Season 2 - 73 (Triplets)

497 32 5
                                    

Chloe's POV

"Ake?" Sambit ko.

"Aren't you gonna stand up Miss?" Walang reaksyong tanong niya kaya naman taranta akong napatayo ng sandaling iyon. Masyadong mababa at swabe ang boses nito, na parang hanggang ngayon ay umi-echo pa rin iyon sa tenga ko.

Hindi ko mapigilang titigan siyang mabuti habang tumatayo ito. Kumpara kay Ake ay mas malaki ang pangangatawan nito. Mas matikas. Mas, gwapo!

Wait, what?

Napailing ako sa naisip ko.

"Are you okay? I'm sorry." Sabi ko rito nang makita siyang nagpapagpag ng kanyang pants.

"I'm fine." Aniya.

"Cearl! Ano ka ba?! Saan ka galing?! Hindi ko mahanap si Blake." Pukaw ng isang lalake na papalapit sa kinatatayun namin ngayon.

Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan siyang makalapit.

"Ake?" Turo ko sa kanya saka ako bumaling sa nabunggo ko kanina. "Ake? Juicecolored! Dalawang Ake?! Ganito na ba ako ka-in love kay Ake?" Bulalas ko habang sapo ang noo ko saka ako umatras. "No.. Baka, nanaginip lang ako. Oo.. Nanaginip ka lang Chloe.. Lakad na palayo.. Lakad na.." Pangungumbinsi ko sa sarili ko habang palipat lipat ako ng tingin sa dalawang Ake na nasa harap ko.

"Do you know her Cearl?" Tanong noong lalaking kararating.

"No Dylan. She called us Ake though. Wait," bumaling sa akin iyong nabunggo ko, "Are you talking about Blake?" Tanong niya.

"Juicecolored! In love po ako kay Ake, totoo iyon! Pero naman! Ito ba ang kakalabasan ng future Ake? Nakita ko na po. Okay na. Gwapo na." Nakatingalang sabi ko habang nakataas din ang dalawang kamay ko sa ere.

I heard them chuckled. Nangunot ang noo ko ng muli ko silang lingunin.

"Hey crazy girl. Kung kilala mo si Blake Jayce--"

"Kuya Dylan? Kuya Cearl?!"

Napalingon ako sa likod ko at nakita doon sina Aiden, Logan, Riley, Macey, at si--

"Ake?!" Bulalas ko saka ako unti unting lumingon sa dalawang Ake na kanina ay kinakausap ako. "Sis!!!" Sigaw ko saka ako patakbong lumapit kina Riley at Macey at nagtago sa likod nila. "Gisingin niyo na ako! Masyado na akong in love kay Ake! Help!"

Narinig ko ang pagtawa nina Aiden at Logan kaya napalingon ako sa kanila. Nang lingunin ko sina Macey at Riley ay tulala pa rin siya sa tatlong Ake na ngayon ay nag-uusap at nagyayakapan sa hallway.

"Relax Chloe.. Iyong isa, kuya ni Blake, si Kuya Dylan. Iyong isa, pinsan nila sa kambal ng Papa nila Blake, si Kuya Cearl. Iyan ang tinatawag nilang triplets of Drexel's." Ani Aiden kaya naman nagbalik ako ng tingin sa tatlong Ake na iyon at unti unting nag-sink in sa utak ko na hindi ako nanaginip.

Grabe! Kung bibigyan ko sila ng ranking ng kagwapuhan, iyong nabunggo ko, tapos iyong dumating na lalake, then si Ake! Huwaw lang ang evolution! Iyong nabunggo ko ang pinaka-matured tignan!

Magsasalita na sana ako nang bigla kong maramdaman ang vibration ng phone ko sa bulsa ko. Nang tignan ko iyon ay nakita ko ang reminder ng pag-inom ko ng gamot.

"Damn!" Sambit ko saka ako patakbong lakad na pumunta sa locker ko.

Narinig ko ang pagtawag nina Macey, at Riley pero hindi ko na sila nilingon. Kailangan kong mainom ang gamot na iyon in time. Hindi ako pwedeng ma-late ng inom kahit isang minuto lang.

Malaking bagay iyon. Hindi pwede. Bawal!

Nagmamadali kong binuksan ang locker ko saka ako nakahinga nang maluwag ng mainom ko na ang gamot. Ilang ulit akong huminga ng malalim saka ako nag-inat.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now