Chapter 26

18 0 0
                                    

[ CHAPTER 26 ]

Mag-isa naglalakad si Juventas pabalik sa bahay para kunan ang sarili ng juice habang naglalakad napatigil siya bigla nang may mapansin siyang parang daan sa kagubatan. Napalingon-lingon ang dalaga at parang nanindig ang kanyang mga balahibo sa batok ng mapagtanto na walang katao-tao sa kinaroroonan niya. Medyo madilim na rin kaya binuksan niya ang ilaw ng kanyang cellphone.

Aalis na sana siya ng maalala ang sinabi kahapon ng binata na 'wag pumunta sa kabilang parte ng isla. Ano kaya ang meron dun na ayaw ipakita ni Reav'n sa kanila? hindi kaya may itinatago ito sa kanila?

Because of her curiosity hindi na namalayan ni Juventas na tinahak niya na ang daan na nakita niya kanina. Pagkalingon niya puro malalaking puno na ang kanyang nadaanan. Gusto niyang tahakin ang daan pabalik ngunit mas nanaid ang gusto niyang malaman kung ano ang nasa kabilang isla.

Hindi kalaunan, may nakita siyang umiilaw. Naglakad siya patungo rito and she saw a small hut. Walang katao-tao sa paligid kaya lumapit siya rito at bubuksan na sana ang pintuan nang may nagsalita sa kanyang likuran.

"I thought I already made myself clear that the other side of the island is off-limits"

Dahan-dahang humarap si Juventas. Parehong naka-cross ang mga braso ng binata at matalim ang tingin nito sa kanya.

"Hehehe! naliligaw kasi ako Señorito" paliwanag niya ngunit parang hindi ito naniniwala sa kanya.

"No way na maliligaw ka kung ang bahay ay malapit lang naman sa gilid ng dagat"

"Fine! nanaig yung pagka-chismosa ko kaya pumunta ako rito"

Wala namang kaespesyal-espesyal sa parte ng isla na ito sapagkat ang makikita mo lang ay isang maliit na bahay na gawa sa nipa.

"This is my private space Juvy and no one is allowed to enter even Gustav"

Juventas almost jump dahil sa subrang nerbyos na kanyang nadarama nang marinig ang naiinis na boses nito. Hindi niya pa nakita na ganun ka inis ang binata.

"S-Sorry ho Señorito. Hindi n-na po mauulit"

Isang malakas na kidlat ang bigla na lamang sumulpot at sunod nito ang ang pag-ulan ng napakalakas, pati panahon nakikisabay pa sa galit ng binata.

"Sorry talaga Señorito" paghingi niya ng paumanhin at aalis na sana ngunit hinawakan ng binata ang kanyang kamay at hinila siya papasok sa kubo. Pareho silang basa at ramdam na ni Juventas ang lamig.

Pinagmasdan niya ang binata na lumapit sa isang maliit na painting na nakadikit sa pader na kahoy at parang may kung ano itong tinulak. Suddenly the floor were slice into two. Napakurap-kurap ng ilang beses ang dalaga para makompirma kung nag-iilusyon lang ba siya o tama ang kanyang nakikita ngunit parang totoo nga ito nang matapos niyang kurutin ang sariling pisngi.

"Do you want to stay there and freeze to death or are you coming with me?" saad ng binata na nagpapukaw sa natutulog niyang diwa. Nasa kalagitnaan na ito ng hagdan pababa habang nakatingala sa kanya.

Mabilis na sumunod ang dalaga sa binata at parang nahilo na siya sa kakaikot nila sa hagdan. Halos kulang nalang lumuhod siya sa pagpapasalamat nang makarating na sila sa baba sapagkat mahihilo ka talaga dahil paikot-ikot ang hagdan na kanilang dinaanan kanina. Reav'n push the door at bumungad sa kay Juventas ang nasa loob.

Lumapit sa kanya ang binata at ipinatikom ang bunganga ng dalaga. "Here and the bathroom is over there" pangpupukaw niya rito.

Nagmamadaling kinuha ni Juventas ang ibinigay na damit ni Reav'n at tumungo sa banyo.

Reav'n chuckled at kinuha ang maliit na radyo na nasa loob ng desk na konektado sa main house.

"Gustav, sabihin mo kay Marion na nakita ko na si Juventas. Babalik nalang kami dyan mamaya pagkatapos ng ulan"

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Where stories live. Discover now