Chapter 12

6 3 0
                                    

[ Chapter 12 ]

"Anak, ilang araw ko ng napapansin na puro ka nalang tulala simula mag-umpisa ang klase mo. Mahirap ba talaga?" Pang-uusisa ni nanay.

"Hindi naman ho sa ganun nay. Nagtataka lang po ako na hanggang ngayon hi----"

"Hindi na nagpaparamdam si Ramon" dugtong ni nanay sa aking dapat na sasabihin.

Nasa gilid kami ng ilog ngayon at naglalaba dahil araw ng sabado. Hindi ko na namalayan kanina na nakatulala na pala ako. Ganoon na ba kahalata kay nanay ang lahat ng mga iniisip ko?.

Huminga ng malalim si nanay at nagsalita. "Alam mo, pa'no kaya kung sumama ka muna bukas kay tatay mo?"

Kumunot ang aking noo. "Bakit ho? Saan po ba pupunta si tatay?"

"Pupunta siya bukas kay Señora Marieta"

Lumiwanag ang aking mukha at nakaramdam ako ng subrang excitement. Gustong-gusto ko talaga na makita si Señora Marieta kahit noong bata pa ako.

"Yes! Yes nay. Sasama ho ako kay itay" mabilis na sagot ko.

Matiwasay na napangiti si nanay na tila bang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Ito na ang tyansa ko na makita si Señora Marieta at ang iba pang mga anak nito.

Bata palang kasi ako kinukwento na nila ni nanay at tatay ang pamilya ng mga Krust. I was inspired by their stories and wish that I could see them in person. It's a big privilege for me kung makikita ko talaga sila sa personal.

Sumapit ang gabi at halos hindi ako makatulog dahil sa subrang excitement. Pumayag si tatay na sasama ako sa kanya kaya ito ako hanggang ngayon nakadilat parin ang mga mata.

Come to think of it, makikita ko kaya bukas doon sina Señorito RV at ang mga kaibigan niya? Simula nung umuwi na sila parang ang tahimik na ng buhay ko *pout*.

Napailing-iling na lamang ako at pinitik ang sariling noo.

"Come on Juventas, matulog ka na dahil maaga ka pa bukas"

KINABUKASAN, pareho kaming napasigaw ng aking Ina nang pagbukas ko ng pintuan ng aking silid.

"Sus maryusep! Aatakehin ako sa puso dahil sayo" sabi niya habang nakalagay pa ang kanyang kamay sa kanang bahagi ng kanyang dibdib.

Kakamot-kamot ulong lumabas ako. "kayo talaga nay. Ano ba naman yang mga pinagsasabi mo" sagot ko sa kanya at naglakad patungo sa loob ng banyo.

"Nasaan pala si tatay?" I ask habang inilalagay ang mga gamit ko sa gilid.

"Nagbibihis na ang tatay mo kaya dalian mo na dyan at kakain ka pa" aniya.

Pagkatapos marinig ang sinabi ni Nanay agad akong naligo kahit subrang lamig pa ng tubig. Sabi ni tatay kanina may susundo raw na sasakyan dito sa'min mga bandang alas otso ng umaga kaya kailangan kong kumilos na para bang si Flash .

Mabilis lang akong natapos maligo kaya lumabas na ako at tumungo sa aking silid upang magbihis.

"Juventas! Bilisan mo!" Sigaw ni tatay.

"Andyan na!" Bago lumabas ng kwarto tiningnan ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin.

"Pretty!" Compliment ko sa aking sarili at lumabas na ng kwarto saka tumungo sa hapag-kainan. Umupo na ako at nagsimulang kumain.

"Dahan-dahan lang at baka mabilaukan ka" sabi ni nanay.

"Hindi pwede malapit ng mag-alas otso ng umaga" sagot ko.

" 'Wag niyong kalimutan na dalhan ako ng pasalubong"

"Sabi ko naman sayo na sumama ka na rin sa'min ng anak mo bakit magpapaiwan ka pa rito" sagot ni tatay.

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Where stories live. Discover now