa sa labas. Mga dumadaan at naglalakad na tao.

Ayokong makita si Eos sa kalagayan niya ngayon dahil ayokong makaramdam ng awa sa kanya. Lahat kami ay may kanya kanyang pinagdadaanan.

Sa ngayon, ang gusto ko lang intindihin ay si Chloe..

Nang ibalik ko ang paningin ko kay Eos ay nakayakap na ito kay Faye. Si Faye naman ay hinahagod ang likuran ni Eos.

"Uwi nalang muna tayo.." Ani Aiden saka siya bumaling kay Riley. "Hatid na kita. Kinuha ni Chloe sasakyan mo di ba?" Tumango naman si Riley.

"Ikaw dude?" Tanong sa akin ni Logan.

"Diretso ako kina Chloe.." Sagot ko saka ako bumaling kay Eos. "Dude, okay ka lang?" Tanong ko rito.

"I just realized that I am not Blake.." Umiiling na sabi nito saka niya hinilamos ang kanyang palad sa mukha. "I'm going.." Walang reaksyong sabi nito saka niya hinawakan ang kamay ni Faye. "Ako na bahala kay Faye. Puntahan mo na muna si Chloe." Sabi nito saka sila naglakad palabas ng cafe.

TO BE CONTINUED..

Kasalanan 'to ng mga teh bebe kong sina RinkakuMayo jheyemm08 @LituSSutil kaya ito lang po ang UD ko. haha

Anyways.. Bukas po ulit, inaantok na ako. hihi muah! ❤️

-- kyLiiemichy

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now