Chapter 6

16 4 0
                                    

[ Chapter 6 ]

NAKARATING ako ng bahay na matiwasay ngunit hindi naman ma-drawing ang aking mukha dahil sa mga nangyari kanina. Ibig sabihin ang kausap ni señorito sa tawag noong nakaraan ay lalaki!.

Natakpan ko ang aking bunganga. OMG! Veki si señorito RV?.

"Anak, ginabi ka na yata" sulpot ni nanay sa aking harapan.

Umayos ako ng tayo. "Nag-usap pa ho kasi kami ni señorito RV kaya natagalan ako" sabi ko.

"Eh asan na siya? Akala ko ba dito siya maghahaponan sabi ng tatay mo" dagdag nito.

Pumasok ako sa loob ng bahay. "Ano po kasi, may dumating siyang NAPAKAHALAGANG BISITA na galing pa sa syudad kaya hindi na siya makakapunta rito" pagsisinungaling ko at tahimik na pinagkrus ang dalawa kong daliri.

Totoo na may importanting BISITA si señorito pero wala siyang may sinabi na hindi siya pupunta sa haponan. Saka ko na iisipin ang mga sasabihin ko kung pupunta ba talaga siya mamaya.

"Ganun ba? Sayang, marami pa naman akong niluto"

"Edi tayo nalang po kumain, asan na ba si itay?"

"Umalis, kumuha ng maiinom sana nila ni Señortio RV"

"Nako! Sayang nga, kami nalang ni itay magtutuos" sabi ko at napadaing na lamang bigla nang batukan ako ni inay.

"Nay naman! Magkakabukol ako nito dahil sa inyo eh. Hindi niyo ba ako anak?"

"Ayan! Dyan ka magaling, 'wag mo akong dramahan at magbihis ka na akala mo hindi ko alam na nagsinungaling ka sa tatay mo para makapunta lang ng bayan"

Hala!

"Pumunta ka na naman kay Ramon nuh"

"Hindi ah! kasama ko kaya si señorito RV kanina dahil gusto niyang maglibot kaya sinama ko na" depensa ko sa aking sarili.

"Ako?" Sabat ng boses lalaki.

Pareho kaming napalingon ni nanay sa pintuan at nandoon pala si señorito at ang sinasabi nitong si Pharou. Kumunot ang aking noo nang makitang pareho silang dalawa na pawisan.

Don't tell me?!.

No! Ayokong mag-iisip ng ganun.

"Oo nay! Kasama ko po kanina si señorito RV. Nakita pa nga namin kanina yung isa pa niyang kaibigan na si Sir Samael eh tapos ito po yung sabi kong PINAKAIMPORTANTING BISITA na si Sir Pharou" nagmamadaling sabat ko at kinaladkad silang dalawa papalapit kay nanay.

"Ayy! Magkasama pala kayo kanina ni Juventas, pasensya na ho kayo sa anak ko ha. Makulit ba siya kanina? Tinatarayan kayo?"

"Nay!" Suway ko.

Tinuro ni Señorito RV ang kanyang sarili at tumingin kay sir Pharou.

"Ako? magkasama kami kanina?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ni nanay.

"Magkasama kaya tayo kanina, panay pa tayo lakad at bili ka ng bili kung ano-anong nakikita mo"

Nakita ko ang kanyang hawak kaya tinuro ko ang kanyang dala-dalang mga plastic.

"Ayan ang ebidensya na bumili ka kanina oh, diba ang dami. Pinabuhat mo yan sa'kin lahat" dagdag ko.

Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido.

"Pasensya na ho kayo, ganito lang po talaga minsan si Reav'n. Nagkaka-memory gap siya minsan pero maaalala niya din yan mamaya. Just give him some time po, it will just pop out on his memory na magkasama kayo kanina" paliwanag ni Sir Pharou.

Please Hire Me Señorito! - Trio Series #3 (Reav'n Krust)Where stories live. Discover now