Chapter 11

15 4 0
                                    

[ Chapter 11 ]

"Grabe ang tagal mo na palang kilala si señorito, Sir Pharou" namamangha kong sabi.

"Yep"

"Eh paano kung dumating ang time na nag-away kayo ng pangmalakihan tapos puro kasinungalingan ang lahat? What if lang ho ah"

Nagkibit-balikat si Sir Pharou habang nakatuon ang kanyang atensyon sa daan na aming tinatahak.

"I don't know. Sa totoo lang minsan hindi kami magkasundo ni Reav'n but we still talk it out para maging okay kami ulit. What I want to say is that the both of us are being honest what we feel gaya na lamang kung naiinis ako sa kanya sinasabi ko agad sa kanya tapos sasagotin niya din ako na naiinis din siya hahahhaha pagkatapos nun magiging okay na kami" paliwanag ni Sir Pharou.

"Atsaka Reav'n can't lie"

Napatingin ako sa kanya big time. Hindi ko ini-expect na sasabihin niya iyon.

"Weh??" Hindi ako naniniwala sa kanya. Human always lie.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala pero seryoso ako sa sinabi ko. Reav'n can't lie. There's one time na kinausap niya ako about my stubborn sister that she was pulling money without our parents consent. Sinabihan siya ng kapatid ko na 'wag isumbong sa amin pero Reav'n can't take it so he decide to talk to me secretly. He's not good at lying because he was raised by his grandma as an honest person."

"He's bossy always and stubborn pero kung makilala mo siya ng lubusan, you will discover something that he kept hidden to others" mahabang salita ni Sir Pharou.

"Isama mo na ang suplado Sir Pharou, mukhang nakalimutan niyo pa eh"

"Hahhahah yeah"

Nagpatuloy ang aming pagkukwentuhan hanggang sa makarating na kami sa aming baryo. Nagpasalamat ako kay Sir Pharou dahil sa paghatid sa'kin at pumasok na sa loob ng bahay.

"Nay, nandito na po ako!" Sigaw ko.

Lumabas si nanay mula sa likod ng aming bahay. "Ano ka ba namang bata ka. Kailangan mo ba talagang sumigaw?"

"Oo naman para malaman mo na nandito na ang maganda mong anak" sabi ko at inilibot ang aking paningin.

"Si tatay ho?"

"Andon na sa bukid. Kamusta nga pala ang lakad mo doon kahapon?"

Nakangising nag-thumbs up ako kay nanay.

"Ang galing-galing talaga ng anak ko!" Sabi nito at niyakap ako.

"Naman! Ako pa"

Masayang sagot ko kay nanay. Malapit na ang pasukan kaya kailangan ko talagang maghanap ng iba pang scholar para wala ng gagastusin sina nanay at tatay sa'kin. Oo nga pala, kahapon pa hindi nagpaparamdam sa'kin si Ramon. Ano na kaya ang ginagawa ng isang yun?.

KAKABABA lamang ni Valen sa eroplano. Kasalukuyang nasa probinsya ngayon ang kanyang flight sapagkat sinadya niya talaga ito dahil nalaman niyang nandito sina Samael, Reav'n at Pharou.

Kahapon pa siya naiinis dahil hindi man lang siya sinabihan ng tatlo na pumunta ito ng probinsya. Nalaman niya nalamang ito sa dati nilang kapitbahay. Mabuti nalang may chismosa siyang kapitbahay noon kaya nalaman niya na nandito pala ang tatlo.

Pagkalabas ng airport sumakay si Valen ng taxi patungo sa ancestral house nina Reav'n.

Nang makarating kumatok agad siya sa pintuan ngunit walang may sumasagot. Pumunta siya sa likuran ngunit naka-lock ito.

"Asan ba ang lalaking yun?" Tanong niya sa sarili at pinalibot-libot ang kanyang tingin.

May nakita siyang babae sa hindi kalayuan na may dala-dalang basket kaya nagmamadali siyang lumapit rito.

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt