Chapter 16

7 1 0
                                    

[ Chapter 16 ]

Tahimik lang na nakasunod si Juventas sa likod ni Reav'n habang pababa sila ng hagdan, nasa gilid si Samanta at bahagyang napapasulyap ito sa kanya paminsan-minsan. She knows what she's thinking and she feels uncomfortable lalo na sa mga tingin ng babae na animoy parang inagawan ng asawa.

"Good morning best friend, late ka yata nagising ngayon" mapanuksong litanya ni Pharou nang makasalubong nila ito.

Reav'n give him a warn look. He was already piss nang malaman niyang lumipat ng bahay si Samanta malapit sa kanya at nadagdagan pa ito ngayon dahil sa pagpunta nito ng walang paalam.

"Ikaw ba ang nagbukas ng pintuan at nagpapasok sa kanya?" Naka-poker face nitong tanong sa kaibigan.

"Ah! Hehehehe yes po" Pharou nervously replied.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Reav'n sa kanya at inakbayan siya nito.

"The next time you will let her in at my house ibabalik kita sa pinagmulan mong bansa" bulong ni Reav'n na tama lang na marinig ni Pharou.

"Okay, I got it---geez!"

Tumayo ng maayos ang binata at lumapit kay Juventas.

"I forgot to tell you na ipinaalam na kita kagabi kay Mang Tenor. Rest assured na iuuwi kita mamaya" he tapped her head bago tuluyang pumunta sa kusina.

Naiwan ang tatlo sa hallway. The atmosphere was so awkward, Hindi alam ni Pharou kung ano ang sasabihin para mawala lang ang tension sa pagitan ng dalawa.

"Kaano-ano mo ba talaga si Aven?" Panimula ni Samanta.

"Ahm Samanta---ano kasi..."

"Let me ask her Pharou, kaano-ano ka ba talaga ni Aven? Pinsan ka ba niya? Kamag-anak? Girlfriend?" Patuloy ng dalaga.

"Samanta" pagpipigil ni Pharou habang nanatiling tahimik na nakatayo si Juventas.

Pharou looks worried and also scared of what will happen between the two.

"O 'di naman kaya bed warmer?"

Pharou covered his mouth dahil sa narinig. Ito ang unang pagkakataon na narinig niyang magsalita ng ganyan si Samanta sa ibang tao, as far as he knows---Samanta was a pure and gentle woman.

"Hindi ka ba sasagot?"

Bago pa lumaki ang tensyon mabilis na pumagitna si Pharou sa dalawa at baka magsabunutan ang mga ito. He was worried about Juventas, she was too young para sabihan ng mga ganyan.

"Enough Samanta, lumalagpas ka na sa linya" he said.

"Not you too Pharou"

"I know what you feel right now but let me ask you---may karapatan ka pa ba para magtanong ng mga ganyan sa kung sino ang kasama ni Reav'n?" Pharou's words were cold as ice.

Hindi nakasagot agad si Samanta. Bumaling si Pharou kay Juventas na bahagyang nakayuko lamang.

"Are you alright? I sincerely apologize for her behavior Miss Juventas"

Hindi sumagot si Juventas bagkos nanatili lamang itong tahimik. Humarap si Pharou kay Samanta at malamig ang tingin na ipinukol nito sa dalaga.

"Apologize Samanta"

"Why would I?"

"A-po-lo-gize at kung ayaw mong humingi ng tawad dahil sa mga sinabi mo maaasahan mong makakarating ito kay Reav'n"

Samanta was taken aback. Hindi niya inaasahan na pati si Pharou ay kumakampi na sa kasamang babae ni Reav'n.

"Edi sabihin mo, Wala akong pakialam. May masama ba sa mga tanong ko? I was just curious kaya natanong ko ang mga yun atsaka I'm worried that Aven might end up with a low class woman" aniya at umalis na hindi man lang humihingi ng tawad sa dalaga.

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Where stories live. Discover now