This Heart Belongs To YOU - 2 (Twins)

1.3K 79 57
                                    

💙 2

Chloe's POV

Pagdating namin sa klase ay maraming babae ang nakasilip sa bintana ng classroom namin.

"What's with those girls?!" kunot noong tanong ko kina Riley at Macey na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang magkabilang braso ko. Parang kaming triplets na hindi mapaghiwalay.

"Well, star section eh. Siguradong yung tatlong prinsipe nandiyan. Bukod sa kanila ay wala namang ibang tinitilian ng ganyan dito." natatawang sabi ni Macey. Laughing sarcastically while rolling her eyes and raised her right eyebrow.

"If ever man, ayokong makigulo diyan. Fan din ba kayo?" pag-uusisa ko.

Nagtinginan ang dalawa saka ito ngumisi.

"Fan? Oh dear. Just wait and see. Let's go inside." nakangising sabi ni Riley.

Gaya ng sabi nito ay pumasok na nga kami doon sa classroom at laking pagtataka ko ng titigan ng mga nagtititiling babae sina Macey at Riley. Ang ilan pa ay parang takot na umatras saka sila isa isang nagsi-alisan sa daan para lang makadaan kaming tatlo.

"Kailangan talagang engrande ang entrada niyo ano?" may tatlong babae ang humarap sa aming tatlo. Lahat ito ay daig pa ang nakalunon ng make up dahil sa kakapalan ng mga palamuti nila sa mukha. Kinagat ko ang gilid ng inner cheeks ko at pilit na pinigilang matawa o kahit ngumiti, but Pete'sake knows that I am loudly laughing inside my head.

"Ang aga aga gusto mo nanamang makatikim ng lait ano Carla?" mataray na sabi ni Macey.

"Kung lait lang naman, marami ka nun Macey." mataray na sagot nung Carla daw. Siya ang nasa gitna.

"Pwede ba Carla, lumayas na kayo ng makadaan kami. Yung dalawa mong alalay ay nakadadagdag pa kasi sa sakit sa mata ko eh." sarkastikong sabi ni Riley.

"Hoy! FYI--" sigaw nung nasa kanan pero itinaas ni Macey ang kamay niya sa ere at pinutol ang sasabihin nito.

"Zip it ugly minion." singhal ni Macey dito.

"Hoy! Ang aga aga gumagawa kayo ng eksena! Umupo na nga kayo!" sigaw ng lalake.

"Shut up Aiden! Get lost! Tch!" sigaw din ni Riley.

Nang lingunin ko ang lalakeng sumigaw ay napangiwi ako. May kasama rin itong dalawang lalake. Sila yung tatlong lalake na nakausap ko kanina. Napailing ako ng maalala iyon. Yung Aiden na nagsalita ay yung tumawa kanina.

"Prince Aiden, susundin kita. Uupo na ako." malanding sabi nung Carla saka niya tinanguan yung dalawang minion niya at umupo na nga sa kanilang upuan.

"Psh! Pampam!" inis na sabi ni Macey. "Di naman kasali, sumasali sali. Bakla ata kaya nakikigulo sa away ng babae! Tch!", bulong nito.

"Hi Riley! Hi Macey!" bati nung lalaking umiling.

"Hi your face Logan!" mataray na sabi ni Riley.

"Ang taray mo talaga!" sabi nung Logan.

"Lagi mo kasing pinapansin. Manahimik ka na nga lang." suway nung Aiden dun sa Logan.

Napako ang paningin ko sa lalakeng sinungitan ako kanina. Tahimik lang ito at may suot na headphones saka nakapikit.

Sus! So siya yung quiet type na walang modo at malakas maka-maldito? Eh di siya na! Ediwow! Hugot pa! Nako! Kung ano anong expressions ang naiisip ko. Kababasa ko to ng wattpad eh. Kaso pag sinabi ko na, ang pangit pakinggan kapag sa akin galing. Wirdong slang sabi nga ni Riley. hihi

Bahagya akong natawa sa mga nabubuong litanya sa pagiisip ko.

"Oh Hi! Ikaw yung nanigaw kay Blake kanina." natatawang sabi nung Logan sa akin.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now