This Heart Belongs To YOU - 4 (Aiden)

1K 74 47
                                    

A/N:

Yay! Happy 1k views! Ang saya naman! hihi ito na UD, bilang pasasalamat.

-- kyLiiemichy

💙 4

Aiden's POV

Hindi ko maiwasang mapailing ng may makita nanamang bagong mapagtitripan si Logan. Akala ko nung una kakagat to sa pagpapa-cute ni Logan pero laking gulat ko ng hindi niya kausapin ito.

"You're interesting Chloe." natatawang sabi ni Logan doon sa babaeng nagngangalang Chloe. Transferee siya. Siya ring yung babaeng nanigaw kay Blake kaninang umaga ng magtanong yung Chloe kay Blake. Laking gulat pa namin ng parang slang ito magsalita ng tagalog. Hindi ko napigilan ng sandaling iyon na matawa at mapailing. Si Blake naman ay naiwang naka-kunot noo at tulala sa babaeng iyon ng sandaling iyon. Si Logan ay panay naman ng tawa ng oras na iyon.

"Sorry to disappoint you but I'm not." sagot nung babae kaya naman mas lalo akong namangha dito.

Bumalik sa amin si Logan na nakanguso.

"Masungit talaga tol." umiiling na sabi ni Logan.

"Bakit mo nanaman ba kasi pinagtitripan?" tanong ko.

"Maganda eh. Chicks eh. Sagad tol! Mukha siyang model!" bulalas nito.

Totoo ang sinabi ni Logan. Maganda nga iyong Chloe pero mukhang ilap ito sa iba.

"Maganda ba Blake?" tanong ko kay Blake na kanina ko pa nahuhuling tinitigan yung Chloe. Hindi nito siguro matanggap na sinigawan siya ng isang babae ganun ganun lang, kaya nakaagaw to ng interes niya.

"Wala akong pakielam pagdating sa mga ganyang bagay." he coldly stated.

Simula ng mawala ang babaeng pinakamamahal ni Blake ay nagbago na ito. Ang masayahin at mapagbirong Blake ay tila naglahong parang bula katulad ni Amy.

Ilang sandali pa ay dumating si Carla kasama ang dalawang kaibigan niyang babae. Ang akala ko nung una ay papatulan siya nung Chloe pero nagulat nalang ako ng mabara niya ito ng hindi ata sinasadya. Pinansin kasi nito ang nagpuputiang mukha nina Carla. Hindi tuloy namin napigilang matawa ni Logan ng sandaling iyon. Nilingon kami ni Chloe at ganoon din nina Carla. Ngunit agad na nagbawi ng tingin si Chloe ng sandaling iyon. Ilang sandali pa ay may nakita kaming kinausap ni Chloe at para bang may tinanong ito. Mataman siyang nakinig sa paliwanag ng kaklase naming iyon. Nang matapos siyang makipag-usap ay nginitian niya ang lalake. Nakita ko ang pagkamangha sa mukha nung lalake ng oras na iyon. Tulad nung lalake ay hindi ko rin maiwasang humanga sa ganda ng ngiti na taglay ni Chloe.

Nang matapos siyang makipagusap ay tumingin siya sa bintana. Ilang sandali pa ay bahagya itong ngumiti na para bang nakakita ng isang kanais nais na tanawin sa labas ng bintana na iyon. Nang igala nito ang paningin niya ay laking gulat ko ng makita itong may napakalaking ngiti sa kanyang labi ngunit agad na nawala iyon ng matapat ang paningin niya sa pwesto namin. Lalo na kay Blake. Nang lingunin ko si Blake ay mataman din itong nakatitig kay Chloe.

"Hoy Blake." pukaw ko kay Blake. Nilingon niya naman ako at gaya ng dati ay wala pa ring reaksyon ang mukha nito. Kung meron man ay madalas iyong naka-kunot noo na para bang manlalaban kahit anong oras. "Type mo?"

"Ha?"

"Yung transferee." sagot ko. Ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin saka ito umiling at tumayo para bumalik sa upuan niya.

Nang matapos ang klase at mag-break kami ay napahinto ako sa paglalakad ng tumigil si Blake sa harap ko. May nabunggo ito.

"Damn! Sorr-"

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now