Chapter 3

16 6 0
                                    

[ Chapter 3 ]

Natapos ang piging na hindi ko man lang gaanong na-enjoy sapagkat sa nangyaring sagotan namin ng aking Ama sino ang makakapag-enjoy ng gabing iyon? Adik lang siguro makakapag-enjoy ng ganoon.

Hindi ko na nakita kagabi si Ramon nang makabalik ako kaya napagdesisyunan ko nalang na umuwi saka matulog at ito ako ngayon maagang nagising dahil napagdesisyunan ko na lamang na mag-eehersisyo.

Sabi nga nila maganda sa kalusugan ang simoy ng hangin sa bundok lalo na kapag maagang-maaga sapagkat prisko ito at malayo sa pollution.

Tamamg-tama nang paikot na ako sa malaking pond biglang lumabas si Señorito RV sa balkonahe na walang saplot ang pang-itaas nitong bahagi. Awtomatiko akong napanganga at napasigaw na lamang nang mahulog ako sa pond.

Umuubo-ubo akong umahon, napahinto ako nang makitang ang dalawang pares ng paa sa aking harapan. Unti-unti kong inangat ang aking paningin, sumalubong sa'kin ang  mukha ni Señorito RV.

Inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan ngunit tiningnan ko lang ito.

"I guess you don't need my help" sabi nito at tumayo ng maayos.

Ayy! Hindi ko naman alam na nag-ooffer pala siya ng tulong nuh, lalo na kapag naka-poker face ang eksprisyon nito kaya paano ko malalaman na tumutulong pala siya =_=.

"Magandang umaga ho Señorito" bati ko sa kanya habang nahihiyang tumayo ng maayos. Alam kong nakita niya ang lahat ng iyon pero paano siya nakapunta agad dito ng ganun kadali? Tumalon ba siya mula sa balkonahe? Hindi naman siguro nuh.

"Follow me, Miss Juventas" aniya at naglakad papalayo.

Nakatingin lang ako sa kanyang likuran na nakakunot ang aking noo. Bakit niya ako inuutusan na sumunod sa kanya? May kailangan ba siya o may ipapagawa?.

"Are you coming in or not?" Tanong nito na nakalukot na ang mukha.

"Andyan na po" natatarantang sagot ko at tumakbo papunta sa kanya. Ramdam na ramdam ko na ang lamig sapagkat basa ako.

Tumigil ako sa may entrance ng mansion habang binuksan ito ni Señorito at naglakad papasok, maya-maya lang bumalik siya at bakas na sa mukha nito ang pagkairita.

"Susunod ka ba o tutunganga ka nalang dyan?" Sabi nito.

"Eh Señorito, may ipapagawa ho ba kayo sa'kin o may iuutos kayo?" Tanong ko sa kanya.

"I have something to deal with you kaya pumasok ka na, the air outside is still cold. I'm afraid you might freeze to death"

Wow! Caring na naka-poker face, parang hindi sincere psh!.

"Ano ho kasi, bawal ho kaming pumasok sa ancestral house maliban po sa mga tagalinis ng bahay kaya hangga't maaari sabihin niyo nalang po ang ide-deal niyo sa'kin at para makaalis na po ako at makapagbihis"

Tumaas ang isang kilay nito. "Who said that?"

"Sabi po ng mga magulang ko saka ng mga nakakatandang nagtatrabaho rito"

"Well, yeah it might be like that before but the rules have change a moment ago"

Napakurap-kurap ako ng ilang beses dahil sa kanyang sinabi.

"Pumasok ka na bago ka pa mamatay dyan sa lamig" pagtatapos nito sa usapan at tuluyan nang pumasok.

Napalingon-lingon ako sa paligid. Sinisigurado na walang taong nakatingin at pumasok na nga ako sa loob.

Namangha ang aking mga mata sa nakitang mga antiques na nasa loob ng bahay, magkano kaya ang presyo nito sa auction?.

Habang abala ako sa pag-iikot ng aking paningin sa loob ng bahay, nagulat na lamang ako nang may naglagay ng tuwalya sa aking balikat.

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon