This Heart Belongs To YOU - 36 (Feelings)

715 44 8
                                    

💙 36

Chloe's POV

"Teka teka.. Babe, what are you trying to say?" Paglilinaw kong muli sa sinabi ni Faye.

"I want Blake to be my boyfriend baby babe." Nahihiyang sabi ni Faye dahilan para mapangiwi ako.

Anyare sa babaeng to?!

"Sorry. I can't. Not now.." Pukaw ni Blake. Nilingon ko ito at nakitang mataman pa rin siyang nakatingin kay Faye.

"Can we start as friends then?" Si Faye.

"Sure Faye.." Nakangiting sabi ni Blake.

Aba? Hindi niya sinungitan si Faye? Seryoso? Then nginitian niya pa? No way!

Abot tenga ang ngiti ni Faye ng mga sandaling iyon saka nito kinabig sa braso si Blake at kinaladkad papasok sa loob ng bahay habang ako ay naiwan na nakanganga ng sandaling iyon at hindi makapaniwala sa mga nasaksihan.

"Oy. Bf mo ba yun? Hahayaan mo nanaman bang kaladkarin at agawin ng pinsan mong ubod ng pasimpleng hinhin na ewan?!" Pukaw sa akin ni Alexa. Ni hindi ko man lang namalayan na katabi ko na pala ito.

"Bf? Hindi. We're just friends. Siya yung Boobear ni Tammy Lex." Paliwanag ko dito. I prefer to call her Lex than Alexa.

"Yung donor ng heart mo? OMG! Seriously?!" Bulalas niya.

"Yeah. Malay mo, maging masaya naman siya kay Faye." Kibit balikat na sabi ko habang naglalakad na ako papuntang kwarto. Siguradong susunod lang ito sa akin kaya naman hindi ko na ito sinuway pa.

"What? Hahayaan mo talaga? Sayang naman yun! Ang gwapo pa naman!" Kinikilig na sabi nito.

"Tseh! Ikaw ha! Isusumbong kita sa kambal ko." Biro ko. Saktong pagbukas ng pinto ko ng kwarto ay ang paghagikgik nito.

"Ano ka ba. Alam mo namang we're madly deeply in love with each other ng kambal mo. hihi"

"Ses. Di nga halata eh. Talagang iniwan ako dito at pinili kang samahan kesa sa akin." Nakangusong sabi ko saka kami tumawa.

Nang makapasok ako ng kwarto ay agad akong nagbihis. Wala na akong pakielam kung nakikita ni Alexa ang kaluluwa ko. Sanay na kaming dalawa.

"Mas naging sexy ka sissy babe ah." Bulalas niya ng makapag-hubad ako ng uniform.

"Lagi ba naman ako nag-e-exercise kahit ayoko." Umiiling na sabi ko habang naghahanap ng pambahay na damit. Sa huli ay bestidang bulaklakin ang kinuha ko. Simple floral dress lang iyon na hanggang taas ng tuhod ang haba at walang manggas.

"Ses." Rinig kong sabi nito saka siya lumapit sa akin at hinawi ang dress sa may bandang cleavage ko. Idinaan nito ang daliri niya sa peklat kong nandoon. "What a scar.." Bulong niya.

"I know.. Gusto ko ngang palagyan ng tattoo eh." Natatawang sabi ko.

"Weh? Pwede? Papayagan ka nina Tita at Tito?" Di makapaniwalang sabi niya.

"Tatanungin ko muna kay Doc Carlo kung pwede. Then I'll ask Mama and Papa about it." Sabi ko sabay taas ng zipper doon para takpan iyon.

"Buti naman okay ka na sissy babe.." Bulong muli ni Alexa saka niya ako niyakap. "I've missed you so much talaga! Ng bongga! Haaay.. Kung pwede lang kitang isama pabalik ng America, ginawa ko na."

"Namiss rin kita ng sobra." Bulong ko dito habang naka-akap. "Actually pinag-iisipan ko pa. Pero alam mo namang kailangan ko mag-stay sa tabi ni Ake habang hindi ko natutupad ang hiling ni Tammy para sa kanya."

"Ache?" Tanong ni Alexa saka niya ako nilayo.

"Yeah. Ake, short for Blake." Sagot ko saka ko siya hinawakan sa kamay niya. "Let's go. Gusto ko na makipag-kwentuhan sa kanila." Nakangiting sabi ko dito. Tinanguan naman niya ako saka siya nagpahila na sa akin palabas ng kwarto.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now