This Heart Belongs To YOU - 70 (Bewildered Heart)

582 27 10
                                    

Happy 11k reads! Ayiiie! Keep on coming! ❤️

Chloe's POV

Gaya ng napagusapan namin ni Faye ay dito nga siya nagdinner sa bahay. Ang hindi ko lang inaasahan ay pati sina, Logan, Riley, Macey, Aiden, Blake at Eos ay nandito. Nang malingon ako kay Eos ay ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Napayuko ako. Ayoko talaga ng may ganitong aura pagdating sa aming dalawa.

"Chloe? Are you okay?"

Tumingala ako at nakita si Ake sa ulunan ko. Nakaupo kasi kaming lahat ngayon sa sala samantalang si Ake ay nakatayo sa likuran ng kinauupuan ko habang ang dalawang kamay niya ay nakapatong sa balikat ko.

"Yeah.." Pilit ngiting sagot ko rito. Ayoko namang banggitin pa sa kanya ang nangyayari sa pagitan namin ni Eos. Mamaya ay kung ano pang isipin niya. Mahirap na. Ugali pa man din niya, Bakit ang landi mo? Haha!

"Lagi kayong magkasama ni Faye brad ah! Kayo na ba?" Tumatawang sabi ni Logan kay Eos. Nakuha naman nila ang atensyon ko ng sandaling iyon.

"Hoy ikaw na madaldal na mukhang bakla! Tigil tigilan mo ako ah! Hindi porket mas bata ako sa iyo ako na tampulan ng tukso!" Singhal ni Faye kay Logan.

"Boo!!" Hiyawan naman nina Macey, Riley, at Aiden. Kami naman ni Ake ay bahagyang natawa habang si Eos ay mataman lang na nakatingin kay Faye.

"Grabe ka naman Faye. Masakit masabihan ng bakla. Baka totohanin ko eh hindi pa kami magkatuluyan ni Macey, tapos mamaya agawin ko pa si Blake kay Chloe." Nag-ala-baklang sabi ni Logan para lahat kami ay matawa. Loko talaga ang isang ito.

"Tseh! Mukha naman kasi talaga kayong bakla! Actually lahat kayo! Masyado kasi kayong gwapo!" Komento ni Faye saka niya isa isang itinuro ang mga boys. "Pwera si Tyler ano baby babe? Masculine.." Nakangiting baling sa akin ni Faye.

"Yeah.." Sang ayon ko nalang dito.

"Seriously?!" Asik naman sa akin ni Ake. Tinapik tapik ko ang kamay niya saka ako bahagyang tumawa.

"I'm just kidding. Geez.." Natatawang sabi ko rito at ganoon din ang iba, maliban talaga kay Eos na ni minsan ay hindi lumingon sa gawi ko.

"So, kayo na nga?" Pagpapatuloy na tanong ni Logan kay Eos.

"Yeah." Natatawang sagot ni Eos. Sinamaan siya ng tingin ni Faye saka ito tumayo at pinaghahampas si Eos sa balikat.

"Ikaw lalake ka! Iyang biro mo ah! Nakakarindi na ah!" Gigil na gigil na sabi ni Faye.

Mas lalong natawa si Eos sa reaksyon ni Faye. "Stop Faye.. I'm just kidding, unless kinikilig ka na." Nakangising sabi ni Eos saka niya hinuli ang mga kamay nito at hinila palapit sa kanya dahilan para magkalapit ang mga mukha nila.

Kitang kita ang pamumula ng mukha ni Faye ng sandaling iyon kaya naman tampulan na sila ng tukso ng gabing iyon, habang ako ay patuloy na iniisip pa rin kung anong kasalanan ang nagawa ko kay Eos. Bakit ba siya galit sa akin?

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitig kay Eos nang magawi ang paningin niya sa akin. Unti unting nawala ang ngiti nito sa labi nang matitigan ako saka siya pasimpleng nagiwas ng tingin.

"Mga bata, tara na. Naka-ready na ang dinner." Yaya ni Mama sa aming lahat.

Isa isa kaming tumayo sa kinauupuan namin habang si Ake ay nakapatong pa rin ang mga kamay sa balikat ko habang naglalakad kami. Nang makahanap ng pwesto ang bawat isa ay nagsimulang mag-lead ng prayer si Papa. Matapos nun ay binanatan na naming lahat ang nasa hapagkainan.

"Tita, kailan uwi ni Marvin?" Si Faye.

"Sa Christmas pa.." Sagot ni Mama.

"Or baka tayo nalang ang bumalik doon Mama para makapagbakasyon naman si Maven uli roon." Singit ni Papa saka siya bumaling sa akin. "Ikaw ba anak?"

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now