Chapter 12

8.5K 422 152
                                    

"Luningning marunong na ako mag plus ng mabilis."

Sinulyapan ko silang tatlo, kadarating lang nila mula sa paglalako ng kung ano-anong rekado sa palengke at kadarating ko lang din galing sa trabaho.

Oo, bumalik ako sa trabaho dahil wala akong choice. Natatakot ako na kapag tinuloy ko ang pag-alis sa kompanya ng mga Sandoval totohanin din ni Sir Gustavo ang banta niya sa akin.

Back to normal kaming apat. Nakalabas na si Ningning ng ospital. Nangutang ako kay Sir Gustavo ng pera pambayad para makalabas sya. Ang sabi ni Sir Gustavo wag ko nang bayaran pero hindi ako pumayag. 

Kahit si Sir Gaston nag offer din na tutulong sa akin pero maayos kong tinanggihan. Si Sir Caleb na apo ng may-ari ng ospital at syang namamahala doon ay hindi na sana pabayaran ang bill ni Ningning pero hindi ko rin ako pumayag. 

Sabihin ng mapagmalaki ako pero ayokong pagdating ng panahon maging issue itong pagtong nila sa akin. Ayokong isipin ng ibang tao na inaabuso ko ang kabaitan ng mga amo ko sa akin.

Isa din sa mga rason ko kung bakit ako bumalik sa pagtatrabaho sa kompanya nina Sir Gustavo ay para makabayad ako. Ipapakaltas ko sa sahod ko ang perang binayad ni Sir Gustavo sa ospital. 

"Ge nga, sample." Sagot ni Mariposa sa kanya habang si Luningning ay busy sa pagbibilang ng mga napagbentahan nila.

Simula ng makapasok ako sa kompanya ng mga Sandoval pinakiusapan ko si Aling Terry na gawing reseller ang tatlo ng mga rekados at mga ready to cook na mga gulay. Kasi wala na ako na magtingin sa kanila kung saan sila magsususuot. 

Ngayong lumalaki ng silang tatlo natatakot ako na kung saan-saan sila mapunta. Nung dito pa ako sa palengke nagtatrabaho nababantayan ko sila. Nakikita ko kung anong ginagawa nila at hindi rin sila lumalayo sa akin. Pero ngayong hindi na nila ako kasama sa palengke gusto kong masiguro na hindi sila kung saan-saan umaabot.

"6+9 nga Milagring." Ani Mariposa.

Napatingin ako kay Milagring. Walang bilang-bilang, agad itong sumagot.

"12" Mabilis niyang sabi, taas noo pa ito ang nayayabang na tumingin sa dalawa dahilan para malakas na natawanan si Luningning at Mariposa. Naghahampasan pa ang mga ito na madalas nilang ginagawa kapag sobrang tuwa nila.

Lumuwag ang puso ko, masaya ako dahil bumalik na si Ningning sa dati nitong sigla. Bumalik na ang dating  ngiti nito sa mukha niya. Pumayat lang ito kaunti pero unti-unti na ring bumabawi. 

Nung nagka dengue sya at bakita kong nagpanic ang mga doctor, akala ko talaga mawawala na sya sa amin. 

"Bakit kayo tumatawa? Tama naman diba?" Nakangusong tanong ni Milagring, nawala na ang ngamamalaking ngiti niya kanina.

Nalipat ang tingin ko sa dalawa hinihintay ko kung ano ang magiging sagot nila.

Tumingin ang dalawa kay Milagring tapos nagtawanan ulit. 

"12 daw ang sagot Luningning. Six plus nine equalssssss?" Nagkatinginan si Milagring at Luningning sabay sabi ng.

"12!"

Pagkatapos  naghamapasan ulit. Lumakas ang tawanan nilang dalawa.

 Nakita ko ang pagsimangot ni Milagring. Nagbilang ito sa kamay niya pero di paman tapos magbilang muling nagsalita si Mariposa.

"Gagi! Akala namin di mo alam na twelve ang sagot, Milagring. Ang galing mo na nga! Ang bilis mo pang sumagot! Sino nagturo sayo? Paturo naman."

Laglag ang balikat ko. 

Ano daw? 6+9= 12?

"Easy bitsy! Ako pa ba?" Nagmayabang ulit si Milagring. Pinagpag pa nito ang balikat niya tapos sinabunutan ang dalawa. Pagkatapos  nagmamalaking nagtawanan silang tatlo.

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora