Chapter 24

8.4K 398 69
                                    

I went inside my room to get some beddings for Gustavo. I'm not sure if he's really serious na dito sya matutulog o nang-go-good time lang pero naghanda pa rin ako. Wala din naman akong choice dahil pumayag na si Lolo tsaka konsenysa ko pa kapag nadisgrasya sa daan.

Dalawa lang ang silid dito sa bahay ni Lolo. Ang isa ay doon natutulog si Lolo at ang isa naman ay ang silid na  ginagamit ko. Maliit lang ang kama ni Lolo at hindi sya pwedeng tumabi doon. Medyo malaki ang kama sa silid ko dahil ito ang dating ginagamit ni Nanay at Tatay kapag dumadalaw sila dito pero hindi ibig sabihin na pwede siyang tumabi sa akin dito. 

Ano sya sinuswerte?

Pinalitan ko ng punda ng mga unan at kumuha din ako ng kumot at banig para ibigay sa kanya sakaling totohanin niyang dito siya matutulog. Which I doubt kung kaya nya ba? I'm sure hindi ito sanay matulog sa matigas na higaan. Bahala sya! 

Wala kaming extrang foam pero meron akong manipis na conforter. Meron din kaming extrang kulambo na ginagamit lang kapag dumadalaw dito si Nanay at Tatay dahil ayaw ng mga itong gumamit ng electric fan para sa lamok.

Wala kaming aircon pero may electric fan na pwede niyang gamitin kung gusto niya. Hindi naman mainit dito sa bahay ni Lolo sa gabi dahil napapalibutan naman kami ng mga puno. Tsaka diritso ang pasok ng hangin mula sa  mga decorative blocks.

Kung ako lang ang masusunod hindi ko sya papatulugin dito. Halata namang umaarte lang. Pero hindi ko naman pwedeng suwayin si Lolo Domeng. Alam kong malaki ang respeto ni Lolo sa amo niya kaya pumayag ito at mukhang mabait ang gurang na ito sa paningin ni Lolo. 

Naku Lolo kung alam mo lang ang ginawa nyan sa akin baka ikaw pa ang tataga dyan. Kaya nga galit ang tatay Dom dyan eh kahit hindi nito sabihin sa akin.

"Maglalatag na po ba ako ng banig, Lo?"Tanong ko pagkalabas ko ng aking silid. 

Kausap ni Gustavo si Lolo. Napansin kong seryoso ang mukha nilang dalawa pero agad na tumayo si Gustavo pagkakita sa akin. Ngumiti pa ito na akala mo talaga close kami. 

"Ako na Baby."  Sabi niya.

 Ako na baby! Tse! Hindi na ako madadala ng baby-baby na yan. Kungn dati kinikilig pa ako sa tuwing tinatawag niya akong baby ngayon hindi na. Neknek nya! Pabebe ang gurang di naman bagay.

 Binigay ko ang mga gamit sa kanya nang hindi sya pinapansin. Pagkatapos nilagpasan ko na. Hindi ko sya pwedeng malditahan dahil nakatingin sa amin si Lolo Domeng. Pansin ko din na parang inoobserbahan niya kaming dalawa. 

"Pasenysa ka na Senyorito, alam mo naman itong bahay ko maliit lang." narinig kong sabi ni Lolo sa kanya.

Pumunta na akong kusina para kumuha ng walis pagkatapos winalisan ko na ang sahig na lalatagan ko ng banig. Malinis naman itong sahig namin. Kaming dalawa lang ni Lolo ang nandito at palagi kong sinisigurong malinis itong bahay. 

Minsan nga naglalatag ako ng banig dito kapag gusto kong magrelax habang nanood ng tv. Wala lang, feeling ko lang narerelax ang katawan ko sa tuwing nakahiga ako sa sahig. Sanay naman ako sa ganitong klase ng higaan, mas maganda pa nga ito kesa doon sa dati kong higaan sa lansangan ng Maynila.

Province life is simple yet so calm and peaceful. I miss this kind of life yung simple lang pero masaya. Buhay na nawala sa akin nung nawala sa akin si Tatay at si Ate Jingjing. 

 Ito ang buhay na akala ko hindi ko na mararanasan ulit. Akala ko dati doon na ako tatanda sa magulo at maingay na buhay ng syudad.   

Sobrang layo ng buhay dito sa probinsya kumpara doon sa buhay ko sa syudad na araw-araw para akong nakikipagpatintero. Dito sa probinsya kahit simple lang buhay ayos na. Wag lang tatamad tamad at sigurado nang mabubuhay ka. 

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon