Season 2 - 108

390 19 5
                                    

Air's POV

Dalawang linggo na. Dalawang linggo na pero, kinginang 'yan! Wala pa rin akong nahahanap na Chloe! Nasaan ka na ba Chloe?! Hindi ko pa nasasabi sa'yo na, mahal kita.

Mahal na mahal, pero, nagdadalawang isip pa rin ako hanggang ngayon.

Hindi ko pwedeng iwan sa ere sa Yel.

Napailing ako at napabuntong hininga. Bahala na sa kung ano mang mangyayari. Ang importante ay masabi ko kay Chloe na mahal ko siya.

Pagkapasok ko ng kubo, gaya ng dati ay nakatingin silang lahat sa akin. Umiling ako saka sila iniwasan ng tingin. Ni isa sa kanila ay ayokong kausapin. Lalo na 'yong mayabang na Blake na 'yon! Akala mo kung sinong leader na nagsasabi ng kung anong gagawin. Tch! Akala niya susunod ako sa kanya? Utut niya!

Pagka-upo ko sa may upuan sa kusina ay napapikit ako. Muli ay lumitaw na naman ang mukha ni Chloe sa utak ko. Ang ngiti niya. Ang tawa niya. Na para bang sobrang lapit lang niya sa akin ngayon.

"Air, grabe ka magsalita 'no? Salitang kanto?" Natatawang puna sa akin ni Chloe.

Umiling ako at inirapan siya. "Hindi naman kasi ako anak mayaman. Laking hirap lang ako. Pinaghirapan ko lang talaga 'yong makuha ako sa audition para makapunta ako ng New York," kwento ko sa kanya. Katatapos lang ng shooting namin ng sandaling iyon.

"Ahh. . . Nasaan nga pala father mo?" Tanong niya.

"Ewan. Wala na akong pakielam sa kanya mula noong iwanan niya kaming dalawa ni Mama," tiim bagang na sagot ko saka ako nagpakawala ng malalim na hininga.

Nang matigilan ako sa pag-aayos ay naramdaman ko ang paghagod ni Chloe sa likuran ko kaya naman nilingon ko siya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin saka niya inilapit ang mukha niya at ini-nose to nose ako.

"Huwag ka masyadong magtanim ng galit sa dibdib mo Air. Magpasalamat ka na lang na nakatungtong ka na rito sa pinapangarap mong larangan kasama ang Mama mo," nakangiting sabi niya saka niya ako niyakap kaya naman niyakap ko rin siya pabalik.

I miss you so much Chloe.. Magpakita ka na..

"Guys! Ang tagal naman ni Blake. Hindi naman iyon nale-late umuwi ah," rinig kong sabi ni Macey kaya naman napalingon ako sa gawi nila. Nang ilibot ko ang tingin ko ay wala nga iyong mayabang na 'yon.

"Sundan niyo na kaya? Masyado ng madilim eh," ani Riley.

"Guys relax. Trust Blake. Babalik 'yon," ani Eos. Nagtinginan naman silang lahat saka sila tumango tango.

Sumapit ang umaga. Walang Blake ang dumating.

"Mas mabuti pang sama-sama na tayong maghanap sa kanya ngayon. Wala ng hihiwalay," ani Aiden saka siya bumaling sa akin. "Nakikiusap ako Air. Makinig ka kahit ngayon lang. Dalawang tao na ang nawawala."

Umiling ako at sumunod na sa kanila nang lumabas sila ng kubo.

"Hindi kaya naligaw siya?" Si Kai.

"Imposible naman 'yan. Halos dalawang linggo na tayo rito," sagot ni Macey.

"Eh malay niyo," Kai shrugged.

Ibinaling ko sa ibang direksyon ang paningin ko para hindi na sila marinig. Mas gugustuhin ko pang hanapin si Chloe kaysa sa mayabang na 'yon!

"Guys! Nakita raw nila si Blake pero nung papunta lang daw. Hindi na raw siya bumalik kahapon nung dumiretso siya roon," ani Logan sabay turo niya sa napakaliblib na kakahuyan.

"Don't go there," agad na sabi ko. Nilingon naman nila akong lahat. "Delikado na diyan. Kung balak niyo siyang puntahan diyan ay kakailanganin natin ng maraming tao. Tumawag na lang tayo ng tulong," seryosong sabi ko sa kanila. Nagtinginan naman silang lahat saka tumango.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now