Chapter 15

6.8K 390 90
                                    

"Kuya G, si Ate Chichay ay tahimik lang sa umpisa."

Mula sa pagtutupi ng mga damit, parang nag 180 degrees ang ulo ko sa sobrang bilis ng paglingon ko kay Milagring na ka-video chat ngayon si Sir Gustavo. Tatlo silang nasa harap ng cellhone. Nasa America ang amo at soon-to-be husband ko  ngayon dahil may kailangan itong daluhang business conference.

Naks! Maypa soon to be husband na akong nalalaman pero seryoso yun. Nga lang hindi pa alam ng iba dahil hiniling ko sa kanya na sa amin lang muna hanggang sa makapagtapos ako ng pag-aaral at makasal kami. Konting tiis lang naman at matutupad na ang hiling niya. 

May iniwan siyang cellphone sa akin na tinatawagan niya para magkausap kami araw-araw. Sa isang araw ilang beses itong tumatawag sa akin para kamustahin ako at ang mga bata. At heto nga ngayon kausap niya ang tatlo. 

"Yeah, I know. " Narinig kong sagot nito at naghagikhikan ang tatlo. 

Seryoso at walang idea ang Baba ko sa kalokohan na naman ng tatlong bata. Narinig ko na ang kalokohan nilang yan dahil madalas yang kinakanta ng mga kabataan dyan sa may labasan. 

"My Baby is really quiet since then but she's talkative kapag kaming dalawa lang which I like the most. Ayoko din naman makipag-usap sya sa iba. Gusto ko, ako lang. I don't want to share your Ate Chichay to anyone, girls. I'm selfish when it comes to her and she knows that."

Oo alam ko. Hindi lang ang accountant ang nilipat niya ng assignment dahil sa hayagang pagpapakita ng mga ito ng interes sa akin. Madami pang iba na nalaman ko nalang dahil hindi ko na nakikita. 

"Kahit di mo siya pilitin, Kuya?"

"What?"

Tinapunan ko ng warning look si Milagring pero nginisihan nya lang ako. Lintek na bata, kung anong daming natutunang aral sa paaralan nila ganun din kadaming kalokohan ang inuuwi nito araw-araw.

"You mean if pinipilit ko sya? Of course not. I am not forcing her. I don't do things without your Ate Chichay's consent. That's how much I love and respect your ate."

Isang linggo na ito doon pero pakiramdam ko ang tagal niya nang nawala. Ngayong malayo siya sa akin pakiramdam ko may kulang sa akin. Hindi ko namalayan na nasanay na pala ako sa presenysa niya. Yung araw-arwa ko siyang nakikita at gabi-gabi niya akong dinadalaw dito sa inuupahan namin. 

"Naks! Haba ng hair ni Ate Chichay ah." Si Mariposa na mahina pang hinila ang buhok ni Milagring, kinikilig.

"Kuya G, meron ka bang lemon?"

"Huy!Gagi wag." Si Luningning na tinakpan pa ang bibig ni Milagring.

"Lemon? Yeah. Why?" 

Nagtawanan silang tatlo. Seryoso parin si Sir Gustavo sa pagsagot sa kanila. 

"We have plenty of lemons at home. Why do you need lemons anyway?"

"Gagi! Milagring bawal nga. Mapapagalitan ka talaga ni Ate chichay." Narinig kong saway ni Mariposa sa kanya at pasimple itong sumulyap sa akin kaya tumigil ang huli.

"Gusto ko po sanang mag-lemon juice Kuya, palagi kasing inuubo si Ate Chichay. Alam mo na good source ng vitamins C ang lemon. Napag-aralan namin yun sa school Kuya."

"Oh that's good girls but wait, my baby is sick? Kelan lang? I will ask my men to pick you there and bring your ate to the hospital."

"Ay hindi naman po sick na super duper sick talaga Kuya, simpleng ubo lang, na love sick ata si Ate Chichay nung umalis ka."

Pasimple akong ngumiti. Medyo inuubo nga ako ngayon. Masakit kasi ang likod ko sa dami ng trabahong inuutos sa akin ni Miss Santos at Dra. Thrishia.

Ang daming files na pina-arrange sa akin. Ang bibigat pa nung mga folder. Buong bodega ata ng mga lumang papeles ang inayos ko ng mag-isa. Doon nauubos ang oras ko buong maghapon.

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)Where stories live. Discover now