Chapter 20

4 0 0
                                    

[ CHAPTER 20 ]

Kasalukuyang malapit na ngayon ang binata at si Juventas sa kanyang paaralan. Hindi na siya nakaabot sa kanyang unang klase kaya napagdesisyonan niya na lamang na pumasok sa ikalawang klase. 

Pinark ng maayos ng binata ang sasakyan kaya inaalis ni Juventas ang seatbelt at binuksan ang pintuan ng kotse saka bababa na sana nang tawagin siya ng binata.

"I'm sorry if I acted out of hand earlier, sumubra yata ako---are you all right? did you get scared because of me?" sunod-sunod na tanong nito sa kanya na nakakapanibago.

"O-Okay lang ho ako Señorito, salamat po sa paghatid" aniya at nagmamadaling umalis. Pinagmasdan lang ni Reav'n ang papaalis na pigura ng dalaga. Alam niyang matapang ang dalaga pero nakita niya ang mga mata nito kanina na nasasaktan dahil sa dating kasintahan.

He wanted to try and comfort her pero mukha yatang nasubrahan siya kanina at natakot sa kanya ang dalaga.

BZzzt! bzzzt!

His phone keep buzzing, kinuha niya ito at sa bulsa at sinagot ang tawag. Bati pa lang nito alam niya na kung sino.

"What now, Marion?" walang kagana-ganang tanong niya sa kabilang linya.

The man laughs out loud na dahilan ng pagtagpo ng mga kilay ng binata. Tatawag-tawag pagkatapos hindi naman magsasalita puro lang tawa ang ginawa nito.

"Kung wala ka man lang matino na sasabihin 'wag ka ng tumawag!"

[Wait! wait, bro! don't hang up, okay!]

"What exactly do you want?"

[Wala lang, nako-curious lang kasi ako kung ba't ka bumyahe dito ng ilang oras upang sunduin ang pamangkin ko at ihatid siya sa kanyang pinapasukan. Tumama na ba ang hinala ko?] aniya na may halong panunukso.

Reav'n rolled his eyes and end the call. Hindi siya naiinis sa kabigan kundi naiinis siya sa kanyang sarili. Hindi siya madaling ma-in love at hindi din siya madaling mahalin yun ang nasa isip niya kaya bakit ganito na lamang ang nararamdaman niya sa dalaga? he's becoming obsessed with her but thankfully he manage to control his self.

"Reav'n-Reav'n-Reav'n lumalambot ka na yata. Sa pagkakaalam ko kay Dina lang tayo lumalambot" aniya sa kanyang sarili at maya-maya lang ay tumatawa na ito na parang baliw.

"Lumalambot na talaga ako" saad pa nito.

Makalipas ang ilang minuto naputol ang kanyang masasayang momento nang bigla na lamang may tumawag muli sa kanyang cellphone. Tiningnan niya ang caller I.D. at sinagot ito.

"Hey fucker, buti naman naalala mo pa akong tawagan pagkatapos mong umalis ng bahay na hindi man lang nagpapaalam" bati niya rito.

[ Pick me up at the airport ]

Reav'n look at the screen of his phone saka binalik din naman agad ito sa kanyang tenga.

"I don't remember being your driver"

[ It's urgent ]

Pagkatapos na marinig ng binata ang sinabi ng kaibigan agad niyang binaba ang tawag at nilisan ang lugar. If Pharou say its urgent it's really urgent at kailangan niya agad na pumunta rito.

Hindi pa kalayuan nakita niya na agad si Pharou na nakatayo sa gilid ng daan, inihinto niya ang sasakyan sa harap nito at in-unlock ang pintuan. Lumapit si Pharou at kinatok ang bintana kaya binaba ito ni Reav'n.

"Hindi mo ba ako tutulungan dito?" he asked but Reav'n just shrugged.

"Parang hindi kaibigan" aniya at inakay ang maleta papunta sa likod ng sasakyan. Napangiti si Reav'n at pinindot nito ang isang button na awtomatikong nagpabukas ng compartment. Inilagay ng maayos ni Pharou ang maleta sa likod at bumalik siya sa harapan saka umupo sa shotgun seat.

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Where stories live. Discover now