Chapter 8

11 5 0
                                    

[ Chapter 8 ]

Mabilis lang na dumating si Sir Pharou sa lobby at agad kaming umalis ngunit nasa kalagitnaan pa lamang kami ng pagbabyahe bigla na lamang umulan ng pagkalakas-lakas.

Huminto sa gilid ng daan si Sir Pharou.

"Damn! Did Reav'n jinx the weather?" Sabi nito at sakto lamang nag-ring ang kanyang cellphone.

Dinukot niya ito sa bulsa at sinagot ang tawag.

"Hey bud. Yeah we're stuck at the middle of the road. Hey! You jinx the weather so it's your fault. Okay-okay, pakibilisan please"

Pinatay na ni Sir Pharou ang tawag at lumingon sa'kin.

"Reav'n will be here in any minute. Sa palagay ko hindi muna tayo makakauwi ngayon kaya patatawagan ko nalang mamaya kay Reav'n ang mga magulang mo para hindi sila mag-alala tapos babalik tayo ng hotel at doon muna magpapalipas ng ulan"

Hala! Seryoso?!.

"Ah sige po" tanging sagot ko na lamang at hinintay na namin si Señorito.

Makalipas ang ilang minuto dumating na ito. Bumaba siya sa kanyang kotse na may dalang payong. Kinatok niya ang pintuan kung nasaan ako nakaupo at sumenyas na buksan ko ito kaya sumunod ako sa utos niya.

"Let's go" sabi nito.

Bumaba na ako ng kotse habang pinapayungan ako ni señorito. Naks naman! Parang ako yung señorita sa ginagawa niyang pagpayong sa'kin eh.

"Dahan-dahan lang at baka madulas ka" litanya ni señorito at bahagyang hinawakan ang aking kamay.

Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya.

"Ayaw mo magpahawak? Edi bahala ka kung madulas ka dyan" masungit na saad ni señorito.

"Ito naman si señorito. Hindi ba pwedeng nagulat lang ako? Halika na, nag-aantay na si Sir Pharou" sabi ko at ako na mismo ang humawak sa kanyang kamay ng mahigpit.

Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ako sa loob ng kotse. Kumunot ang aking noo nang pumasok siya sa kabila na hindi man lang sinundo si Sir Pharou.

"Señorito, aalis na po ba tayo?"

"Yeah" maikling sagot niya at nag-seatbelt.

"Paano po si sir Pharou sa kabila? iiwan nalang po ba natin siya?"

Tumingin siya sa'kin nang matapos siyang mag-seatbelt.

"He can drive" bigkas nito at inalis niya na naman ang kanyang seatbelt. Nahugot ko ang aking hininga nang lumapit siya sa'kin at sinuot niya sa'kin ang seatbelt.

"Safety first, Juvy" sabi niya at bumalik sa kanyang pagkakaupo ng maayos at nag-seatbelt saka nilisan na namin ang lugar.

Ano ba namang taong 'to! Hindi nagbibigay ng warning kapag gagawin yun!.

Kinabahan yata yung puso ko. Ang bilis ng kanyang tibok.

Pwede naman kaming bumalik gamit ang sasakyan ni sir Pharou bakit kailangan ko pang lumipat dito?.

"Pharou had somewhere else to go kaya ka lumipat dito" aniya habang nagda-drive.

Nanlaki ang mga matang tumingin ako sa kanya.

"Paano mo nalaman ang iniisip ko? Mind reader ka ba señorito?!"

"No, kapag iniisip kasi 'wag ibigkas kaya nalalaman ang mga iniisip mo kasi binibigkas mo rin"

Ang sungit talaga!.

"Ah talaga ba señorito?" Sarcastic kong sabi.

Napabuga siya ng hangin at nagsalita. "ang lakas talaga ng loob mong sagotin ako eh nuh?"

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu