Chapter 19

4 0 0
                                    

[ CHAPTER 19 ]

Nagmamadaling umuwi si Reav'n. Inis na inis ang ekspresyon nito sapagkat nalaman niyang nasa loob ng kanyang pamamahay si Samanta na hindi man lang nagpaalam sa kanya at kahit man magpaalam ito hindi parin siya papayag na pumasok ito sa kanyang bahay. Pagkagarahe niya ng kanyang sasakyan agad siyang bumaba at tumungo sa loob ng bahay. Naroon nga si Samanta---nakaupo sa sala habang nag-aantay sa kanya at tumayo lang ito nang makita siya ng dalagita.

Hindi mabasa ang ekspresyon ng binata habang papalapit sa dalagita.

"How the heck did you enter my house?!"

Parang nawalan ng espirito ang dalaga sa biglang pagsigaw ni Reav'n. Hindi niya ini-expect na sisigawan siya nito pagkarating na pagkarating palang.

"Aven" aniya at kakapit sana sa braso ng binata ngunit umiwas ito.

Napahilamos ng mukha si Reav'n ng kumalma na siya ng kaunti at mareyalisa na nasigawan niya na pala ang dalaga.

"Look, I'm sorry sa biglang pagsigaw ko sayo but could you please leave? I'm not in a good state to face you right now" bakas sa ekspresyon ng binata na konti nalang at siya na mismo ang kakaladkad sa dalagita.

Humugot ng malalim na hininga si Samanta bago lumabas ng bahay ni Reav'n. Tiningnan niya ang pagkain na nasa ibabaw ng maliit na lamesa. Marami nga ito at hindi pa nababawasan. Kumunot ang kanyang noo---diba nandito si Pharou? how come na hindi nito binawasan ang pagkain. Pumunta sa itaas ng bahay si Reav'n at tinungo ang kwarto ng kaibigan ngunit ni-anino ni Pharou wala doon.

Saan kaya nagpunta ang isang yon? palaging nawawala na parang bula. Dinukot ni Reav'n ang sariling selpon sa bulsa at dinayal ang number ni Pharou ngunit nagriring lang ito. Tiningnan niya ang screen ng selpon para makita ulit kung tama ba ang number na kanyang naitipa ngunit tama nga naman pero nagriring lang talaga ito.

Pumunta si Reav'n sa loob ng kanyang silid-aklatan. Pagkalapit niya sa isang maliit na shelve agad itong umatras paloob at lumabas sa harapan niya ang pintuan. The shelve can recognize Reav'n's physical appearance kaya awtomatiko itong bumubukas at pwede din naman itong kontrolin ng binata. Kahit sinong taong pumasok dito hindi aakalain na may nakatagong pintuan sa loob ng maliit na aparador.

Pumasok na sa loob si Reav'n at awtomatikong umandar ang malalaking screen na nasa loob. It was a big screen with full of videos coming from different areas at different countries. Ito ang isa sa mga specialty ng binata. Marami siyang alam tungkol sa mga gawaing ito.

Umupo si Reav'n sa swivel chair na nasa loob ng sekretong silid at sinimulang magtipa sa keyboard kasunod ang paglabas ng mga impormasyon sa mga screen na nasa kanyang harapan. Hinahanap niya ang lokasyon ni Pharou ngunit makalipas ang ilang minuto wala siyang makalap na impormasyon at isa lang ang ibig sabihin nun. Umuwi si Pharou sa kanilang lugar.

Walang akses ng internet o mga kung ano-anong gadgets doon dahil para sa kanila wala itong mga kwenta but if he wants to kaya-kaya niyang pasukin ito ngunit nirerespeto niya parin ang space ng kaibigan.

Sumandal siya sa swivel chair at pinaikot-ikot ito. Finally, he can have his alone time again but he already miss someone. 

"Damn!" he cursed and closed his eyes.

KINABUKASAN, napabalikwas ng bangon si Juventas nang marinig niya ang mga ingay na mula sa labas. Lumabas siya ng silid na hindi man lang tiningnan muna ang sarili. Hindi pa ito nakasuklay at may panis pang laway sa gilid ng kanyang bibig.

Natigilan siya bigla nang makita kung sino ang kinakausap ng kanyang mga magulang.

"Good morning" bati nito sa kanya na may kasabay na ngiting nakaukit sa labi.

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Where stories live. Discover now