Chapter 2

26 6 0
                                    

[ Chapter 2 ]

Lahat ng tao ay abala sa gagawing malaking handaan mamaya pero hanggang ngayon hindi ko parin nakikita ang sinasabi nilang anak ni Señorito Ian. Pagod na pagod na yung mga mata ko sa kakatingin sa mga taong dumadaan sa aking harapan pero ni isa walang lalaking chinito na sinasabi nila ni inay.

Gino-good time lang ba nila ako?.

"Juventas" tawag sa akin na nagpahinto ng aking ginagawa.

Lumapad ang aking ngiti nang makita kung sino ang tumawag.

"Ramon" tawag ko sa pangalan niya at tumakbo papalapit sa kanya.

"Oh! 'Wag kang tumakbo at baka madapa ka, sayang ang magandang damit na suot mo ngayon kapag nadumihan" aniya nang makalapit ako sa kanya.

Iniyakap ko ang aking dalawang braso sa kanyang kanang braso.

"Na-miss kita eh, oo nga pala saan ka ba nagpunta kahapon? Pumunta ako sa pinagtatrabahuan mo pero umalis ka na daw tapos inantay pa kita sa dalampasigan pero hindi ko sumipot. May nangyari ba?"

"Nako! Pasensya ka na Juventas, hindi na ako nakapunta sayo kahapon dahil bigla na lamang nagpa-emergency meeting ang Boss namin at sa subrang abala ko nakalimutan ko ng sabihan ka na hindi na ako matutuloy sapagkat pagkatapos ng meeting inaya kami agad ni Bossing na kumain sa labas" paliwanag niya.

"Okay lang yun, ang importante andito ka na ngayon" masayang sabi ko sa kanya.

"Oo nga naman mahal ko, na-miss din kita"

"Tsk! Kailangan ba talaga sa daan kayo mag-PDA?" salita ng nasa likuran namin.

Lumingon kaming dalawa ni Ramon.

"Bakit? Sayo ba yung daan?" Masungit kong tanong sa kanya.

"Pasensya na kaibigan, hindi namin alam na nasa likuran ka pala" saad ni Ramon.

"Tsk!" Tanging sagot niya at sapilitan akong napabitaw kay Ramon nang dumaan siya sa aming gitna.

Matatalim na tingin ang aking itinapon sa kanyang likuran. Ang daming daan dyan tapos dito pa talaga siya dadaan sa gitna namin.

NANG matapos na ang lahat agad ng nagtipon-tipon sa gitna. Lahat kami nakaharap sa may maliit na entablado.

"Magandang araw sa inyong lahat mga kaibigan! Kamusta kayong lahat!" panimula ni itay sapagkat siya ang naatasan na magbubukas ng piging.

"Nandito tayong lahat para ipagdiwang ang pagtatapos ng ani at ang pagdating ng apo ni Señora Marieta! Palakpakan natin si Señorito RV" pagpapakilala ni itay.

Lahat kami pumalakpak habang inaantay na pumunta sa entablado si Señorito RV.

Kumunot ang aking noo nang makita ang pamilyar na likuran na naglalakad papunta sa itaas.

Nahugot ko ang aking hininga nang humarap na siya sa amin at kinuha ang mikropono sa aking ama.

"Diba siya yung lalaki kanina?" Tanong ko kay Ramon sapagkat hindi ako naniniwala na siya talaga yun.

"Oo, siya nga iyon. Siya pala ang apo ni Señora Marieta---syudad na syudad ang porma" komento nito na ikinairap ko.

Anong syudad na syudad? Eh simpleng naka-plain t-shirt nga lang ito at nakapantalon ng itim saka naka sneakers. Walang ka-special-special pwera nalang sa mukha niya, may iaangas pa yung itsura eh.

"Good evening everyone, pasensya na ho kayo sa biglaang handaan at sa biglaang pagdating ko. To be in fact, I have business nearby so I decided to check the hometown of my grandmother sapagkat nahabilin niya din naman sa'kin na puntahan ito. Salamat sa inyong pag-alaga sa lugar na ito at salamat sa inyong pagdalo. Simulan na natin ang piging" aniya na may nakaukit na ngiti sa labi.

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Where stories live. Discover now