Chapter 5

9.6K 450 236
                                    

"Chiara, totoo ba na inaway mo si Sir Gustavo kaya ka tinanggap dito? Balita sa buong kumpanya ang nangyari sa inyo sa coffee shop ah."

Parang ang weird pakinggan diba? Pero parang ganun nga ang nangyari. 

"Ang astig mo daw. Alam mo ba na walang nakasagot-sagot dyan kay Sir Gus? Gulat nga daw lahat ng empleyado na nakasaksi eh. Akala nila sa kulungan ang bagsak mo pero iba ang nangyari. Ekwento mo nga sa akin kung ano ang nagyari, Chiara."

Hindi ako nagkomento kay Cherry dahil una wala akong ganang makipag-usap, pangalawa busy ako sa pagma-mop ng sahig at pangatlo ayaw kong gawing big deal ang pagtanggap sa akin dito sa kompanya ng mga Sandoval.

Inaamin ko nagulat ako nung una at wala pa sanang balak na tanggapin ang trabaho pero ang makulit na kapatid ng may-ari nito ayaw akong tantanan. Hindi talaga ako iniwan ni Sir Gaston hanggat hindi natapos lahat ng kailangan ko sa araw na yun. Sinamahan niya pa ako sa HR nila at siniguradong matatapos lahat ng kailangan ko.

Masaya akong tinanggap ako dito dahil  kahit papano may mababago sa buhay ko at sa mga batang kasama ko sa lansangan. Pero may parte din sa puso ko na hindi ko maipaliwanag lalo na sa tuwing magpang-abot ang tingin namin ng matandang dragustavo na araw-araw ata hindi masarap ang ulam kung makasimangot sa akin.

Alam kong may binabalak ito para makaganti sa akin. Sa paraan palang ng pagtitig niya sa akin parang gusto niya na akong sunugin. 

Imposibleng pagkatapos ko siyang lait-laitin ganun nalang kadali sa kanya para tanggapin ako? Maliban na lang kung  may tama din siya sa utak katulad ng kapatid niyang si Gaston. Na buti nalang at hindi nagpakita ngayon kundi magugulo na naman ang tahimik kong buhay. 

"Napansin mo ba? Madalas na napapadaan si Sir Gus dito sa floor natin, saan kaya siya pumupunta? Sa palagay mo may sinisilayan si Sir dito?" Mahina lang ang pagkatanong niya sa huli. 

Wala pa rin akong komento dahil hindi ko rin naman alam kung saan pumupunta ang matandang yun at wala din akong balak alamin. Ang gusto ko lang naman ay magawa ng maayos ang trabaho ko dito dahil ayaw kong gawin niyang rason yun para sesantihin ako. 

Pero tama  si Cherry napansin ko din na ilang beses itong napapagawi dito sa fifth floor sa loob na isang araw ang amo. Samantalang nasa 24th floor naman daw ang opisina niya. Daw kasi hindi pa ako nakapunta doon. Hanggang fifth floor palang ang nalinisan ko. 

Ilang beses ko na ding naririnig ang komentong ganun sa iba ko pang mga kasama dahil ngayon lang daw yun nangyari. 

Baka naman kasi trip niya lang magkalakad-lakad para maexercise ang buto-buto. Alam mo na, mahirap na kapag tumatanda, rumurupok na ang mga kasu-kasuan. Baka ngayon niyo lang din narealize na  kailangan niya nang mag-ensayo. 

"Alam mo ba Chiara, dati nagrarason pa kami para makaakyat lang doon sa opisina ni Sir Gus. Para alam mo yun, makasilay man lang sa kanya. Napakailap kaya niyang si Sir Gus sa mga tao, pero ngayon, hindi na pahirapan.  Maypa free viewing na si Sir." Mahina itong humagikhik.

Para namang may sariling buhay ang isang kilay ko na awtomatikong umangat pagtingin ko sa kanya. Mukha itong naiihi sa kilig.

"Ang gwapo ni Sir Gus, Chiara noh?" Malakas niya pang hinampas ang braso ko sabay irit. Tinaasan ko sya ng kilay pero parang balewala lang ditong ngumiti sa akin. " Ang swerte natin may boss tayong gwapo."

Gwapo? Alin ang nakagwapo doon? Tsaka ano naman ang naka-swerte  doon?  

 "Alam mo ba kung sino-sinong mga nalilink sa kanya?"

Wala akong pakialam. Wag mo nang sabihin. 

"Mga beauty queens, mga artista, mga modelo, mga anak mayaman. Meron pa nga anak nung kaibigan ng tatay nila si Senyor Gideon, 'lam mo ba na nag-aral pa daw talaga ng veterinary para makapagtrabaho dun sa rancho nina Sir Gus. Imagine, sobrang yaman na nun ah?"

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)Where stories live. Discover now