OWNED BY HIM: XAVIEL ANDERSON: #14

Start from the beginning
                                    

"Okay! But tell me, ano ba ang rason ng iyong ama kaya ka niya ipapakasal?" Kuway tanong ko para makapag isip din ako ng paraan kung sakaling malaman ko ang dahilan.

"Alam mong siya ang sultan sa bansa ng Brunei."

"Yeah."

"And he has so many wife."

"Okay. I got it."

"Lahat ng asawa niya ay walang anak na lalaki. Maliban sa akin na anak niya sa labas kay mama."

Napatango ako. Hindi na ako umimik at nakinig na lamang sa kanya.

"Dahil wala siyang talagapag mana sa mga anak niya sa mga asawa ay ako lang ang nakikita niyang pwedeng magbigay sa kanya ng apo na pwedeng magmamana ng kanyang trono. Kaya ipapakasal niya ako sa anak ng isa niyang kaibigan para mabigyan siya ng apo. Para may maging legal na apo siya na magdadala ng kanyag apelyedo." Mahaba nitong kwento.

"Kung ganun apo lamang ang kailangan niya sayo kaya ka niya ipapakasal? Para may uupong bagong Sultan sa bansa, ganun ba?"

"Oo, dahil nilinaw ko sa aking ama na hindi ako uupo sa trono niya? Hindi ko hinangad ang buhay ng maharlika? Ayaw ko, lalo na kung malalayo ako sayo."

"Pfft." Napangiti ako na pinigilan kong matawa. "Kasemple naman ng rason mo? Mas pipiliin mo ang makasama ako kaysa ang karangyaang tatamasain mo kapag ikaw ang naupo sa trono?"

"Oo. Ganun lamang kasemple ang gusto ko. Ang makasama ka. Saka, aanhin ko ang trono bilang sultan kung kapalit naman ang kaligayahan ko."

"Pero kung hindi kita nakombinsi ay magpapakasal ka din naman?"

"Dahil ayaw ko din na madamay ka? Susunod na lang ako sa kagustuhan ng aking ama huwag ka lamang madamay sa gulo ng aking pamilya."

"Okay. In that case, let's talk to your father and tell him that..."

"I said no."

"But I insist. Sisiguraduhin kong hindi makakatanggi ang iyong ama sa magiging alok ko." Sabi ko sa kanya.

"Xaviel.." tila naguguluhan dahil tangging pangalan ko na lang ang nabanggit niyang napatitig sa akin.

"Pero bago iyan, let's go to hospital again. It's been a while simula noong huli tayong nagpacheck up."

"Huh. But I'm clean." Sabi naman niya na mas nangunot pa ang nuo.

"I know. And if your not, hindi ako papayag na pagalaw sayo. Let's go." Tumayo ako saka ko siya nilapitan.

Hinawakan siya sa pulsuhan at hinila na palabas ng opisina ko. Halatang naguguluhan parin siya sa ikinikilos ko ay hindi naman siya nagreklamo sa paghila ko sa kanya.

"Cancel all my appointment this afternoon." Bilin ko sa sekretarya ko ng matapat kami sa lamesa nito.

"Yes, sir." Agad na sagot nito na hindi na nagtanong kung bakit.

Nilisan nga namin ang kompanya ko at tinungo ang hospital para alamin ang kalagayan ko. Nakapagpasya na din ako na sabihin sa kanya ang kakaibang kalagayan ko. Para hindi na maguluhan at pwedeng idahilan iyon para hindi na siya pilitin ng kanyang ama na ipakasal sa iba dahil hindi ko hahayaang may ibang mag may ari maliban sa akin na simula pa lang ay ako na ang unang may hawak ng puso nito.





"Bumisita ka yata ulit ngayon, hijo." Ang papa na pumasok sa opisina nito. Kagagaling lamang nito sa isang operasyon. Pero sa tanong nito ay hindi maipagkakailang inaasahan na nito ang muli kong pagbisita.

"Yeah, papa. Gusto ko din kasing malaman kung kumusta ang kalagayan ko." Pagsagot ko kay papa.

"Kalagayan? Bakit? May sakit ka ba?" Si Mandy na sa wakas ay nagsalita na din. Simula kasi ng dumating kami sa hospital ay hindi na ito nagsalita o nagtanong man lang kung ano ba talaga ang gagawin namin dito sa hospital.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Where stories live. Discover now