Chapter 6

7.7K 442 217
                                    

"Stay, Andromeda."

Tinaliman ko ng tingin ang lalaking pangiti-ngiti ngayon sa harapan ko. Ang walang hiya muntik pa akong kargahin kanina nung nagmatigas ako. Kung hindi ko lang sya naitulak baka parang sako niya na akong binuhat sa harapan ng mga empleyado niya.

Ang ending, para tuloy akong batang hila-hila niya hanggang sa makarating kami dito sa opisina niya.  Lintek talaga! Hindi man lang ba niya naisip ang kahihiyan ko? Ano nalang ang sasabihin ng mga kasamahan ko? Sigurado  akong pinagpi-pyestahan na naman nila ako ngayon. 

Ano bang akala ng lalaking to sa akin, kung sino-sino lang na babae na basta niya nalang bubuhatin?

Hindi ba siya nag-aalala sa kung anuman ang sabihin ng mga empleyado niya dito? Hindi man ba niya naisip ang reputasyon niya?

Eh kung kasuhan ko kaya siya ng illegal...ano nga ba ang kasong yun? Illegal position? Illegal parking? Ah basta!

" Stop frowning, Andromeda. You eat first" 

Isa-isa niyang binuksan ang mga pagkain sa harapan habang ako ay nakasimangot pa rin sa kanya. 

Andromeda! Sinong nagbigay sa kanya ng karapatang tawagin ako ng ganun ha?

Wala!

Feeling close! Hindi kami close! Ayokong makipagkaibigan sa mga pangit at masusungit. Sa mga matandang walang pinagkatandaan. Sa mga taong mayayabang at masama ang ugali.

 "C'mon, eat." Nabaling ang tingin ko sa kanya. Maamo na ang mukha nito ngayon. Malamlam na din ang mga mata. 

Ngumiti ito sa akin pero hindi ko ginantihan ang ngiti niya. 

"Kain na. Para lumamig ang ulo mo. Alam ko nagugutom ka na." Malumanay nitong sabi sabay turo sa pagkaing nasa harapan ko. Himalang bigla nalang itong bumait. 

 Pagkarating namin dito sa opisina niya kanina may mga pagkain nang hinahanda ang sekretarya niya. Pero nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito nang makitang hila-hila ng amo niya ang kamay ko.Pasimple niya pa akong tiningnan mula ulo hanggang paa at nang mapansin ang unipormeng suot ko nakita ko ang pag-ismid nito. 

Bruha spotted. Target locked. 

 "Sige na kumain ka na, alam kong gutom ka." Kumuha pa ito ng kutsara at akmang susubuan ako pero tinaasan ko siya ng isang kilay. 

Sinong may sabing gutom ako? 

Tiningnan ko ang mga pagkain na nasa harapan ko. Hindi pa ako nakatikim ng ganung klaseng mga pagkain. Pagkaing pangmayaman, yung mga nakikita ko lang sa tv.  May mga naka-slice ding mga prutas at tsaka pineapple juice. Bigla akong natakam sa mga pagkain nasa harapan ko pero nunca na ipapahalata ko yun sa kanya.

Baka may lason pa yan eh, edi natigok ako ng wala sa oras. O baka may pampatulog, tapos kapag nakatulog na ako saka niya ako sasaksakin at ihulog dito sa gusali niya. 

"Sige na, kumain ka na. Safe yan." Mas lumambing pa ang boses niya pero alam kong sinasadya niya yun para maniwala akong bumait sya. Mukhang yan babait? Kulang na nga lang bugahan niya ng apoy yung accountant kanina eh. 

Ano ganun nalang kadali magbago ang mood niya? Ewan ko lang. Baka 'pag pumuti pa ng uwak, sakaling magbago pa ang ugali ng dragon na 'to. 

Nilapit niya sa akin ang plato. "Please eat. Fill your stomach."

"Ayoko."

Inirapan ko sya. Pagkatapos pinagkrus ko ang dalawang kamay sa aking dibdib at iniwas ang direksyon ng katawan sa kanya. Pero imbes na magalit ito sa akin sa pagmamaldita ko bigla pa itong natawa.

Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE  (Gustavo Orion Sandoval)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum