Chapter 43

8K 438 173
                                    

"Baby, are you really sure about this? Ako ang mapapagalitan ng Tito mo kapag tumuloy tayo—" tinaliman ko ng tingin si Gustavo kaya natigil ito sa pagsasalita. Siya ang nagmamaneho at papunta kami ngayong presinto imbes na magpahatid sa mansion ni Tito Conrad. 

"Mas natatakot ka kay Tito Conrad kesa sa akin, Gustavo?" Maldita kong tanong sa kanya.

"Sabi ko nga tuloy tayo, Baby. Maano ba't mabugbog ako ni General basta wag lang magalit ang asawa ko. Ayos na ako doon." Malambing itong tumingin sa akin at pilyong kumindat.  Inabot niya pa ang kamay ko at dinala sa kanyang labi. 

"Wag na simangot ang baby na yan, labyu!" Nakangiti nitong sabi pero inikutan ko lang ito ng mata.

 Ayokong sungitan si Gustavo pero nitong mga huling linggo napapansin ko na madaling mag-init ang ulo ko sa kanya. Mabilis akong mairita kapag nakikita ko sya lalo na ang kulay asul niyang mga mata pero kapag hindi ko naman sya nakikita nalulungkot din ako. Gusto ko nasa tabi ko lang sya at wag lang magsalita. Basta dyan lang, yung nakikita ko. Kasi kapag hindi ko siya nakikita parang may kulang sa akin. 

"You're becoming more gorgeous every day, Wife. You are blooming like the flowers in our garden. Don't you miss our little home back there?"

Ang home na tinutukoy niya ay ang cabana kung saan kami pansamantalang nakatira. Hindi pa kami nakakauwi doon pero sinigurado naman ni Gustavo na may nag-aalaga sa mga halaman ko doon. 

For the mean time, we have to stay here in Manila dahil nandito si Ate Jingjing at dahil na rin sa request ni Tito Conrad.

"After all these I want to go home and rest, Baba. I just want to lay down the whole day or stay in the garden watching my flowers. " I said and sighed. 

I miss the place. I miss the cabana. I miss his horse, Amigo. I miss the plants. I miss my family, Tatay Dom, Nanay Tinay and Lolo Doming. Lately, I really feel so being emotional. Minsan parang gusto kong umiyak na ewan. 

Gusto sanang lumuwas ni Nanay at Tatay para puntahan ako pero sinabihan kong wag nalang. Nandun sila ngayon pansamantala sa bahay ni Lolo Doming. Kahit na nagdagdag ng tauhan si Kuya Gaden hindi pa rin pwedeng maging kampante. Ayokong madamay sila dahil lang sa pag-ampon nila sa akin. 

"I miss home, Baba. I miss our cuddles." I said softly. 

"We'll go home after all this, Baby. That's a promise."

Nararamdaman ko na ring gusto nitong umuwi sa kanila dahil sa problema ngayon ng Mamá niya at ng asawa ni Gaston.

Madami siyang  dapat na asikasuhin sa hacienda nila pero heto sya hindi ako iniiwan.

"I miss our cuddles too, Baby. I miss our morning routine in our cabana." Tumango lang ako sa kanya. I badly misses that too. Pero madami pa kaming dapat asikasuhin dito.

Bago kami umalis ng condo niya kanina narinig kong tinawagan niya pa muna si Kuya Gaden para ipaalam na gusto kong pumunta sa presinto. Mukhang napapayag niya naman, di ko lang sure dahil after nang usapan nila mukhang namo-mroblema pa ito. 

Pero maliban sa mga tauhan ni Gustavo na nakasunod sa amin meron ding pinadalang dagdag na tauhan si Kuya. Daig ko pa ang sikat na artista sa dami ng bantay samantalang dati kung saan-saang lansangan lang naman ako nakatira. Kung saan-saan lang natutulog kapag inaabot na ng antok. 

A very sad past. A very hard life but it taught me a lot. It taught me how to survive and keep moving. To continue dreaming and believing that there's a better life ahead, waiting for me. 

Pagkarating sa presinto sinigurado muna ng mga tauhan ni Gustavo at tauhan ni Kuya Gaden na secure na ang area bago nila ako pinalabas ng sasakyan.

 Kasabay ko pang bumaba sa kabilang sasakyan naman ang Ate Jingjing kasama si Kuya Dreau. Na may mga tauhan ding nakabanta.  

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)Where stories live. Discover now