Chapter 23

7.3K 393 159
                                    

"Hala nakuyapan! Unsay gibuhat nimo apo? Ginoo ko! E-prc dayon. Dalii! ["Hala nahimatay! Anong ginawa mo apo? Juskopo! E-prc mo. Bilis!"]

Nagkukumahog si Lolo Domeng na hinila ako palabas ng bahay. Wala pa itong tsinelas sa sobrang pagmamadali niya pagkarinig ng malakas na kalabog. Lumuhod ito para e-check ang palapulsuhan ng lalaki pati ang sa gilid ng leeg nito. 

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ni Lolo. Nagulat din ako sa aking nagawa. Hindi ko naman inaasahan na ganun kalakas ang pagkasara ko sa pintuan at lalong hindi ko inaasahan na tatamaan sya sa mukha. 

"E-prc na Andromeda tawon malooy ka." [E-prc mo na Andromeda parang awa mo na.]

"Anong prc Lo? Di ko alam kung anong prc.." Nanginginig na rin ako at kinakabahan dahil hindi parin ito gumagalaw. Parang hindi na humihinga. 

Mahina kong sinipa ang paa nito pero parang wala itong naramdaman. "Huy lalaki gumising ka!"

"E-prc na ba, katong lips to lips gud para makaginhawa! Giatay kang bataa ka giunsa man gud nimo ni?" [E-prc mo na, yung lips to lips ba para makahinga! Juskong bata ka. Ano ba kasing ginawa mo?"

Hindi ko alam kung ano ang una kong hawakan sa lalaking nakabulagta sa lupa. Si Gustavo Orion Sandoval may malaking bukol sa noo at walang malay. Sa gilid nito ay ilang basket ng mga prutas. 

Ano ba kasing ginagawa na lalaking ito dito? Hindi niya ba alam na dito ako nakatira kay Lolo? Bakit parang gulat na gulat sya? 

Pero kung nagulat sya mas nagulat naman ako. Hindi ko naman kasi inaasahan na sya ang lalaking magpapakita sa akin sa gabing ito. Lintek lang talaga. Kakakita lang naman kanina at heto na naman sya.

"Dalii intawon apo, basin mamatay nas senyorito." [Bilisan mo apo parang awa mo na at baka matuluyan yan si Senyorito."]

Matuluyan? Sana nga matuluyan. Pero ang mga makasalanang tao na katulad niya ay mahirap patumabahin. Masamang damo, matagal mamatay ika nga nila. 

Kala mo kung sinong astig, pintuan lang pala ang  katapat. Tse! Isang napakalaking deserved!

Tiningnan ko ang lalaki wala pa rin itong malay. Baka may head injury ito sa lakas ng pagkasara ko ng pintuan sa mukha nya. Narra pa naman ang pintuan ni Lolo. Hardwood.

"Andromeda sige na."

"Lo, di ko alam paano mag CPR. Di ko pa na try sa totoong tao, sa mannequin lang. Baka 'pag ginawa ko sa kanya lalo lang yan mamatay."

"Hindi pwede mamatay ang Senyorito kundi makukulaong tayong dalawa. Sige na subukan mo lang. Kung hindi talaga magigising tatawag na tayo ng ambulansya."

Tinulungan na ako ni Lolo na lumapit sa lalaki. Nakaluhod kaming dalawa ngayon. Nasa kanang parte ako at si Lolo naman ay nasa tapat ko. Mag-a-alas nwebe na. Ang mga kapitbahay ay nasa loob na ng bahay nila. Ang ibang kapitbahay naman ay tulog na. Dito sa probinsya maagang natutulog ang mga tao. Dahil karamihan sa mga ito ay maaga ding nagigising. Madaling araw palang gising na at naghahanda na para sa trabaho. 

"Guniti ang dughan, dayon hinay-hinaya ug duot."[Hawakan mo ang dibdib tapos e-pump mo ng dahan-dahan."] Utos ni Lolo sa akin. 

Tiningnan ko ang mukha ng lalaki nakapikit pa rin ito at hindi gumagalaw. 

"Huy lalaki, gumising ka." Mahina kong tinampal ang mukha niya pero wala ito kahit kaunting reaksyon lang. Nagsimula na rin akong kabahan. Baka natuluyan ko talaga sya. 

Nilapit ko ang mukha sa dibdib nya. Pinakiramdaman kong may tibok pa ang puso nito, meron pa naman. Hinawakan ko din ang palapulsuhan niya may naramdaman pa akong pintig doon. Pero bakit di sya nagigising? Baka nawalan lang talaga ng malay. 

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)Where stories live. Discover now