This Heart Belongs To YOU - 15 (Another Date?)

902 68 22
                                    

💙 15

Third Person's POV

Masayang nagkakatuwaan sina Chloe, Macey at Riley ng oras na iyon habang sina Aiden, Logan at Blake ay mataman lang na nakatingin sa mga dalaga. Ilang sandali pa ay naisipan ni Chloe na simulan ng ayain kumain ang lahat. Isa isa namang nagsikilos ang mga ito. Madalas ay nagkaka-tinginan pa sina Aiden at Riley saka magkakahiyaan at ganoon din sina Macey at Logan ng oras na iyon.

Si Chloe naman ay mataman lang na tinititigan ang galaw ng apat. Hindi lingid sa kaalaman niyang may tinatago pang nararamdaman ang mga ito sa bawat isa. Naalala kasi nitong ganoon na ganoon rin ang kapatid niyang si Marvin at Alexa. Nagkaka-ilangan ngunit sa huli ay nagngingitian.

Si Blake naman ay mataman lang na nakatitig kay Chloe. Kanina niya pa itong pinagmamasdan at hindi iyon lingid sa kaalaman ni Chloe. Tinitigan ni Chloe si Blake saka ito tumayo at tumabi dito. Laking gulat nina Logan, Aiden, Riley at Macey ang ginawang iyon ni Chloe. Ang apat ay mababakasan mo ng pagtataka at kuryosidad sa kinilos ni Chloe.

"Sabi ng masama ang titigan ang iba eh." si Chloe. "Urong." sabi pa nito saka niya sinisiksik si Blake. Bumuntong hininga si Blake pero sinunod naman niya ito, bagay na mas lalong ipinagtaka nung apat.

Ang ayos na tuloy nag pagkaka-upo nila ay, Chloe, Blake, Aiden, Logan, Riley, at Macey. Ilang sandali pa ay lumipat na rin si Logan sa tabi ni Macey. Kaya naman ang huling ayos ay, Chloe, Blake. Aiden, Riley, Macey at Logan.

"Sinong nagsabing pwede kang tumabi sa akin aber?" sabi ni Macey kay Logan.

"Alam ko namang gusto mo rin eh." nakangising sabi ni Logan dito.

"Kapal!" si Macey.

"Ikaw! Usog!" masungit na sabi ni Riley kay Aiden.

"Wala na akong i-uusog. Saka okay na to. Namiss ko to." nakangiting sabi ni Aiden dahilan para ismiran siya ni Riley ngunit pinamulhan naman ng mukha ang dalaga.

Ilang sandali pa ay may sarisarili ng mundo ang anim.

Chloe's POV

Natutuwa lang ako sa inaasal ng dalawa kong kaibigan. Sinadya ko talagang tumabi kay Blake para bigyang way ang apat. Halata naman kasing interesado pa sila sa bawat isa.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?" pukaw sa akin ni Blake kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Ang cute lang nilang tignang apat." sagot ko dito.

"So?" kunot noong tanong ni Blake

"Tseh. Kung di mo gets, manahimik ka nalang." sagot ko saka ako sumubo ng cheesecake.

"Wirdo." bulong niya pero narinig ko iyon.

"PMS!" bulong ko rin.

"Ano?" tanong niya.

"Wala. Gwapo ka sana, kaso bingi ka. Tss." nakataas kilay na sabi ko.

"Hindi ako bingi, narinig ko nga di ba? Kaso hindi ko naintindihan. Wirdo."

"Achuchuchu!" sabi ko dito habang nagme-make face. Hindi naman na ako sinagot nito kaya naman nanahimik na rin ako.

"Ano ba! May sarili kang platito at tinidor! Maka-share lang sa akin, close tayo?!" rinig kong inis na sabi ni Riley kaya napalingon ako sa kanya.

"Oo naman. We used to kiss so, what's the difference?" nakangising sagot ni Aiden.

Pinamulhan ng mukha si Riley kaya naman mas lalong napangiti si Aiden. Inismiran ito ni Riley at nanahimik sa isang tabi. Nang mapalingon naman ako kina Logan at Macey ay okay naman sila. Nagtatawanan pa nga ang mga ito ng sandaling iyon kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti at mapailing. Pagka-sandal ko sa kinauupuan ko ay nahagip ng mata ko si Blake na nakatitig pa rin sa akin kaya naman ipinikit ko nalang muna ang mata ko saka ako nagpakawala ng malalim na hininga. Hindi talaga ito nagsasawang tumitig kahit pa naka-ilang saway na ako. Hindi ko rin naman malaman kung bakit parang wala nalang sa akin ang pagtitig niyang iyon, siguro nasanay na ako.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now