Season 2 - 120

630 21 5
                                    

Chloe's POV

Ang kinakatakutan ko noong bata ako, hanggang ngayon ay iyon pa rin ang tila ikinakatatakot ko.

Ayokong iwan si Ake.

Si Mama at Papa.

Si Marvin.

Ang buong gang.

Ang mga sis ko.

Ang mga kaibigan ko.

Ngayon pa lang ni ayokong makita silang malungkot. Masakit na para sa akin 'yon.

"Chloe.."

Lumingon ako sa likuran ko nang may tumawag sa pangalan ko. Mula sa kinauupuan ko ay nakita ko si Ake na papalapit sa akin. Nakangiti siya kaya naman nginitian ko na rin siya. Nasa greenhouse kami ngayon ng Drexel H.S-A.U. Hindi ko alam kung bakit, pero dito ako dinala ng mga paa ko nang maisipan kong mamasyal ng mag-isa kanina.

Isang linggo na ang nakakalipas mula nang lumabas ako ng hospital. Kahapon lang kami bumalik ng Pinas dahil na rin sa kagustuhan kong bumalik dito.

"Tama ako. Dito kita makikita," nakangiting sabi ni Ake saka niya ako hinalikan sa noo na saglit na nagpapikit sa akin. Nang makaupo siya ay mataman ko siyang tinitigan.

"Paano mo namang nahulaan na nandito ako?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Napaka-among ngumiti si Ake saka niya hinawakan ang kamay ko na sinundan ko ng tingin. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay mataman niya akong pinakatitigan.

"I just know Chloe," kampanteng sagot niya saka siya tumingin sa kawalan. "Anong gumugulo sa isipan mo ngayon? You look lost," aniya na bahagyang nagpangiti sa akin.

He knows me too well..

Lumingon ako sa mga asul na rosas. Hanggang ngayon ay iyon pa rin talaga ang pinaka-paborito kong bulaklak.

"Naaalala mo ba yung sinabi mo sa akin noon na hindi ka naniniwala sa miracle?" Nilingon ko siya na ngayon ay nakatingin na pala siya sa'kin. "Ngayon ba, hindi ka pa rin naniniwala?"

"As long as you exist, I will always believe in everything Chloe," nakangiting sabi niya na nagpangiti naman sa'kin.

Hindi ko pa man nasasabi ang dapat kong sabihin kay Ake ay nakakaramdam na ako ng lungkot.

"What's with that smile? 'Yan na ata pinaka-pangit na ngiting nakita ko," kunot noong sabi niya kaya naman nginusuan ko siya. "Don't pout."

Napataas ako ng kilay. "Pati ba naman pagnguso ko pangit din? Aba! Sobra ka na!" Naka-irap na sabi ko.

"Not really, you're the cutest when you always do that," aniya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinigilang mapangiti.

Nakakainis naman eh! Pa'no ko masasabi kapag ganyan siya eh. Eish!

Napayuko at napabuntong hininga. Nang tumingala ako ay hinila ko ang kamay kong hawak niya saka ako tumayo.

Dapat ko ng tapusin 'to.

Tumayo siya at mataman akong tinitigan.

"May problema ba Chloe?" Bakas sa boses ni Ake ang pag-aalala na mas lalong nagpakaba sa akin.

Muli akong pasimpleng humugot ng malalim na hininga. Inipon ko lahat ng lakas na meron ako ng sandaling iyon para masabi ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Ake, let's break up." Walang alinlangang sabi ko. Nang tignan ko siya ay walang reaksyon ang mukha niya. Ilang minuto siyang hindi nakasagot na para bang binabase niya ang sagot niya sa emosyon na makikita niya sa mukha ko.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now