Chapter 14

11 2 0
                                    

[ Chapter 14 ]

PAGKARATING namin sa bahay mismo ni Señorito kinabahan ako nang makita ito ng harap-harapan.

"May nakatira ho bang witch dito, Señorito?" Nakangiwing tanong ko sa kanya sapagkat wala kang makikitang kabuhay-buhay na kulay sa labas ng kanyang bahay dahil puro itim at puti lamang ang iyong masasaksihan.

"You mean a handsome witch like me? Yes may nakatira dito" confident niyang sagot.

Kung gaano ka kapal Ang ulap ngayon ganun din ka kapal ang mukha ni Señorito.

"Hindi ka ba susunod? We're going to be late" Sabi niya habang nasa harap na siya ng main door.

Sana all talaga sa malaki Ang hakbang.

"Andyan na"

Lumapit na ako sa kanya at naunang pumasok.

"Close your mouth Juvy" he said dahil literal na napanganga ako sa mga antique na mga gamit sa loob ng bahay. Bawat tingin mo sa iba pang mga gamit talagang kaaya-aya.

"Here. Wear this" binigyan niya ako ng damit na nasa hanger at may plastic pa ito.

"Hindi pa yan nagagamit kaya pwede mo yan suotin"

"Kanino ho ba ang damit na'to? Sa girlfriend mo, binigay sayo ng mama mo or galing 'to sa ex mo?"

Señorito RV rolled his eyes on me saka tumalikod.

"If you're done nasa living room lang ako" pagkatapos ng usapan at nilayasan niya na nga ako *pout*.

Hindi man lang sinagot ang tanong ko. Curious lang yung tao eh =_=.

"Señorito! Saan ba ako magbibihis? Dito mismo sa labas?" Binigyan ba naman ako ng damit tapos hindi man lang sinabi sa'kin kung asan ang banyo.

Sandali, bakit walang may sumasagot?

Pumunta nalang ako ng living room. Hindi niya siguro ako narinig ngunit nang nasa living room na ako walang katao-tao.

Asan nagpunta yun?

Napakibit-balikat nalang ako at naghanap ng banyo. Nakarating ako sa second floor at ang daming pintuan, asan sa kanila ang banyo? Pero diba kapag bahay ng mayayaman bawat silid may banyo? Sa bagay hehehehe ang galing mo talaga mag-isip Juventas.

Pinili ko ang silid na parang kalagitnaan ng lahat ng pintuan. Pumasok ako at natigilan dahil sa Nakita ko.

Kanino ang mga 'to?

Ang daming trophies, medals and certificates may mga damit pa na naka-crystalize. Lumapit ako sa mga picture frame na nakadikit sa pader.

"Hala! Si Señorito RV ba 'to? Mukhang si Sir Pharou yata 'to saka si Sir Samael" Sabi ko.

Ang cute nila (⁠≧⁠▽⁠≦⁠).

Tiningnan ko ang mga pangalan ng certificates.

"Reanzove Nikolai Krust" basa ko sa nakapangalan na certificates.

Full name ni Señorito?  Ba't ang haba? Kasya ba sa papel kapag susulat siya ng pangalan niya?.

"Had enough?"

"Ayy palaka!" Sigaw ko sa gulat sabay tapon ng hawak-hawak ko na damit.

Napahawak ako sa kanang bahagi ng aking dibdib. Tumitibok pa kaya Buhay pa ako (⁠・ั⁠ω⁠・ั⁠).

"Juvy, may hobby ka bang pumasok sa mga ipinagbabawal na mga kwarto?"

Mabilis akong umiling.

"Sorry po Señorito, tatanongin sana kita kanina kung nasa'n ang banyo pero Wala ka dun kaya ako nalang naghanap tapos napadpad ako dito. Hindi ko naman ho sinasadya na makapasok dito dahil una sa lahat wala akong alam na ganito pala ang laman ng kwarto" mabilis na paliwanag ko sa kanya.

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Where stories live. Discover now