Season 2 - 85 (Trust)

425 20 3
                                    

Blake's POV

Pag-pasok namin ng hospital ni Chloe ay hindi ko mapigilang mamangha. Gustong gusto ko talaga ng mga ospital. Hindi ko rin malaman kung bakit pero ganoon ang nararamdaman ko pagpasok ko. Parang ang linis kasi nilang tignan. Puti lahat. Lalo na ang mga doktor, para sa akin ay isa silang superhero. Having those hands with a brain that's full of knowledge, they're able to save lives! Billions of lives!

Isang pinto ng kwarto ang kinatok ni Chloe. Hawak ang kamay ko ay pumasok kami roon at nakita ko ang isang lalake na may benda sa ulo. Walang reaksyon ang mukha niyang nakatingin lang kay Chloe. Nang makuntento siyang pagmasdan ang girlfriend ko ay saka lang siya tumingin sa akin.

"Air, kamusta lagay mo?" Si Chloe. Binitawan nito ang kamay ko saka lumapit doon sa lalake.

Napa-kunot noo ako nang gawin niya iyon. I silently flicked my tongue and quietly watched them as I sit on the couch.

"What are you doing here?!" Asik nung lalake na mas lalong nagpa-kunot ng noo ko.

"Ikaw!" Dinuro siya ni Chloe. "Binibisita ka na nga! Concern na nga ako! Ganyan ka pa!" Inis niyang sabi doon sa lalake.

"Go home! And don't you dare do that again! Pointing your finger in front of my face? Tch! Don't you have manners?" Asik ulit nung lalake kay Chloe.

Tch! Ang lakas ng loob ng lalakeng 'tong sigawan si Chloe ah! Kung hindi niya lang talaga iniligtas si Chloe kanina ko pa 'to nasapak. Tch!

Natigilan si Chloe saka ito bumuntunghininga.

"Sorry Air, nakakainis ka kasi. Di nga kasi, kamusta pakiramdam mo?" Si Chloe.

Umupo iyong lalake sa kama saka ito tumayo at nag-simulang magtanggal ng patient gown niya. Nilapitan ko si Chloe at agad na tinakpan ang mata niya para hindi nito makita 'tong sira ulong lalaking 'to na biglang naghubad.

"Dude, may babae sa harap mo," seryosong sita ko sa kanya. Walang reaksyong ibinaling niya sa akin ang paningin niya saka ito ngumisi.

"Makikita at makikita niya ang katawan ko sa mga susunod pang araw dahil ka-grupo niya ako," aniya kaya napataas ako ng kanang kilay ko na may pangu-ngunot ng noo.

Anong problema ng lalaking 'to?

"What are you talking about?" Paninigurado ko sa ibig niyang sabihin.

He scoffed. "Baka hindi mo alam na partner ko iyang girlfriend mo? Teka, ikaw nga ba ang boyfriend niya o si Eos?" Sabi nito saka siya nag-suot ng damit.

What?!

Tiim bagang kong tinitigan ng masama 'tong lalaking kausap ko. Konti nalang ay masasapak ko na 'to! Ibang klase makipag-usap! Alam kong partner siya ni Chloe! Lahat ay sinasabi sa akin ni Chloe, sa tuwing kakausapin ko siya ay nagku-kwento ako at ganoon din siya. Pero 'tong lalaking 'to! Lakas maka-hangin!

"Babybear, ako na sasagot. Masakit na takip mo sa mata ko dahil sa panggigigil mo," ani Chloe kaya ibinaba ko ang kamay kong nakatakip sa mga mata niya. "Air, nandito ako para--"

"I never told you to come back here Chloe. I never ask you anything that will do me a favor. You did that on your own. Kaya kung pwede, huwag kang umakto na parang sinabi kong ibalik mo iyong nagawa ko sa iyo? Tch!" Ani nung Air daw saka ito naglakad at lumabas ng kwarto.

"What was that?!" Sigaw ni Chloe saka ito inis na nagpa-padyak na parang bata. Kahit ako naman ay makakaramdam ng inis kapag ganoong klase ng tao ang makaka-usap ko.

"He's really something. That guy," komento ko saka ko hinawakan ang balikat ni Chloe at hinimas himas iyon. "Hayaan mo na," alo ko rito. Ayoko nang sabayan ang galit niya, dahil maski ako ay hindi ko gusto ang tabas ng dila ng lalaking iyon.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now