This Heart Belongs To YOU - 31 (Cuddles)

734 42 5
                                    

💙 31

Chloe's POV

Sabado. Matapos akong pumunta ng hospital ay agad din akong umuwi. Wala ako sa mood lumabas ngayon kaya naman lahat ng tawag at text ng mga kaibigan ko ay sinabihan ko lang ng, Sorry, I'm Busy. Ilan sa kanila ay alam na nasa hospital ako kaya naman hindi na nangulit ang mga ito.

Feel ko lang mag-isa ngayon. Ayokong lumabas. Wala rin sina Mama at Papa dahil may inasikaso ang mga ito matapos nila akong samahan sa hospital.

Ilang oras na ba akong naka-higa dito sa folded chair sa may backyard? Dalawa? Tatlo? Ewan. Hindi ko alam. Wala rin naman ako sa mood na magbasa. Wala rin ako sa mood galawin ang phone ko.

Hala.. Ang tamad ko.. haha

"So hindi mo sinasagot ang tawag ko at talagang naka-relax ka lang diyan?! Nangga-gago ka ba Chloe?!" Sigaw ng boses na nasa likuran ko. Hindi ko na inabalang lingunin iyon dahil mukhang si Manang ang nagpapasok sa kanya.

Kakasabi ko lang sa na gusto kong mapag-isa eh..

Napapikit nalang ako saka ako bumuntong hininga.

"Alam mo bang pinag-alala mo ako nang sabihin nina Tito at Tita na nandito ka na sa bahay niyo matapos kang pumunta sa hospital?! Tapos di ka sumasagot ng tawag! Chloe naman!" Rinig kong singhal niyang muli, nga lang ay mas malapit na ito. Naramdaman ko rin ang pag-upo niya sa tabi ko at ilang ulit na paghinga ng malalim.

Idinilat ko ang mga mata ko at nilingon siya. Hawak nito ang noo niya habang nakayuko. Nakapahinga ang siko nito sa kanyang tuhod habang umiiling. Sinimulan kong hawakan ang leeg nito at minasahe iyon. Nilingon niya naman ako at sinamaan ng tingin. Nginitian ko lang ito saka ko siya hinila pahiga sa tabi ko.

"Huwag ka na magalit.." Lambing ko dito nang makahiga na siya sa tabi ko. "Stay still. Keep quiet. Close your eyes, and think of happy thoughts.. Relax Ake.."

Nilingon ko si Ake at nakitang nakatingin na ito sa akin. Halos magkalapit na ang mukha ng sandaling iyon. I felt my heart skipped a beat kaya napangiti ako. Pakiramdam ko kapag kasama ko si Ake ay buhay na buhay nga ako dahil sa nagagawa niya sa puso ko. Sa puso namin ni Amy.

Amy.. Inlove na inlove ka kay Ake ano? Makatibok tong puso mo, wagas!

"Why are you smiling?" Walang reaksyong tanong ni Ake.

Kinuha ko ang kamay ni Ake saka iyon inilagay sa dibdib ko. Sinundan niya naman iyon ng tingin ng may pagtataka.

"It's beating.. For me and you.." Nakangiting sabi ko saka ko tinitigan ang mga mata niya. "Isn't it amazing? Siguro sobrang saya din ngayon ni Amy dahil magkasama tayo ng ganito, at kahit papaano ay magkasundo." I giggled.

Inialis ko ang kamay niya saka ako lumingon sa kalangitan. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng sandaling iyon. Pansin mo ang pag-iibang kulay ng kalangitan, kulay kahel na medyo makulimlim.

"Chloe do you like me?" Tanong niya dahilan para mapalingon ako sa kanya at mapataas ng kilay.

"Kayabangan ba iyan o tanong?" Natatawang tanong ko.

"Tss.. I'm asking Chloe.." Tumagilid ito paharap sa akin saka niya iniunan ang braso niya sa kanyang ulo.

Pinitik ko nga siya sa noo!

"Feeling nito! Wala.." Natatawang sagot ko.

"Wala daw, pero kung makabitaw ka ng mga litanya mo daig mo pa nanliligaw. Kung makahawak ka sa akin, daig mo pa girlfriend! Tch!" Kunot noong sabi niya.

"Hala.. Sorry naman.. Sabihin mo lang kung ayaw mo.. Duh! Nasanay akong ganyan lalo na kay Marvin. Remember? May kapatid akong lalake." Paliwanag ko.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now